Chapter 8
Girlfriend
Napagdesisyunan ni Sail na pumasok sa school na pinapasukan din nila Cyrus at Boudicca tutal iyon naman ang matagal ng sinasabi ni Cyrus sa kanya. At ngayon nga ay dalawang taon na lang at magtatapos na rin siya sa pre-med niya.
Naging option din niya ang pinapasukang school ni Larry pero mas hindi niya gusto ang pumasok sa iisang paaralan na naroon ito. Naisip din niya na mas magagaawa niyang di pansinin at kaibiganin si Larry kung ang mga school nila ay magkalaban talaga.
Pero nang ginawa niya ang desisyung iyon more than a year ago, hindi naman niya inexpect na magkaka-girlfriend si Cyrus at mai-itchapwera siya.
Anyway, ngayong araw nga ang unang inter-school competition sa pagitan ng dalawang pinagpipitagang skwelahan sa bansa--- ang University of Persia at Ile de University. Sinubukan niyang pigilan ang sarili ngunit naexcite pa rin siyang isipin na makikita niya si Larry.
Nagsimula na ang event.
Sobrang lapit lamang ng laban ng dalawang kuponan. Nanguna na sana ng 12 points ang Stingrays ng Ile de University, ang school nila sa second quarter. Pero sa huli, nagtapos ang game sa score na 76-63, lamang sina Larry.
At talo ang team nina Cyrus. Nakatulong sa panalo nina Larry ang free throws na tinira nito sa huling mga segundo ng game. Ang panalo nilang ito ang siyang nakapagpasiguro sa Bobcats na mapasama sa championship kung saan best of seven ang laro.
May chance pa namang manalo sina Cyrus sapagkat round robin ang theme ng game.
“I limited him to nine points.” Ito ang naging sagot ni Larry sa interview nito kung saan tinanong ito sa nararamdaman nito against the reigning MVP of this intercollegiate game na si Cyrus Humphreys. “He’s my friend pero laro lang ito, walang personalan.”
Nakangising dugtong pa nito.
Nababanas siya sa pagmumukha nito ngayon! Kung makapag-smirk, kala mo kung sinong gwapo!
Mas lalo siyang nabanas nang makitang nakikipaglandian na ito sa babaeng nag-iinterview dito. Huwag lang talaga itong makalapit sa kanya at baka masapak niya ito!
11 points lamang sana ang lamang ng Bobcats sa Stingray subalit dahil sa nagawang free throws ni Larry sa last minute ay nadagdagan pa ang puntos na yun ng dalawa.
Napatingin siya sa gawi ni Cyrus at nakitang lulugo-lugo itong naglalakad papunta sa likuran ng court. May pag-asa pa kayang makabawi sina Cyrus? Alam niyang sobrang gusto ni Cyrus na manalo.. Nagawa nga nitong iwan siya dati para lang masiguro ang spot nito sa basketball.
Bukas.. bukas malalaman kung mapapasali pa ba sa top three ang kuponan nina Cyrus.
***
Pinuntahan niya si Cy sa locker room para iconsole sana ito ngunit napahinto siya ng makitang naghihintay sa labas si Boudicca. Bitbit pa nito ang bag ni Cy.
“Anong ginagawa mo dito?” agad na salubong niya dito at agad na inagaw ang bag ni Cyrus. Tila pinipigilan nito ang sariling sabunutan siya at kitang kita ang pagsasalubong ng bagang nito. Boudicca was caught off guard sa inakto niya kaya medyo napahila ito papunta sa kanya.
“Ano ba talagang issue mo sakin? You know what? You’re a lame actress! Stop acting as if you like Cy. Because we both know that you’re not into him.” Natigilan siya sa sinabi nito. Paano nito nahalata iyon?
“You see, I’m very good with reading people. And with that startled look on your face, you made me read you more.” Sagot nito na tila ba nababasa ang isip niya. Hindi niya maintindihan ngunit bigla siyang natakot dito.
BINABASA MO ANG
The Green-Eyed Butler
RomanceInfluenced by Kuroshitsuji: The Demon Butler *** Highest achievement: General Fiction #265 Romance #532 *** An emotionless and devil-may-care type of butler. I don't give a fvcking shiz about other people's emotions and feelings. All of them are jus...