37 - Unmasking
Kaetherine's POV:
Malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko habang nakatulala sa kisame. Panglimang beses ko na yatang ginawa iyon magmula nang bumalik ako sa kwarto para matulog ulit.
Pasado alas sais palang kasi ng umaga kanina ay bumangon na ako. Apat na oras palang ang tulog ko. Hindi ko pa alam kung apat ba talaga 'yon sa ilang beses ko ring nagising.
Maaga kasi akong bumangon kanina dahil bumiyahe kanina sina lola pa-ancestral house namin sa Ilocos Sur. Papunta sila ngayon doon dahil nagpapa-under renovation nga kami at doon namin balak na munang tumuloy.
Iyon sana ang plano pagkatapos naming kitain sina Rai kahapon, pero dahil sa mga nangyari, pinauna ko na muna ang mga ito. Ayaw ko naman kasing umalis nang ganito ang sitwasyon; lalo pa magtatagal kami ro'n.
Hindi ko na rin naman masyadong inaalala si lola dahil umayos na rin ang lagay nito noong nakakainom na ito ng gamot. Siniguro naman din sa akin nina Ate Arlo na sila na muna ang bahala rito.
Pagkaraan ay bumangon na ako at nag-ayos. Hindi na rin naman ako makatulog. Kanina kasi balak ko na sanang sumabay sa pag-alis nina lola, ang kaso nabanggit ng isa sa mga kasambahay na nakita pa raw ako nitong gising ng alas dos ng madaling araw.
Noong malaman iyon nila tito, dahil gising na rin ang mga ito kanina, hindi ako pinaalis ng mga ito at pinabalik ako sa kwarto para magpahinga pa.
Pagkababa ko sa lounge hall, itinabi ko na lang sa gilid ang mga gamit ko para sa pag-alis ko mamaya, saka ko inilibot ang paningin sa paligid. Wala ni isang bakas ng mag-anak ang namataan ko. Tanging mga kasambahay lang ng mga ito na hindi magkamayaw sa pagkilos.
Magtatanong palang sana ako nang mahagip ng paningin ko ang isang pamilyar na imahe. Mula sa kinatatayuan ko papunta sa dining area na sinusundan ng lounge hall, gano'n na lang akong napako sa kinatatayuan.
"Rai..." mahinang bulong ko nang matanaw ito sa dining hall.
Mag-isa itong nasa tapat ng hapag-kainan. Tahimik lang ito at mukhang malalim ang iniisip. Sa dami kasi ng pagkaing nakahain, hindi man lang nito nagawang pansinin ang mga iyon.
Napaayos naman ako kaagad ng tindig nang makabawi. Pagkapasok ko sa dining hall, agad kong napukaw ang atensyon nito. Pero 'di tulad ng nakasanayan kong laging magiliw na pagsalubong nito, blanko lamang ang ekspresyon nito. Tila ba kaharap ko lang ang kapatid niya.
Magkahawig kasi ang dalawa; 'di maitatanggi na magkapatid ang mga ito. Ang tanging pinagkaiba nga lang siguro nila ay ang kulay ng mga mata. Berde kasi ang mga mata nito samantalang asul naman ang sa kapatid niya.
Akmang magsasalita palang ako nang umalingawngaw naman sa buong dining area ang isang baritonong boses.
"No, you will stay here at pag-uusapan natin nang maayos 'to!"
Kapwa gulat na napabalin naman kami ni Raiza sa kabilang entrance ng dining area nang pumasok ang buong miyembro ng pamilya nila.
Naunang pumasok si Mr. Callister, higit-higit sa braso si Ms. Rielle habang tahimik na nakasunod naman si tita sa kanila. Sa hindi malamang dahilan ay awtomatikong napakuyom ang kamao ko sa nakita.
Pero agad ko rin iyong pinalis nang mabilis na ibinalik sa akin ni Raiza ang paningin niya. Napaiwas na lang ako ng tingin at walang ingay na tumabi rito.
Tahimik lang ang lahat; walang umiimik. Tanging tunog ng mga kubyertos lang sa pinggan ang maririnig. Tipong maging ang mabibigat naming paghinga ay pilit naming pinapagaan; huwag lamang makagawa ng ingay, 'di maitatanggi na lahat kami ay nagpapakiramdaman.
BINABASA MO ANG
She's Into Her
Ficción GeneralTFOL SERIES 1 Kaetherine is an obscure student who merely wants to pursue her passion for composing poems. As she gradually grew enthusiastic about discovering her deep-seated gift, she also found herself never-not involved in her professor's life...
