Chapter 9

161 5 0
                                    

Chapter 9

I love you, too

“Hey, we’re here already. Gusto mo bang pangkuhin kita papasok?” iritadong tanong niya kay Sailormoon na kanina pa siya tinititigan.

Kotse nito ang ginamit nila para maihatid niya ito. Babalikan na lamang niya sa school ang kotse niya.

“You said I was your girlfriend.”

“Sail, isn’t it obvious? I just said that—“, naalala niyang bago nga lang pala ito nakatanggap ng masasakit na salita mula kay Cyrus. “Yes.”

“Won’t my boyfriend give me a kiss?”

Nababaghang tinignan niya ito. Nasira na nga yata ang ulo nito. But he has to do something. Si Sail ang pinakamahalagang babae sa buhay niya, mula noon hanggang ngayon.

Yumuko siya at hinalikan ito sa noo.

“Larry! Bakit ba ayaw mo akong halikan sa labi? Bad breath ba ako?”, nagulat siya ng yumakap ito sa leeg niya at pinagtagpo ang kanilang mga labi. Mapusok ang ginawang paghalik nito at wala siyang nagawa, nadala siya.

Naramdaman na lamang niya ang pagbabago nila ng posisyon. Nakaupo na ito ngayon sa kandungan niya habang hinahalikan pa rin siya. Bumaba ang mga labi niya sa leeg nito. Her moans were driving him crazy!

“S-sail—“

“Sshh.. just kiss me. Please.”

Pinagpatuloy niya ang paghalik dito. My God, this has to stop. I’m losing my control. May nakakalimutan akong isang mahalagang bagay dito. Kailangan kong maalala iyon. But he couldn’t stop. He loved the feel of her breast.

Noon niya napansing nabuksan na pala niya ang blusa nito. And now, he is kneading her swollen nipples.

“Sail, nasa labas tayo ng bahay niyo!” There. Naalala din niya ang mahalagang bagay na iyon. “Any time now ay maaring lumabas ang Mama mo.” Hinawakan niya ng magkabilang kamay ang mukha nito. “Sail, kailangan mo ng pumasok.”

“Ayoko.” Sinubsob nito ang mukha sa balikat niya.

“Kapag di ka umalis, kakargahin kita papasok sa bahay niyo.”

“Eh di kargahin mo!”

“Sail!”

Bumungisngis ito. “You know what Larry? I miss you.” Pinagdikit nito ang kanilang mga noo.

“I miss you too.” He can’t keep staring at her eyes. Hell, nangyayari na naman ulit ang mga nangyari dati. Sa tuwing tititigan niya ang mga mata nito, nakakaramdam siya ng fulfillment. Na para bang handa na siyang mamatay. And that is weird.

“Okay. I will get inside. But promise me, we’ll kiss again next time. See you tomorrow. I want to talk about our relationship.” She kissed him again at umalis na sa ibabaw niya. Saka lang siya nakahuma ng makita naglalakad na ito papasok sa bahay nito.

“Hell..” he sighed.

 ***

Naiinis na si Sail sa lakas ng ulan. Naturingang summer pero halos araw-araw na lamang ay umuulan. Ang mas nakapagpapainis sa kanya ay dahil nagkakasipon na siya. Papasok ba naman siya sa skwelahan ng sobrang init sa umaga at pag-uwi ay basang-basa na.

Ngayon nga ay nahihirapan na siyang makausad sa traffic na kinasusuuunngan niya dahil ang rutang tinatahak niya ay binabaha na.

            “God!” napasigaw siya ng ayaw gumalaw ng kotse niya mula sa kinatitirikan nito. “Not now please. Masyadong malakas ang ulan. Hindi kita kayang ayusin ng ganito. Please move.” Ngunit ayaw makibagay sa kanya ng pagkakataon. Mukhang napasok na nga ‘ata ng tubig ang makina ng kotse niya.

            Wala siyang napagpilian kundi ang bumaba na lamang at iwanan sa gitna ng daan ang kotse niya. Bakit kasi ang tigas ng ulo niya? Ilang beses na siyang pinaalalahanan ng kanyang ina na idispatya na ang kotseng iyon at bumili na lamang daw ng bago.

Pero hindi niya magawang ibenta sa junk shop ang kotse niya. Masyadong malaki ang sentimental value niyon sa kanya. Doon niya unang naranasan ang mahalikan.

            Pero sa nangyaring ito sa kanya, siguradong ipagpipilitan ng mama niya na ibenta na nga iyon. Muli niyang nilingon ang kotse niya mula sa pinagtirikan niyon at dinig pa niya ang mga nagmumurang drivers na nakasunod sa kanya

 Hindi na lamang niya pinansin ang mga ito at nagtuloy-tuloy sa pagtakbo papunta sa waiting shed na nakita niya.

            Nanginginig na siya sa ginaw ng may humintong sasakyan sa harap niya.

            “Hop in.” si Cyrus.

            Nagulat siya pagkakita rito. Mula noon hanggang ngayon, palagi pa rin itong sumusulpot tuwing kailangan niya ito. Nganit ang kaibahan ngayon, kasama na nito parati ang girlfriend nito na binigyan siya ng simpleng ngiti habang nakaupo ito sa front seat.

            Alam niyang gumagawa ito ng paraan para maging magkaibigan sila. Pero hindi pa ito ang tamang panahon para doon. Alam din niyang mahal na mahal ng mga ito ang isa’t isa pero masyado pa rin talagang masakit na mas napapasaya nito si Cyrus kaysa sa kanya.

            “Sail, huwag mo nang paganahin ang pride mo. Masyado ka nang nabasa ng ulan at baka magkasakit ka na niyan.” Nag-aalalang sabi nito.

            Gaya ng sabi nito, hindi na nga niya pinagana ang pride niya at agad sumakay sa back seat. Ito ang unang pagkakataong sa back seat siya nakasakay na si Cyrus ang driver. Kasi naman noon, walang Boudicca na nang-aagaw ng atensyon nito. Isang kamay nga lang ang gamit ni Cyrus sa pagmamaneho at ang isa pa ay nakahawak sa kamay ni Boudicca

 At ang walang-hiyang babae, patingin-tingin pa umano sa bintana habang naglalambingan ang mga kamay nito at ni Cyrus. Napabuntung-hininga na lamang siya.

            Maya-maya ay narinig niya ang pagri-ring ng cellphone niya. Nang kunin niya iyon ay nakita niyang si Larry ang tumatawag.

            “Hi babe!” malambing na salubong niya rito.

            “Where are you? Nakita ko ang kotse mo sa gitna ng daan.”

            “Tumirik eh. Pauwi na ako. Nakisakay ako kina Cyrus.”

            Wala siyang narinig na reply mula rito.

            “Hey, still there?” untag nia dito.

            “Yeah. Sige. Ingat ka. Kayo pala.”

            “Hintayin kita sa bahay. I love you too.” Agad na niyang pinutol ang tawag. Ayaw niyang marinig ang isasagot nito. Sinadya niyang sabihin ang mga huling salitang iyon para sa pandinig nina Cyrus at Boudicca. Anong akala ng mga ito?

Na magiging kaawa-awa siya sa likuran ng kotseng ito? Agad din niyang tinapos ang tawag dahil takot siya sa maririnig na sagot mula kay Larry.

            Paano kung sabihin nitong hindi naman siya nito mahal? Baka bigla siyang umiyak doon. Ano na lamang naman ang iisipin nina Cyrus at Boudicca? Na ang mga ito ang iniiyakan niya? Napapagod na siya sa pag-iisip ng mga nararamdaman nila.

The Green-Eyed ButlerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon