Chapter 4

246 5 8
                                    

Chapter 4

Slumbook

 

Hindi iyon ang unang beses na dumarating bigla si Larry sa harap niya kasama ang iba’t ibang babae na tila ba binabandera sa harap niya ang mga iyon. Hindi niya pa rin maintindihan ito dahil sabi pa rin ito ng sabi na nanliligaw umano ito sa kanya. Inisip na lamang niyang biro lamang ang lahat para dito.

Minsan pag-uwi niya sa bahay, hindi niya mapigilan ang pagdaloy ng luha mula sa mga mata niya.

            Bakit ayaw siyang seryosohin nito? Bakit tila pinapaibig lamang siya nito subalit hindi siya nito pwedeng iseryoso? Mukhang palpak ata si Cyrus ng piang-iwanan sa kanya sa pagkakataong ito.

Because she has finally admitted to herself that she has finally fallen for Larry. Sana lang ay puppy love lamang itong nararamdaman niya. Sana hindi seryoso at hindi umabot sa mga bagay na maaring ikabaliw niya.

***

            Kakagaling lang nina Sail at Larry sa isang internet café. Pareho naman silang may computer at laptop sa mga bahay nila pero minsan ay tinotopak silang dalawa at nagpupunta pa rin sa isang internet café para maglaro at magsurf.

            Kasama din nila ang ilan sa mga barkada ni Larry na sina Jean at Quay. Habang naglalakad papunta sa parking lot ng kanilang mga saakyan ay may nadaanan silang isang kainan.

            “Mukhang masarap diyan o! Unli rice pa!” sabi ni Jean.

            “Magdinner na muna tayo diyan!” dagdag pa ni Quay.

            Nagpahinuhod na rin sila ni Larry. Hindi pa kasi niya nararanasang kumain sa isang kainan na may unli rice.

            Nang nakaupo na silang apat bitbit ang mga pagkaing inorder nila sa counter kanina ay nilantakan agad nila ang mga pagkain nila.

            “So Larry, ano ba ang tipo mo sa babae?” biglang tanong ni Jean dito nang matapos sila sa pagkain.

            Halata masyadong may gusto ito kay Larry. Hmp! May HD talaga ang girl na ito kay Larry eh!

Pero bat parang naiinis siya? Ano ngayon kung gusto nito si Larry! Ahh!

            “Uhm, yung simple lang. Yung maganda pero hindi trying hard, hindi oa. Yung palaban pero alam kung kailan ang tamang pagkakataon para lumaban. Yung mga ganun. He-he.” At habang sinasabi ni Larry ang mga salitang iyon ay sa kanya lang ito nakatingin.

            Namula naman ang mga pisngi niya at yumuko na lamang siya para itago ang hiya niya.

            “Eh ikaw naman Sail, ano’ng tipo mo sa lalaki.” Baling naman sa kanya ni Quay.

            Ano bang meron sa gabing ito at mga tipo ang pinag-uusapan namin. Naiinis na isip ni Sail. Ayaw niya sa topic kasi baka mahuli siya sa sarili niyang bibig.

            “Oo nga Sail. Ano ba ang tipo mo sa lalaki?” kulit din ni Larry.

            Tinitigan niya rin si Larry gaya ng ginawa nito sa kanya. “Yung gwapo.” Sagot niya.

            “So ako pala ang tipo mo!” nakangiting tukso sa kanya ni Quay. Na-shock naman daw siya sa pinagsasabi nito. Okay, alam niyang walang gusto si Quay sa kanya at baka trip lang nitong magtanong ng ganun. Wala itong gusto sa kanya. Wala.

The Green-Eyed ButlerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon