Chapter 16

104 3 3
                                    

 Chapter 16

Mischievous

“Yes." sagot ng kanilang ama sa tanong na iyon ng kapatid niya. "But this.. is the real deal. Wala sa kalingkingan ng mga magaganap ngayong trese na kayo ang sinasabi niyong ‘pagsasanay’.”

Iminuwestra pa nito ang quote-unquote sa dalawang daliri nito.

“Maari niyong tawaging lessons ang mga ‘pagsasanay’ na sinasabi ninyo at ngayon ang tunay na pagsusulit.”

“Ano pong pagsusulit iyon ama?” hindi na rin napigilan magtanong ng batang si Larry. Edad trese na rin siya sapagkat fraternal triplets silang tatlo ayon sa kanilang ama. Pero sa tatlong kambal, si Larry ang pinakapayat. 

Hindi niya alam kung bakit ayaw sa kanya ng kanyang ama gayung lahat ng nais nito ay sinusunod niya. Sa totoo lang, para na nga siyang katulong sa pamamahay na ito.

Wala siyang sariling kwarto kagaya ng dalawang kambal niya. Sa basement lamang siya natutulog at sa papag pa.

Kunswelo na lamang niya na sobrang mahal na mahal siya ng dalawang kambal niya. Hindi siya mukhang trese sa hitsura niya kundi parang siyam na taon lamang.

Hindi sinagot ng Papa Gary nila ang tanong ni Larry. Bagkus ay nanlisik ang mga mata nitong tiningnan si Larry.

“Ilang beses ko bang sasabihin sa’yong wag na wag mo akong tatawaging ama!”

“Kailan naman magsisimula ang pagsusulit na ito?” maangas naman na tanong ni Harry habang niyayakap ang payat na katawan ni Larry upang wag na itong pagbuntunan pa ng ama.

“Ngayon mismo anak ko.” nakangiting sagot nito kay Harry.

Napaghahalata sa ngiti nito na paborito nito si Harry sa tatlong kambal.

 

***

“Ang pagsusulit na ito ay susubok ng inyong lakas! Mayroong tatlong selda kung saan ikukulong kayong tatlo.”

“Paano naman nito susubukin ang lakas namin Am—namin.” Pinigil na lamang niya ang pagsabi ng salitang ama. Ayaw niyang maranasan muli ang mga bugbog nito.

Alam naman niyang hindi siya nito binubugbog kapag nandiyan ang isa sa mga kaptid niya. Pero kapag pumapasok na ang mga ito sa eskwela ay nararanasan pa rin niya ang pambubugbog ng kanyang ama.

“Malalaman niyo yan, sa takdang panahon.” Nakangising sagot nito sa kanya.

 ***

Pagkatapos nga ng anunsyong iyon ng kanilang ama ay agad na silang ipinasok sa isang selda. Tig-isa sila. Isang araw silang nanatili roon na parang mga preso. Walang binigay na pagkain o tubig.

Gutom na gutom na si Larry kaya naman pinili niyang kainin na ang binigay ng mga kapatid sa kanya na isang energy food.

Matapos niyang kainin iyon ay medyo nagkaroon siya ng lakas kahit paano.

Siguro ito ang sinasabi ng kanilang ama na susubukin umano ang kanilang lakas. Mabuti na lamang pala at medyo sanay na siya na hindi kumakain. Simula nung magkamuwang siya, hindi na niya maalala kung ilang beses siyang hindi kumain.

Lumingon lingon siya sa paligid niya sa pagbabaka-sakaling may tubig. Pero ang napansin niya ay isang tila bakal na pangkalkal ng semento. Nilapitan niya yun at muling tinitigan ang paligid niya.

Malinis naman ang lugar na pinagkulungan sa kanila. Hindi amoy kanal o kubeta. Kaya naman ang bakal na napulot niya ay sinubukan niyang ikalkal sa dingding malapit sa isang tiled sink.

Mukhang nauubos na ang lakas niya sa pagbabaka-sakaling may makuhang tubig sa bahaging ito.

Laking pasasalamat niya ng ilang sandali pa ay may lumalabas ng patak sa kinalkal niyang dingding. Pinagpatuloy niya ang ginawang pagkalkal sa dingding na iyon at ilang sandali pa ay unti-unti lumabas ang isang malinaw na tubig mula sa tubo ng gripong binaon sa semento.

Agad siyang uminom sa tubig na iyon. Isinasawalang bahala ang ideyang baka contaminated iyon.

Mamamatay rin naman siya kaya baka mas mapadali pa ng tubig na ito ang buhay niya.

Si Larry kasi talaga ang tipong risk taker. Ayaw niyang dumating ang panahong magsisi siya kung bakit hindi niya sinubukang gawin ang isang bagay. Ayaw niya ng mga what-ifs.

Hindi pa man naampat ang kanyang uhaw ay unti-unting nagbukas ang roll up door ng kanyang selda.

Ilang sandali pa ay pumasok ang isang lalaking doble ang laki sa kanya. He can’t help but smirk. Ito na siguro ang totoong susukat sa lakas nila.

He can handle this guy!

Then suddenly, more men entered the cell he’s in until there was twelve of them. Sa mukha ng mga ito, parang handa ang mga itong kainin siya ng buhay. Tss. Bring it on!

 

Matapos mapatumba ang huling lalaki sa labindalawang kalaban niya ay nakahinga na rin siya ng maluwag.

Kahit singkwenta pa siguro ang ipasok ng ama niya, kayang kaya niya.

 

Makalipas ang tatlo pang araw ay muling binuksan ang roll up door and this time, ang kanyang ama na ang nagbukas niyon.

“Tapos na ang laban. Maari ka ng lumabas.” Agad siyang tinalikuaran nito matapos nitong sabihin ang mga salitang iyon.

Bago sumunod rito ay tiningnan muna niya ang mga katabing selda na pawang bukas na rin ngayon. Alam niang wala siyang dapat ipag-alala sa mga kapatid niya pero normal lang siguro kahit paano ang maramdaman iyon.

Nakita niyang wala ng laman ang dalawang selda kaya sumunod na siya sa ama.

Nakarating sila sa isang tila buffet table. Sobrang dami ng mga pagkaing naroon. Agad nang kumain si Larry kahit wala pang imbitasyon. To hell with good manners and right conduct! He’s freaking famished!

 

Nakita niya ang dalawang kambal sa kabilang lamesa kaya’t nang matapos sa pagkuha ng mga pagkain niya ay agad siyang lumapit sa mesa ng mga ito.

“Apir! Three musketeers forever!” sabay sabay na sigaw nilang tatlo matapos makaramdam ng pagkabusog.

“Sorry to ruin the moment but the three of you were misinformed.”

Napalingon silang tatlo sa batang lalaking nagsalita sa gilid nila. Napalunok si Larry ng makita si Cyrus Humphreys. Umupo ito sa upuang katabi ng kanya.

“What do you mean?” takang-takang tanong ni Barry.

“Hindi pa tapos ang laban.”

“Sa paanong paraan naman?” maangas na namang tanong ni Harry.

“Hindi ko kailangan ng tatlong butlers. Aanhin ko naman ang sobrang daming butlers? Tss. Kaya may naisip akong contest.”

“Anong contest?” shiz! He’s a sucker for contests and competitions and games!

 

“Isang contest kung saan isa lang sa inyong tatlo ang mananalo.” Cyrus smiled at the three of them. But behind that smile is a mischievous idea.

The Green-Eyed ButlerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon