Chapter 25

64 2 0
                                    

Chapter 25

Fight Alone

“Each and every woman from their family was trained to be the perfect wife for the Humhreys kung gaanong lahat ng lalaki sa pamilya nila Larry ay tine-train para pangalagaan ang welfare ng pamilya namin.”

Okay. Live for the moment Sail. Just listen to what Cyrus has to say.

“Can both of you see the picture now? And have you realize now Sail kung bakit sa pagpipilit kong ilayo ka kay Larry ay pinoprotektahan pa rin kita?” anito sa nangungusap na mga mata.

“No one can harm her. I will protect her.”

“Dapat lang.” Nagtagis ang mga bagang ni Cyrus ng balingan nito si Larry. “Sa pagbalewala mong ito kay Kyle, binigyan mo siya ng karapatang patayin ang sinumang ipapalit mo sa kanya.” Sabi nito bago tuluyang tumalikod at iniwan sila.

 

 

 

***

           

Bumabalik sa isip ni Larry ang lahat ng mga sinabi ni Cyrus habang nilulunod niya ang sarili sa ilalim ng dutsa. May katotohanan ba ang lahat ng iyon? Possible nga kayang sa pagpipilit niyang makasama si Sail ay kaligtasan nito ang magiging kabayaran.

God. Don’t let anything bad happen to her. I can never live again without her.

 

 

 

Ngunit paano nga kaya kung may masamang mangayari kay Sail dahil sa kanya. God! Hindi niya kakayanin.

“Larry, masyado ka ng matagal diyan. Baka magkahypothermia ka na.” sabi sa kanya ni Sail mula sa labas ng banyo.

“I’m fine.” Sabi niya. Kung babalikan niya ang hitsura ng Kyle na iyon, hindi ito mukhang makabasag-pinggan. Kailangan niyang malaman kung nagsasabi ng totoo si Cyrus o sinabi lamang nito iyon para guluhin ang isip niya at ilayo si Sail sa kanya.

Dahil kapag nalaman niyang totoo ang lahat ng iyon, handa siyang hiwalayan ito. Hinding-hindi siya papayag na may masamang mangyari dito mangahulugan man iyon ng pagkabasag ng kanyang puso!

The Green-Eyed ButlerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon