A/N: As promised, mag-a-update ako kapag naka-connect ako sa wifi ng kapitbahay. Hihi. Success. Na'hack' ko na ang wifi nila. Araw-araw na po ang update. :)
***
Chapter 20
Sailormoon Erica Ching
“Sail..” sabay na sabi nina Cyrus at Larry.
“What Larry?” sabi niya at nilapitan ito. “Tell this bitch that I’m telling the truth!”
“She.. Kyle.. Kyle is telling the truth.” sabi nito. At winasak noon ang puso niya.
***
Ilang araw ng hindi nakikita ni Larry si Sailormoon. Hind nito sinasagot ang mga tawag niya at hindi rin ito nagpapakita sa tuwing pinupuntahan niya ito sa classroom nito maging sa bahay ng mga ito. Itinatago ito sa kanya ng nanay nito at maging ni Boudicca.
At alam niyang nakapagdesisyon na si Boudicca na hindi siya karapat-dapat para sa kaibigan nito. Masyadong loyal na kaibigan si Boudicca at mula noong malaman nito ang ginawa nila ni Cyrus ay naging best friend ito bigla ni Sail.
Masyadong magaling ito sa pagtatago kay Sail mula sa kanya at hindi na niya kaya. Hindi na niya kaya na ilang araw na niyang hindi nakikita si Sail. Nag-aalala na siya at baka kung ano na ang ginagawa nito sa sarili nito.
Hindi niya mapapatawad ang sarili niya kapag may nangyaring masama dito.
Pero wala siyang magagawa. Kapag sinabi niya ritong ilalayo ito ni Cyrus sa kanya kapag hindi niya sinunod ang utos ni Cyrus na si Kyle Anderson ang pakasalan niya, siguradong ilalayo pa rin ito ni Cyrus sa kanya.
Kapag naman pinili niyang mahalin pa rin si Sail sa kabila ng katotohanang may napili na si Cyrus para sa kanya, ilalayo pa rin ito ni Cyrus sa kanya. Hindi na talaga niya alam ang gagawin niya!
Itinuloy niya ang nararamdaman niya kay Sail sa pag-aakalang magbabago ang isip ni Cyrus kapag nakita nitong mahal nila ni Sail ang isa’t isa. Akala niya si Sail ang babaeng pipiliin ni Cyrus para sa kanya.
Pero mula noon hanggang ngayon, hindi pa rin niya ito mabasa-basa. Masyadong unpredictable ang mga bagay na ginagawa nito na kahit na nga ba magkasama na sila simula pagkabata ay mukhang hindi pa rin niya ito kilala.
Pero hindi na talaga niya kaya! Wala na siyang pakialam kung ano ang kahihinatnan ng gagawin niya. Kung aalisin siya ni Cyrus sa pagiging susunod na over-all butler ng heir ng mga ito, tatanggapin niya. Dahil mas hindi niya makakaya kung mawawala si Sail sa kanya.
Sa desisyon niyang iyon ay mabilis siyang nagbihis. Pupuntahan niya sina Sail sa bahay ng mga ito. Kahit pa sabihin ng mama nito na wala ito, hahalughugin niya ang buong bahay ng mga ito makita lamang ito.
Sasabihin niya rito ang mga bagay na alam niya. Mas nanaisin niya pang mawala ang lahat sa kanya. Huwag lang si Sailormoon.
Pagdating sa bahay ng nobya ay agad niyang hinanap ito.
“Larry, wala talaga si Sail dito. Nagsasabi ako ng totoo, anak. Bakit ba ayaw mong maniwala sa akin?” malumanay na sagot ng nanay nito.
“Pero tita, nasaan po siya?”
“Hindi ko alam. Basta’t noong umuwi dito noong galing kayo sa Bermuda eh umalis din agad. Kasama niya si Boudicca. Simula noon, hindi pa sila bumabalik. Kahit tingnan mo ang kwarto niya, wala siya doon. Tingnan mo din ang mga gamit niya at makikita mong madami siyang dalang damit.”
Ginawa nga niya ang mga sinabi nito at napatunayang nagsasabi ito ng totoo.
“Nag-away ba kayo ng anak ko, hijo?” Mukhang wala talagang itong ideya sa ginawa niyang pananakit sa anak nito.
“Petty fight lang po tita. Medyo nainis sa biro ko.” nakangiting sagot niya rito. But deep inside him, he is fighting the urge to shout at anyone! Galit na galit siya kay Boudicca. Saan nito itinatago ang girlfriend niya? Pakiramdam niya ay mababaliw na siya. Iisang tao na lang ang tanging pag-asa niya.
Mabilis siyang sumakay sa kotse niya at pinuntahan si Cyrus sa opisina nito. Maaga itong binigyan ng trabaho ng papa nito sa isa sa mga kumpanya ng mga ito.
“Larry! What brought you here my friend?” nakangiting sagot nito.
“Nasaan si Boudicca?” nakatiim-bagang na sagot niya.
“Oh, bakit siya ang hinahanap mo? Hindi ba dapat si Sailormoon?” nakangiti pa ring sagot nito.
Mukhang hindi ito tutulong sa kanya hangga’t nakikita nitong apektado siya. So he resorted to calmness. Hindi niya mapigilang mapabuntong-hininga. “Cyrus, nasaan si Boudicca?”
“Hindi ko alam.” Simpleng sagot nito.
“Kung hindi mo alam, then why are you acting as if you have no problem at all?” pinipigilan ang galit na tanong niya.
“Cause I have no problem?” sagot nito na tila naguguluhan sa tanong niya.
“Hindi ba’t hiniwalayan ka niya?”
“Uhm, yes and no.” sagot nito.
“What do you mean?”
“Yes, we did part ways. And no kasi hindi naman ako pumayag noong nakipaghiwalay siya sa akin. So technically, kami pa rin.” Nakangiting sagot nito.
“Cyrus, please. I really need to find Boudicca. Kasama niya si Sail. I promise. Kakausapin ko lang siya. And then after that.. After that I will let her be. And I will immediately marry that woman Cyrus!”
“If that’s really what you are going to do, I suggest you start acknowledging her as your fiancée than calling her ‘that woman’.
“I will marry my fiancée.” Nakatiim-bagang na sagot niya.
“Oh, well. Sino ba naman ako para pigilan ka sa kaligayahan mo? And let me clear ths out Larry. I did not choose her. You did. Do you remember that time when you told me what you're specifications of a dream girl. She’s exactly that!” tumatawang sagot nito.
Naalala niya ang araw na iyon. Iyon ang araw na sinabi nitong panahon na para lumayo siya kay Sail dahil magsisimula na ang college life nito. At natulungan na daw nito si Sail sa pagdedesisyon kung saang kolehiyo ito mag-aaral. Siyempre pa, sa kolehiyo nito iyon. At kaya naman sinabihan siya nitong sa kalabang school siya pumasok.
Iyon din ang eksaktong araw na muntik na siyang magtapat ng nararamdaman niya kay Sail. Muntik pa nga niyang halikan ito noong panahong iyon subalit nanalo ang takot niyang baka ilayo ito ni Cyrus sa kanya.
“I want my woman to be straightforward. Yung singkit ang mga mata at sumasayaw kapag tumatawa siya. Yung hindi takot na maligo sa ulan. Yung kahit wala na siya, naamoy mo pa rin siya.” Yung Sailormoon Erica Ching ang pangalan.
BINABASA MO ANG
The Green-Eyed Butler
RomanceInfluenced by Kuroshitsuji: The Demon Butler *** Highest achievement: General Fiction #265 Romance #532 *** An emotionless and devil-may-care type of butler. I don't give a fvcking shiz about other people's emotions and feelings. All of them are jus...