Chapter 4

75 3 0
                                    



Tahimik kaming bumabyahe papuntang Dream High. Kaya eto ngayon cold ang atmosphere. Si Peter at Gabriel abala sa pagsesearch. Si Kaye natutulog sa tabi ko.

"Waw! talaga may sarili kaming kwarto. Sana magkasama tayo hanggang sa pagtapos natin" si Gabriel na biglaang nagsalita.

"Eto pala ang Dream Education nila. May Music Ed. , Architectural Ed. , Military Ed. , etc.......and our main track is our Academic Ed. if you successfully achieve this subject. You will be an Academic Achiever. Of course kung maachieve mo rin ang dream track mo we are called Star Dreamers" ani Peter sa pagbabasa.

"August ano ang itatake mo" si Gabriel.

"Military" napa'o' sila.

"Chanel! same kayo oh!" si Kaye na kakagising lamang.

"Will stop by at Mcdo first i'm hungry" si August na kala mo.

"Kayo. Di pa kayo nagugutom" tinignan ko ang mga kaibigan ko na halatang nagugutom na.

"Wala kaming sapat na pera para bumili dyan. Sa karinderya nalang kami" nagsitanguan kami ng kaibigan ko.

"I have enough cash. To buy all of you food" naglabas siya ng pera sa wallet niya na agad kong pinigilan.

"Wag na! nakakahiya sa inyong mayaman"

"Okay" kaya ang ginawa niya ay nagorder siya ng isang chiken with fries and mcfloat kaya eto kami tinitignan siyang kumain.

"Tss.....kung gusto niyong kumain. Bumili kayo" pumarada kami sa isang maliit na karinderya at nag takeout.

"Ano sayo Peter" tanong ko.

"Balatong at adobong manok" tinignan ko si Gabriel.

"Repolyo at bopis" si Kaye ay magkaparehas lang kami. Pechay at BBQ.

Sa haba ng byahe ay nakatulog kaming apat at ginising lang kami ng nakarating nakami.

"Ano toh! Isang malaking pader lang naman made in hard metal!" si Kaye.

"Oo nga" si Gabriel at Peter.

Lumabas muna si August at may pinindot siya na hindi nakikita at biglang bumababa ang pader para makita namin ang Arko ng Dream High isang bridge parin ang dadaanin namin bago papunta sa Main Building ng Dream High.

"Dream School shet!"si Peter.

"Di ako nagsisi na pumunta dito" si Gabriel.

"Pero August bakit may malaking metal wall itong boundary ng Dream high at dinadaan parang isang syudad ang dream high" tanong ni Kaye.

"Oo nga! parang Great Wall of China ang peg" si Gabriel.

"For security. Maraming tao ang gustong pumasok kahit hindi sila qualified. They are just desperate to see Dream High. We are in the middle of nowhere. Isa itong malawak na lote na ipinatayo ito para sa mga studyanteng gusto mag aral at mangarap. Gusto nilang angkinin ang paaralan ito para mapasakanila ang paaralan kaya ipinatayo itong matigas na pader para walang makapasok. Other countries wants to see Dream High. Pero di ito pinayagan dahil dito lang sa Pilipinas ipinapakita. Pero sa advertisement lang makikita sa pilipinas. Wala parin nakikita o nagdocument sa Dream High dahil manatili lang itong sekreto" sa haba ng sinabi niya ay tinalikuran na kami at pumasok na sa sasakyan.

"Tss....don't just stare the Arc lets go" sabi niya. Psh! sungit!

Dream High: School for DreamersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon