Chapter 12
Mature
Magkasamang nagla-lunch sina Sailormoon, Cyrus at Boudicca sa labas ng school premises. Isang linggo na rin mula ng mangyari ang muntikan ng pagkaka-kidnap ni Boudicca. At simula nga noon ay hindi na siya nakakaramdam ng resentment kay Boudicca.
Once again, she saw how Cyrus took so much care of Boudicca. Ito ang nagdala ng lahat ng gamit ng huli pati na rin ng food tray ng mga ito. At times like this, humihiling siya na sana ay gawin din iyon ni Larry sa kanya.
Kasama na niya ang dalawa mula noong araw na tinanggap niya sa sarili niyang panahon na para magmove-on totally. Tanggap na niyang napakaliit na lamang ng bahagi ang naiwan sa kanya sa puso ni Cyrus.
Sa araw-araw na magkasama silang tatlo, natutuhan na din niyang tanggapin si Boudicca. Masayang kasama ito. Kwela at palatawa. Nakikita din niyang tunay naman ang damdamin nito kay Cyrus.
Nasa kalagitnaan na siya ng pagkain niya ng marinig niya ang pagtunong ng cellphone niya. Si Larry na naman ang tumatawag.
“Hi babe!” masayang bati niya rito. Hindi pa rin siya sumusuko sa plano niyang pagpapaibig ditto na tinawag niyang—Oplan: For the Love of Larry.
“Saan ka?” tanong nito.
“Kumakain kasama sina Cyr—“
“Sila na naman? Saan iyan? Samahan kita. Hindi pa ako nagla-lunch.”
Sinabi niya ang pangalan ng lugar at ilang minutes lang ay dumating na ito.
“Ang bilis mo ‘ata.” Salubong niya rito sabay halik sa mga labi nito.
“You look gorgeous!” sabi nito sabay hapit sa baywang niya. Nagulat man siya sa inasal nito ay nagustuhan naman niya iyon. Masaya siya at napansin nito ang hitsura niya ngayon sapagkat nag-effort talaga siya dahil alam niyang susunduin siya nito.
“Kain ka na. Baka nagugutom ka na.” sabi niya sabay hawak sa pisngi nito na agad namang hinalikan nito. “Wait. Pormal na ba kayong nagkakilala ni Boudicca?”
“Hindi pa eh. Takot ‘ata itong si Cyrus na ipakilala sa akin formally ang girlfriend niya.”
“And why would I be?” nakangising sagot ni Cyrus.
“Well babe, this is Boudicca Pingris. Bou, my boyfriend, Larry Stanford.”
“Nice to meet you formally Larry.” Nagkamayan ang mga ito. “Are you, in any way, related to the Stanfords who have been legally looking after the wealth and businesses of Cyrus’ family?”
“Yes.” Simpleng sagot nito na tumingin muna kay Cyrus bago sumagot.
“Paanong related?” nakangising tanong ni Boudicca na nagningning bigla ang mga ito. “You see, I am so curious about everything na related sa boyfriend ko.”
“Boudicca, tama na iyan. Next time mo na lang i-interrogate si Larry at mukhang gutom na gutom na.”
Napansin niyang nagpalitan muna ng tingin sina Larry at Cyrus bago umalis si Larry.
“What was that all about?” Nagtatakang tanong niya kay Boudicca. Parang may mali sa nangyari kanina.
“I was just curious. My boyfriend, he never introduced me to his family.” Nakasimangot na sumbong sa kanya ni Boudicca.
“Well, that seems impossible right now my dear. As I’ve said, my mom’s dead at si Papa naman ay sobrang busy. Ni hindi na nga kami nagkakasalubong sa bahay.” Sagot naman ni Cyrus dito.
“That is true Bou. Nakita ko nga lang din ang Papa niya dati but I never get to know him.” Dagdag naman ni Larry.
“Kahit na. You should at least make me meet up with your father.” Untag ni Bodudicca sa boyfriend.
“In time Bou. In time.” Sagot ni Cyrus na siyang hudyat na tapos na ang usapang iyon.
“Well anyway, magkwento ka na lang about sa inyo ni Sail.” Pangungulit naman ngayon ni Bou kay Larry.
“Hmm, I think that’s quite impossible right now Miss Pingris. Aalis na kami ng girlfriend ko.” nakangiting sagot nito kay Bou.
“Alis? Diba di ka pa nagla-lunch?” tanong niya dito.
“I changed my mind. May alam akong masarap na kainan. Tara. Sama ka sa akin.” Sabi nito at iginiya na siya palayo.
Somehow, she felt oddly right.
***
Alas-singko pa lang ng umaga pero handang-handa na si Larry para sa araw na ito. May group outing silang apat nina Sail, Cyrus, at Boudicca. Pupuntahan nila ang isa sa mga isla ng Bermuda kung saan may townhouse ang pamilya nina Boudicca.
Matapos niyang mapasok sa kotse ang lahat ng mga kailangang gamit na boluntaryo niyang dadalhin ay bumiyahe na siya papunta kina Sail. Susunduin pa niya ito. Tuloy pa rin naman ang plano nilang ipakita kay Cyrus na wala talaga itong nararamdaman dito at siya ang mahal nito.
Nang makarating sa bahay nina Sail ay nalaman niya mula sa mama nito na tulog pa ito. Pinahintulutan siya ng mama nito na akyatin na ito. Ayaw man niyang istorbohin ang tulog nito pero alam niyang maiinis si Cyrus kapag nadelay ang flight nila dahil lamang gusto pang matulog ng nobya niya gayong pwede naman nitong gawin iyon sa private jetplane na pag-aari ni Cyrus.
Napahinto siya sa pag-akyat sa hagdan. Nobya mo? Hah! At kalian pa naging kayo? For goodness sake, never take advantage of Sail, Larry. You’re just doing your part of the bargain. Never allow yourself to be used again.
Mula ng magkaroon sila ng kasunduan ni Sail na kailangang ipakita kay Cyrus na wala itong damdamin dito, madalas na niyang gawin ang tulad nito—ang kausapin ang sarili niya. Haay.. nakakabaliw talaga si Sailormoon.
Nang makarating siya sa kwarto nito ay tulog na tulog pa nga ito. Umupo siya sa kama nito at ginising ito. Nang magising ito at makita siya ay agad na ngumiti ito.
“Good morning handsome.” Bati nito sabay hila sa kanya palapit dito. He definitely knows that she would kiss him and he’s anticipating it. “Oh wait, ang baho pa ng bibig ko.” sabi nito sabay takip ng isang kamay sa bibig at binugahan iyon ng hangin.
Hindi niya mapigilang matawa sa inakto nito.
“Kailan ka ba magmamature?” tanong niya rito sabay hila dito palapit sa kanya. And swiftly, he claimed her lips for a torrid kiss. She was trying to fight him by closing her mouth shut but his mouth and his hormones were beyond his control.
He used his skills to let her open her mouth and when she did, he instantly slid his tongue inside her mouth and travelled to every crevices of her sweet mouth.
BINABASA MO ANG
The Green-Eyed Butler
عاطفيةInfluenced by Kuroshitsuji: The Demon Butler *** Highest achievement: General Fiction #265 Romance #532 *** An emotionless and devil-may-care type of butler. I don't give a fvcking shiz about other people's emotions and feelings. All of them are jus...