Chapter 21
Not Allowed
That was Larry’s exact thoughts at that time. Pero mukhang nakahanap pa rin si Cyrus ng malapit sa mga descriptions na sinabi niya. Malapit lang. Sapagkat tanging si Sailormoon lang ang mayroon ng mga katangiang iyon.
“Nasaan sila Cyrus?” for the nth time, he asked.
“Samar.”
***
Malungkot na nakapalumbaba sa terrace si Sail ng maramdaman niya ang lagutok sa ulo niya. Paglingon niya ay tatlong makapal na libro ang bumungad sa kanya.
“A-ano yan?” tanong niya kay Boudicca na siyang may hawak ng librong nakamuwestra sa kanya.
“Fifty shades Trilogy. Diba matagal mo ng gustong basahin yan?”
Nagliwanag ang mukha niya at mabilis na kinuha iyon mula rito. Matagal na nga niyang nais mabasa ang pinag-uusapang librong iyon. Nacu-curious siya sa nilalalaman niyon lalo pa’t marami sa mga kaklase niya ang pinag-uusapan iyon.
Plano na nga niyang bumili pagkagaling nila mula sa Bermuda subalit nagkagulo-gulo nga ang sitwasyon.
Hanggang ngayon ay nasasaktan pa rin siya sa ginawa ni Larry sa kanya. Hindi lamang nito dinurog ang puso niya, niyurakan pa nito ang pride niya. At si Cyrus.. Ang buong akala niya ay bestfriend niya ito.
Pero bakit ganoon ang ginawa nito? Alam nitong mahal nila ni Larry ang isa’t-isa kaya’t bakit ito nagpapakilala ng ibang babaeng nagpapanggap na fiancée ng nobyo niya? Pero nagpapanggap nga lang ba ang Kyle Anderson na iyon?
“Kyle.. Kyle is telling the truth.”
Iyon ang sinabi ni Larry. Kung hindi totoo iyon, ano ang dahilan nito para magsinungaling sa kanya? At mahal nga ba talaga siya nito? Sa pagkakatanda niya, hindi kailanman nito sinabing mahal siya nito.
BINABASA MO ANG
The Green-Eyed Butler
عاطفيةInfluenced by Kuroshitsuji: The Demon Butler *** Highest achievement: General Fiction #265 Romance #532 *** An emotionless and devil-may-care type of butler. I don't give a fvcking shiz about other people's emotions and feelings. All of them are jus...