A/N: Simula ngayon, araw-araw na po ang UD except on Sundays. :)
***
CHAPTER 1
Mamayang Uwian
Abala si Sail sa pagbabasa ng paborito niyang libro ng bigla na lamang iyong mawala sa paningin niya.
“Ano itong binabasa mo ha?” Inagaw na pala ‘yun ng mga walang magawang mga kaklase niya na pinamumunuan ni Ethan. Siguradong simula na naman ‘yun ng pambubully ng mga ito sa kanya.
“Ibalik mo nga saken yan!” Pilit niyang inaagaw ‘yun sa kamay nito ng bigla nitong ipasa ‘yun sa barkada nitong doble ang laki sa kanya. “Ibalik niyo sabi saken yan, eh!”
“Kunin mo!” Tumatawang pinagpasa-pasahan nila ang libro habang pinipilit niyang agawin iyon.
“Patulong ka sa Mamuro mo! Diba ikaw si Sailormoon?” sabay nagtawanan na naman ang mga ito.
Ang pagkakaroon niya ng pangalang katulad ng sa paboritong anime ng aking ina ang palaging itinutukso sa kanya ng mga gunggong na ito. Bakit pa kasi sa dinami-dami ng pangalan sa mundo, iyon pa ang ibinigay sa kanya?
Sa inis niya kay Ethan ay itinulak niya ito. Natumba ito at nahagis ang libro niya. Pinagtawanan si Ethan ng mga kaklase nila kaya naman alam na niyang iinit na naman ang ulo nito sa kanya. Baka masuntok na naman siya sa balikat. At mukhang tama nga ang hinala niya. Tumataas na ang kamao ni Ethan pero natigil ang pa-landing na iyon sa kawawang mga balikat niya ng may isang kamay ang pumigil rito.
“Pare, hindi pinapatulan ang babae.” The owner of that voice was scaringly serious. Napatingala silang lahat sa tangkad nito.
“Sino ka ba sa tingin mo, ha? Ako ang siga dito!” nagtatapang-tapangan pa rin si Ethan kahit na sobrang obvious na nanginginig naman ang boses nito.
“Not anymore.” Buo pa ring sabi nung kadarating lang na lalaki at kitang kita niya ang pagsasalubong ng mga kilay ni Ethan. Papasugod na naman ang baliw na si Ethan! Umakma itong susuntukin ang kanyang tagapagligtas pero naunahan ito ni Superman! Hinawakan ni Superman ang kwelyo ng uniform ni Ethan kaya naman umangat ito sa lupa na parang papel. Sabay sabay ang lahat ng nasa paligid sa ginawang pagsinghap. Gusto na nga niyang matawa kasi para may choreography ang ginawa ng mga ito pero natatakot na rin siya sa maaring mangyari kay Ethan! Ilang sandali pa ay nagpambuno na ang dalawa.
Pinagtulungan ang kanyang tagapagligtas ng mga barkada ni Ethan pero walang panama ang lahat sa galing ng kanyang superhero! Hindi nagtagal ay lupaypay sa lupa ang lahat ng grupo ni Ethan kasama na ito.
***
“Ang galing mo talaga kanina! Sipa dito! Suntok doon! Wuuu! Ang galing talaga!” ‘di magkamayaw sa pagpuri si Sail sa kanyang tagapagligtas habang nililibre niya ito ng sagu’t gulaman sa labas ng kanilang paaralan. Noong una ay tumatanggi pa ito pero nagpumilit siya at sinabing isipin na lamang nitong bayad niya iyon sa pagliligtas nito sa kanya.
“Ano ka ba? Wala iyon, ano. Dapat di ka pumapayag na gawin nila iyon sa’yo. Simula ngayon, sa tuwing may mambubully sa’yo, isumbong mo agad saken. Or maybe, tuturuan na lang kita ng mga fighting techniques para kahit wala ako eh maprotektahan mo pa rin ang sarili mo against any bulies.”
“Talaga? That would be awesome! Tiyak na matutuwa ang Daddy ko kapag nalamang niyang marunong na akong ipagtanggol ang sarili ko! Salamat talaga. Ano nga palang pangalan mo?” Nakangiting sabi niya rito.
“Cyrus Humphreys. Tsaka wala iyon. Salamat nga pala dito sa libre mo. Kanina pa nga talaga ako nauuhaw. Teka, kanina pa tayo magkasama’t nag-uusap pero di ko man lang alam ang pangalan mo.”
“A-ano.. Sail.”
“Sail? As in sailboat?” tumatawang tukso nito sa kanya.
“Di noh! Sail as in..”
“Ano nga?”
“Basta promise mo, ‘di ka tatawa? Na ‘di mo ako tutuksuhin?”
“O sige, promise.” Pero kitang kita naman na di pa man niya sinasabi ang pangalan niya ay nagpipigil na itong tumawa. Naaanticipate na ‘ata nito ang bantot ng pangalan niya.
“Sailormoon.”
“Ano?”
“Sailormoon!”
“Sailormoon?” tanong nito sabay tawa ng malakas. Nahampas niya ito sa inis.
“Sabi mo di ka tatawa? I hate you!”
“Pasensiya na. Nakakatawa kasi talaga ang pangalan mo Bakit ba kasi ganyan ang pangalan mo? Idol ba ng mga magulang mo ang anime na yan?” nakangiting sabi nito. In spite of that mischievous grin, she could feel that he was really curious and not sarcastic.
“Yeah. Idol ng mama ko si Sailormoon. At least di namin siya kaapilyedo. My full name’s Sailormoon Erica Ching. And I could still remember back then when I was still a child, my mom made me memorize that stance—sa kapangyarihan ng buwan! Shing! Shing!” pakenkoy na pagpeperform niya sa harap nito. Pinagtatawanan pa rin siya nito pero sabay palakpak.
“You know what? You are cute. I like you.” And then he pinched her chubby cheeks which had turned rosy red after that.
“I-I like you, too.” Girlfriend mo na ba ako? Maanong masabi niya kundi lang niya napigilan ang sarili niya. Muntik pa niyang magawa ang sinabi ng batang babae doon sa commercial ng Mcdo.
“I think you could be my little sister!”
Napatanga siya.
Little sister?!
***
Simula nga ng araw na sinabi ni Cyrus na little sister na siya nito ay palagi na silang magkasama. She was there when he had some try-outs to form part in the university’s basketball varsity team. Siya ang number one cheerleader nito. At simula din ng araw na naging little sister siya nito, pinipilit na niyang ialis iyon sa isip nito. Pero ewan ba niya, di pa rin umeepekto. Ilang taon na silang magkaibigan, little sister pa rin siya nito.
“Sail. Busy ka ba mamaya pagkatapos ng klase?” tanong ni Cyrus sa kanya habang nagre-recess sila sa kantina.
“Hindi naman. Katatapos lang naman na ng exams so I’m free. Why?”
“May sasabihin kasi ako sa’yo.” Seryoso ang mukha nito na tila kinakabahan. At sa hitsura nito, mukhang napakahalaga ng sasabihin nito. Sa wakas ba ay napansin na siya nito? Na magtatapat na ito?
“Tungkol saan?” she could feel the heat from her cheeks while stopping herself from smiling.
“Basta. Mamaya na lang uwian. Okay ba?”
“O-okay.”
Kinakabahan talaga siya. Pinipigilan niyang wag mag-assume pero libre lang naman mangarap hindi ba? Malay natin, totoong magtatapat na nga si Cyrus ng pag-ibig sa kanya mamayang uwian? Naku, isipin pa lamang iyon kinikilig na siya! Wah!
Excited na tuloy siyang matapos ang araw na ito at mag-uwian na! Bakit kasi hindi na lamang ngayon sabihin agad ni Cyrus. Bakit mamayang uwian pa?
Ay, baka nahihiya itong mabasted tapos maraming tao ngayon? Ah! Ang dami na niyang iniisip. Sobrang assumptions na! Wah! Sana talaga uwian na.. Hay.
BINABASA MO ANG
The Green-Eyed Butler
RomansaInfluenced by Kuroshitsuji: The Demon Butler *** Highest achievement: General Fiction #265 Romance #532 *** An emotionless and devil-may-care type of butler. I don't give a fvcking shiz about other people's emotions and feelings. All of them are jus...