Chapter 11

161 4 11
                                    

Chapter 11

Lunod

 

Hindi agad umalis si Larry pagkalabas niya sa bahay nina Sailormoon. Nanatili lang siya sa loob ng kotse niya. Nagmumuni-muni sa mga biglaang takbo ng mga pangyayari. Kailan kaya mare-realize ni Sail na may chance silang dalawa?

Mukhang hanggang ngayon ay si Cyrus pa rin ang mahal nito. Simula noong araw na makilala niya ito, gumawa na siya ng mga bagay na makakapagpaibig dito. Ngunit tila walang epekto.

Dagdagan pang pinagbilin sa kanya ni Cyrus na alagaan niya ito sa pag-alis nito. Na gumawa daw siya ng paraan para mabaling sa kanya ang damdamin ni Sail na alam nitong hindi lamang damdamin ng isang kaibigan.

Ayaw niyang isipin ni Sail na ginawa niya ang lahat ng ginawa niya dahil napag-utusan siya. Sadyang mas napabilis lang ang desisyon niyang sundin si Cyrus sapagkat unang kita niya pa lang dito ay nagustuhan na niya ito.

            Ngunit dahil nga sa nasaksihan niyang pagsasawalang bahala ni Cyrus sa damdamin ni Sailormoon ay napagdesisyunan na niyang ituloy-tuloy ito. To hell with what Cyrus has to say! Hindi na bale na kung mukha siyang nobyong seloso o parang timang na makisabay sa lahat ng trip ni Sail.

Basta hindi siya papayag na kawawain ito ni Cyrus.

Sa ngayon, walang kasiguraduhan ang kung anumang meron sila.

            Pagtingin niya sa kuwarto ni Sail ay patay na ang ilaw doon. Siguradong natutulog na ito. Mukhang napatagal ‘ata siya sa pagmumuni-muni niya. He hit the play button of his car stereo and drove.

 ***

            Papalabas na si Sail sa school at papunta na sa parking ng kotse niya ng makita niyang papalabas naman si Boudicca sa kotse nitong nagpark sa tabi ng kanya.

            “Kamusta?” nakangiting bati nito sa kanya.

            “Stop acting as if magkaibigan tayo!” nanggagalaiting sagot niya rito.

            Akmang papasok na siya sa kotse niya ng biglang nagsalita ito.

            “Alam mo Sail, you should drop the act. We’re already on our last year. Graduating na tayong pareho. By now, alam mo nang Psychology major ako at marunong akong bumasa ng tao. I can feel your aura.”

            “What the hell are you talking about?!” natatakot na tanong niya rito. Hindi niya mapigilang mapalunok. Bakit ganito ang nararamadaman niya kay Boudicca? Iyong tipong titig pa lang nito ng ganito, nanginginig na ang mga tuhod niya.

            “Well, I know you’re in love with Larry.”

            “W-what?!” hindi siya mapakali. Hindi niya ito matignan sa mata. Alam niyang hindi siya dapat nagugulat na sabihin nito iyon sapagkat ang alam ng mga ito ay nobya siya ni Larry.

            “You know, it should’ve been you. Always been you. Kung di ka lang masyadong ma-pride. Show him what you really feel. Tingnan mo kami ni Cyrus, natural. Dahil hindi kami natatakot na ipakita ang tunay naming nararamdaman sa isa’t isa.”

Medyo nagulat siya sa tindi ng outburst na pinapakita ni Boudicca.

“And heck! Why would you be afraid to wear your heart on your sleeves?! You should feel invincible because of love!” patuloy nito.

            “B-Boudicca..”

            “Advice ko lang ah? Never ever leave Larry alone. Kung kailangan mo siyang itali sa tagiliran mo, gawin mo. Kasi nararamdaman ko na kahit ano kaya niyang gawin para sa’yo. He has been holding on to you.”

The Green-Eyed ButlerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon