Chapter 9

52 4 0
                                    


Mahaba ang byahe papuntang San Juan kaya anim na oras kaming bumyahe. Syempre, kumain muna kami. Nagsuggest kami na sa mas mura nalang kami pupunta. Sa karinderya.........

"Ano ba ang best seller dito" si Mara.

Nakita ko rin ang pangdidiri ng mga kaibigan niya.

"Ahhh~"

"Tita, dalawa nga pong sisig at bopis. Bali dalawa ang potahe namin. Yung bbq, adobong manok,dinakdakan, repolyo, colli flower, tsaka po yung tabungaw" ngumiti lang sa akin si ate.

"Magkano po lahat ng potahe" sabi ko.

"Bale yung rice niyo po fourteen lahat" tumango ako.

"Tita, ahehe. Karamihan niyo ha" tumawa lang ang tita at tumango bilang pagsang-ayon sa sinabi ko.

Umupo kami sa isang mahabang lamesa at nagtipuntipun kaming mga teens dito. Kaya kami naghihintay. Sila......alam mo naman ang buhay mayaman eh....lagi sa cellphone ang tinutukan nila.

"Andito na po lahat ng order niyo! Eto pa oh! may free sabaw kayo" tinignan lang nila. Pero kami deretso sa pagkain dahil kanina pakong gutom na gutom.

"Di pa po kayo kakain" si Kaye.

"Kain na tayo guys. I'm sure naman na masustansiya ito at higit sa lahat masarap" ilang minuto ng nakalipas sa pagkainan at nagbayad na saktong sakto nagkomento lahat sila sa pagkain.

"Not bad"

"Yummy!"

"Gusto ko pa"

"Di pa ko busog"

Ha! kita niyo mas masarap pa ang lutong karinderya kesa sa mga mamahaling kainan.

"Next stop. San Juan" si Peter.

"Wait! pasyal natin sila sa San Ildefonzo" nagsitanguan kami.

Di na kumain ang mga iba pa namin kasama dahil sa isang fastfood nalang sila raw kumain. Sa pinasyal namin. Pumunta kami sa Sun Flower Garden. Tapos sa Avid Falls. Yun lang tapos pumunta nakami sa bayan ng San Juan.

"Shoot! walang signal" yan! reklamo. Di yo yan kase nararanasan dahil buhay ganito kami.

"Talagang walang signal. Pero masaya dito may maraming activities ngayon. At saktong sakto kayo sa panahon ngayon. Fiesta ng San Juan" yah!!!

"Excited nako. Yung Bonfire, yung pagkuha ng baboy. Pag akyat sa kawayan. At lahat na haha" nagtawanan kami at nagakbayan.

"Argus, Stellar, August, Matte,Mantel,Cherisha,Zydeco at Zyto at Shaolin" si Mara.

"Wag kayong makulit. Hindi tayo tulad sakanila na buhay probinsya. Be nice" yan ang payo ni Mara sa mga barkada niya.

Una ay pumunta kami sa bahay namin. Hindi naman sa kalakihan parang bunggalo ang dating pero maganda. Pinagiponan talaga ni mama at papa para maipatayo ito ng maganda.

"Dito tayo matutulog ngayon sa bahay niyo ah" si Kaye.

"Sige!" lahat sila ay sangayon.

Pumasok ako sa bahay at agad bumungad sakin ang ina kong nagtatahi ng damit.

"Mama!!!"

"Anak!! buti walang nagyaring masama sayo anak"

"Mama mga new friends ko sa Dream High" tumingin ako sa labas at kumaway sila.

"Naku!! nakakahiya kang bata ka. Pero proud ako sa pagkapasado mo. Magkakatay ako ng kambing para gawing kaldereta sa hapunan. Tawagin ang tatay na anak, Nakakahiya sa bisita mukhang mayaman pa ang mga ito" at agad lumabas si mama. Rio just did it right. He explain them properly kung ano ang pakay ko sa pag alis.

"Oi!! Ate" agad yumakap sakin ang pinakamatanda sakanila.

"Rio!! Kamusta? si Ren,Rich at Casey" itinuro niya sa labas kung sa naglalaro sila ng touching body.

"Nakakatawa silang tignan. Pasok kayo dun tayo sa bakuran!!" sabi ko sakanila na nakaupo lang sa sofa namin.

Dream High: School for DreamersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon