A/N: 3rd person POV po ang meron sa buong story until the end.
***
Sanay na si Boudicca na hindi kasama ang kanyang ama. Alam niyang abala ito sa mga negosyo nito sa iba’t ibang panig ng mundo. Minsan lamang sa isang taon kung makasama nila ito ng kanyang ina at dalawang kuya. Sa kabila niyon, hindi maitatangging siya ang prinsesa ng kanilang pamilya. At bilang prinsesa, lahat ng gusto niya ay ibinibigay sa kanya. Handang gawin ng kanyang pamilya ang lahat para lamang sa kanya.
“Mama, bakit po tayo nag-eempake?” nagtataka siya sapagkat wala naman siyang alam na may nakatakda silang bakasyon. Natatakot din siya na baka nagsawa na ang kanyang ina na hindi kasama ang kanyang ama at balak na nitong makipaghiwalay sa kanyang Papa.
“Aalis na tayo dito Boudicca. Sasama na tayo sa Papa Carlo mo sa Persia.”
“Talaga po? Wow! Gustong gusto ko ‘yan Mama. Matagal ko na din gustong makapunta dun at makasama si Papa. Pero bakit po tayo nagmamadali Mama?” Nasanay siyang lahat ng kilos ng kanyang ina ay nakaplano. Perfectionist nga ito sa paningin niya. At alam niyang ang pag-alis na ito ay hindi plinano ng kanyang ina.
“Basta magmadali ka na. Kailangan pagdating ng Papa mo, nakahanda na tayo. Ang Kuya Sawyer at Kuya Alden mo ay kanina pa nakahanda. Kaya bilisan mo na.” nawala ang lahat ng agam agam niyang baka iwan nila ang kanyang ama ng ngumiti ang kanyang ina. Naalala niyang mahal na mahal nga pala nito ang kanyang ama. Sa kabila ng edad ng mga ito ay nananatiling sweet pa rin ang mga ito. Naiinggit na nga dito ang ibang kaibigan ng kanilang pamilya sapagkat hindi nahihiya ang mga ito na ipakita ang nararamdaman sa iba.
Nagmadali na siya. Ayaw niyang paghintayin ang kanyang ama.
Nagising si Boudicca ng makaramdam siya ng pagkauhaw. Nakatulog pala siya sa paghihintay sa kanyang ama. Bumaba siya mula sa kanyang kwarto upang uminom ng tubig sa kusina. Hindi siya matatakutin kahit siya lang mag-isa ang maglakad sa malawak na pasilyo nila dahil punong puno iyon ng mga ilaw. “Hindi ko hahayaang pati kayo ay idamay ng baliw na lalaking iyon Delia!”
Napatigil siya sa paglalakad sa pasilyo ng marinig niya ang boses na iyon ng kanyang ama.
“Pero bakit pa kasi kailangan pang mangyari sa atin ang ganito? Bakit hindi mo na lang siya hayaan?” Narinig ni Boudicca ang tumatangis na boses ng kanayang ina. Dumating na pala ang kanyang ama. At sino ang tinutukoy ng kanyang ama na baliw na lalaki?
“Papa, huwag kang mag-alala. Malaki na kami ni Alden at kaya na naming protektahan ang aming mga sarili. Para saan pa ang lahat ng mga martial artists na hinire mo para turuan kami kung hindi lang din namin magagamit iyon?” Lalo siyang naguluhan ng marinig ang boses ng kanyang Kuya Sawyer. Sa edad na kinse, naiintindihan na ni Boudicca na talagang may mali.
“Si Boudicca lamang ang dapat nating alalahanin Papa. Masyado pa siyang bata para mapasok sa ganitong gulo. Hindi ko hahayaang may masamang mangyari sa prinsesa ko!” sabi naman ng Kuya Alden niya, ang pinakamatanda sa kanilang tatlo. Nagkagoosebumps siya sa intensidad ng boses nito.
“Anong masamang mangyayari sa akin?” napalingon ang mga ito sa kanya at kitang kita niya ang pagrehistro ng pagkagulat sa mga mukha ng mga ito.
“Boudicca.. Hindi ba dapat ay natutulog ka pa?” ang kanyang ama ang unang nakabawi mula sa pagkagulat. Lumapit siya dito at umupo sa tabi nito.
“Hinihintay kita Papa. Ano po ba ang nangyayari?”
“Hija, bumalik ka na sa pagtulog. Paggising mo ay nasa Persia na tayo.” Sagot ng kanyang ina sa tanong niya. Alam niyang ayaw ng kanyang ina na malaman niya ang pinag-uusapan ng mga ito.
“Pero Mama, hindi ako basta na lamang makakatulog mula sa mga narinig ko. Hindi na po ako ganun kabata para hindi maintindihan na may problema. Gusto ko pong malaman Mama. Sige na po.”
“Boudicca, alam mong kaya hindi natin nakakasama si Papa ay dahil sa abala siya sa ating mga negosyo, hindi ba?” sagot ng Kuya Alden niya ng hindi siya sinagot ng kanyang ina. “Marami na ngayon ang naghahangad na pabagsakin siya dahil sa kanyang tagumpay. Kailangan na nating lisanin ang lugar na ito para malapit tayo kay Papa at mas madali sa kanya ang protektahan tayo.”
“Naalala mo ba nung muntikan ka ng makidnap? Mabuti na lamang at sinundo kita. Hindi lamang iyon isang simpleng kidnapping incident Boudicca. The man behind that was Kon Johnson.” Nagtatagis ang bagang na paliwanag din sa kanya ng Kuya Sawyer niya. Ibig sabihin pala, ang pagkidnap sa kanya ay hindi lamang ng isang simpleng kidnapper kundi utos ng isang taong nais pabagsakin ang kanyang Papa.
Base sa mga naririnig niya sa mga katulong nila, mortal umanong kaaway ng kanyang papa si Kon Johnson. Mula noong mga bata pa ito, palagi na raw pinaglalaban ang dalawa sa lahat ng genre. Sa skwelahan man o sa pribadong organisasyong sinasalihan ng mga ito, ang dalawa ang parating pinagtutunggali. Ang sabi sa kanya ng mga kuya niya, tinutukso daw na loser ang papa niya. Parati lamang daw kasi itong runner up kay Kon Johnson. Sa iasng larangan lamang nanalo ang papa niya—sa pagmamahal ng mama niya.
Sabay umanong niligawan ng dalawa ang kanyang ina at sa pagkakataong iyon ay sinwerte ang kanyang ama. Ito ang minahal ng kanyang mama. Dinibdib ni Kon Johnson ang pangyayaring iyon kaya naman lahat ng itinatayong negosyo ng kanyang ama ay kinakalaban nito. Pero sabi nga ng ilan, ang mama niya raw ang nagsilbing swerte sa buhay ng papa niya.
Simula ng magpakasal ang mga ito, lahat na ng itinatayong negosyo ng kanyang papa ay nagbo-boom. Mula sa pagiging isang loser ay naging kilala ang papa niya sa larangan ng real estate. Pumasok pa ito sa madaming mergers and acquisitions hanggang sa naging parte na ito ng top ten successful businessmen in Russia.
Ang bagong negosyong itinatayo nito ngayon sa Persia ay related sa langis. May mga nakasundong businessmen ang papa niya at naging isa ito sa major stockholder ng bagong tatag na korporasyong iyon.
“Lalabanan na natin si Kon Johnson Boudicca.” Mahinang sabi ng kanyang ina. “Ang pagtatatag ng SeaTrench ang simula. Siguradong hindi na makakapagpatuloy sa pagiging monopolista si Kon Johnson sa Persia.”
“Naiinitidihan ko na. Pero kahit paano, masaya na din ako. Dahil magkakasama na tayo palagi Papa!” mahigpit niyang niyakap ang kanyang ama na nasa tabi niya. Naramdaman din niya ang paglapit ng kanyang ina at dalawang kuya. Kasunod noon ay nabalot din siya ng init mula sa yakap ng mga ito.
“Hindi ko hahayaang may masamang mangyari sa inyo Boudicca.” Ang matigas na pangako ng kanyang Papa.
***
A/N: Wala pong update bukas at sa Monday. Sa Tuesday ko po ako mag-a-update ng Chapter 1.
~ AnastaShang :">
BINABASA MO ANG
The Green-Eyed Butler
عاطفيةInfluenced by Kuroshitsuji: The Demon Butler *** Highest achievement: General Fiction #265 Romance #532 *** An emotionless and devil-may-care type of butler. I don't give a fvcking shiz about other people's emotions and feelings. All of them are jus...