Chapter 2
Favor
Eksaktong alas kuwatro y medya pagkatapos ng klase nila ay nagmamadali na si Sail na makalabas ng classroom nila. Tatakbo na sana siya papunta sa school gate ng may marinig siyang tumawag sa pangalan niya. Isang blonde guy na may green eyes ang nakita niya.
“Yes?”
“Sabi ko na nga ba’t ikaw si Sailormoon. Ikaw lang yung nagfit sa description na sinabi sakin ni Cy eh.”
“Teka. Pinadala ka niya rito? Sino ka ba? Nasaan siya? Anong nangyari sa kanya?”
“He’s fine. Nasa labas siya ng school. But he told me na dito sa labas ng classroom ninyo kita hintayin since napansin niyang excited talaga akong makilala ka. By the way, I’m Larry Stanford.” Iminuwestra nito ang kanang kamay para makipagkamay. She doesn’t want to be rude though she was quite taken aback with the idea of his whole being. Hindi niya alam kung anong meron dito pero may katangian itong di niya mawari kung ano.
“Sailormoon Ching.” Pagkatapos makipagkamay dito ay naglakad na siya palayo. Naramdaman niya ang pagsunod nito sa likuran niya. Tahimik lang din ito hanggang sa marating nila ang school gate kung saan naghihitay si Cy. Her face lit up when she saw him smile.
“Sino ba itong asungot na ito? Akala ko ba mag-uusap tayo?” ‘di na niya itinago pa ang disgusto niya sa bagong kakilala.
“Y-yes. With him around.”
“And why is that Cyrus?” salubong ang kilay na tanong niya rito.
“Because I’m leaving.”
She was startled. “What the hell are you talking about? Anong leaving? Saan? Kailan? Bakit?”
“Paano?” nagsalita bigla ang kuneho. Tss. Sumingit pa talaga ito.
Kaya naman inis na nilingon niya ito. “Pwede ba? Di ka kasali dito! Umalis ka na! Shoo!”
“Sail.. Don’t be rude. Larry’s my best friend.”
“S-sorry. Eh, kasi nakakainis siya eh! Sali-Sali sa usapan kahit ‘di kasali.” Pero para namang di naapektuhan ang kuneho sa kanyang mga komento. Ang katotohanan ay ang laki pa nga ng ngisi nito, na lalong nakapagpapainit ng kanyang ulo.
“Stop grinning!” naiinis na namang singhal nya rito.
“Why? Naakit ka na agad saken noh?” tumatawang tukso nito.
“Hmf! Huy Cyrus Humphreys! Di mo pa ako sinasagot!” baling na lamang niya kay Cyrus. Asar talo talaga siya. Dagdagan pang naiinis siyang makita ang ngisi ng Larry Stanford na ito.
“Yun nga..” nagkakamot sa ulong sabi ni Cyrus. “I’m leaving. Gusto ni Dad na magtransfer ako sa ibang school. Since determinado daw talaga akong maging professional basketball player, dapat ngayon pa lang daw magsimula na ako. Meaning, sa isang school daw ako mag-aaral na lumalaban sa mga intercollegiate events kahit high school pa lang ako. Kapag daw ngayon pa lang eh nagsimula na ako, mas malaki raw ang tsansa kong mapansin at masali agad sa varsity.”
“Eh pwede mo namang gawin yan kahit magsimula ka from scratch ah! Magaling ka!”
“Pero Sail. Naiinitindihan ko si Papa. Kapag dito ako sa school ng St. Anthony magtatapos, kailangan ko na namang mag-effort ng todo para maging part ng varsity. The pictures, the trophies, and the games that I have played will never be enough proof para sa mga universities na mataas ang standards para tanggapin agad ako.”
“Ibig sabihin, kapag dun siya naghigh school at varsity player na siya simula pa lang, automatic nang part siya pagdating niya sa kolehiyo.” Nagsalita na naman ang kuneho. Sumisingit na naman sa usapan ng may usapan!
![](https://img.wattpad.com/cover/21979002-288-k657775.jpg)
BINABASA MO ANG
The Green-Eyed Butler
عاطفيةInfluenced by Kuroshitsuji: The Demon Butler *** Highest achievement: General Fiction #265 Romance #532 *** An emotionless and devil-may-care type of butler. I don't give a fvcking shiz about other people's emotions and feelings. All of them are jus...