Chapter 34

32 1 0
                                    

Chapter 34

One Message

 

Dahil nga sa kagustuhan ni Larry na makausap na si Sawyer ay pumayag siyang makipagkita kay Sawyer. Pero ang totoo, si Larry ang makikipagkita rito. Susunduin umano siya ni Sawyer sa school.

            “He’s here.” Nagtatago sila ni Larry sa isa sa mga malapad na poste sa school corridor. “Gaya ng napag-usapan, lalapitan mo siya. At sasabihin mo sa kanyang kakausapin ko siya. He has to be prepared. Kilala ko si Sawyer."

"Kapag bigla akong sumulpot, he would immediately raise his guard.” patuloy nito.

            “Okay.” Naglakad siya papunta kay Sawyer kahit wala siyang ibang gustong gawin kundi ang manatili lamang sa tabi ni Larry.

            “Sail!” nakangising sinalubong siya ni Sawyer.

            “Sawyer. Uh..”

            “Hey, tara na?” Hinawakan nito ang braso niya at unti-unting siyang iginiya sa sasakyan nito. Pero bago pa man sila makarating doon ay inalis na niya ang pagkakahawak nito sa kanya.

            “Sawyer, gusto kang makausap ni Larry.”

            Nagulat ito. Pero ilang sandali lang ay tila wala lang na lumingon ito sa pinanggalingan niya. Naroon na si Larry. Unti-unting naglakad si Larry papunta sa kanila.

            “So, alam mo na?” binalingan siya ni Sawyer.

            Hindi niya alam kung ano ang ibig nitong sabihin. Pero hindi ito ang panahon para dun. Kaya tumango na lamang siya at sinalubong si Larry.

            Niyakap niya ito. “I love you.”

            “I love you too.” With those four words, she immediately had goosebumps. “After this, everything will be a little bit alright.” Hinalikan nito ang noo niya at nagpatuloy sa paglalakad papunta kay Sawyer. She gave them one last glance before heading back to their car.

***

            “Sawyer.” Malamig na bati niya rito.

            “Larry.” Ngumisi ito bago umupo sa hood ng kotse nito.

            Ginaya niya ito. Nakita niyang nasa loob na ng kotse nila si Sail.

            “So are you threatened enough?” hinawakan nito ang ibabang labi nito at nakita niyang mataman din nitong tinitigan ang gawi ni Sail. Hindi niya napigilang hablutin ang kwelyo nito.

            “Do not ever communicate with Sail again. I don’t want you texting her, and making her feel as if you can be friends. I know your intentions and motives so just fuck yourself!” Nag-iigting ang mga bagang na sabi niya.

Hindi niya na napigil ang sarili niya. Kinwelyuhan niya ito bago marahas na itinulak.

            Muntik na itong mahulog kundi lang nito naitukod ang kamay nito sa may likod nito.

            Yumuko ito at unti-unting yumugyog ang balikat nito. Ilang sandali pa ay umangat ang ulo nito at malakas itong tumatawa.

The Green-Eyed ButlerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon