Chapter 30

61 3 2
                                    

Chapter 30

His Ways

Hindi pa nga sila noon pero sinabi nito sa kanya, simula noon siya lang ang nakaukit sa puso nito. Bakit ito nakipag relasyon sa iba?!

“Stop overthinking.” Tila nabasa nito ang nasa isip niya. Bumuntong hininga ito. “When we were apart, I met a girl named Bataivah.”

Sabi na nga ba. Napayuko siya. She tried so hard to unclenched her jaw pero asar na asar lang talaga siya ngayon. Tss. Sana hindi na lang ito nagpa-asa na siya lang. Hindi naman big deal iyon kasi past is past.

Pero may mga sinabi itong hindi tugma ngayon eh. Nakakainis lang.

“Fiancee siya ni Sawyer.”

Napaangat ang ulo niya mula sa pagkakayuko at tinitigan ito.

“Tell me, inagaw mo ba si Bataivah sa kanya?” a shocked expression crossed her face. “Impossible! Hindi ka ganyan! Ibig sabihin lamang noon, mahal na mahal mo ang Bataivang iyan para ipaglaban at agawin siya kay Sawyer!”

Napatayo na talaga siya mula sa pagkaka-upo sa sofa sa tindi ng reaction niya.

“Hayaan mo nga muna akong magpaliwanag! Stop jumping to conclusions! Slow down!” tila naiinis na ring sabi nito.

Tinalikuran niya ito. Inis na inis lang talaga siya ngayon. Stress na stress na siya tapos dadagdagan pa ng ganito.

“Sail!” niyakap siya nito ng mahigpit sa likod. “I promise. Ikaw lang. Mag-isa. Mula noon hanggang ngayon!”

Hindi pa rin siya nagsasalita.

“Imposible. You were involved with them. Bakit ka ngayon takot na takot sa maaring gawin ni Sawyer sa’yo?!”

“Kaya nga hayaan mo muna akong magpatuloy! Stop being so stubborn!” Hindi pa rin ito bumibitaw mula sa pagkakayakap sa kanya.

The Green-Eyed ButlerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon