Czarina POV
Pagkapasok sa school ay malalandi na kaagad ang nakita ko. Para ngang bar itong school na ito. May naghahalikan! May magkayakap! May naninigarilyo! May nagbubugbugan! Hayy hinayaan ko nalang ito at dumiretso na sa room
Nakita ko naman ang bestfriend ko nang palapit na ako sakanya ay bigla siyang tumayo ng makita niya ako! Ang ingay talaga ng bwisit na ito! Kala mo ngayon lang nagkita ehh! Sinapain ko ito eh! Ohhh! Good idea! Wala pa namang ibang istudyante eh
Sinipa ko siya sa leeg pero mabilis niyang nasalag iyon at gumanti ng sipa saakin ako naman ay sinalag ko ang sipa niya gamit ang paa ko at umikot para sikuhin siya sa mukha kaya naman napadaing ito sa sakit ako naman ay natawa!
Walang pinagbago ang bestfriend ko! Hindi manalo-nalo saakin! Hindi sa pagmamayabang pero marunong kami sa martial arts tinuruan kami ng papa ni bell.
Kinabisado namin ang bawat tinuturo saamin dahil bilin ng mga magulang namin ay balang araw ay magagamit namin ito.
Umupo na kami at nag advance reading. At nang dumating ang prof ay itinigil namin ang pagbabasa at tumayo, binati ang prof habang ang iba ay hindi tumayo. Mga walang galang kala mo gangster. Pasikat! Hambalusin ko kayo isa isa ehh! Mga walang modo!
Hindi ko nalang ito pinansin at nakinig sa lecture ng prof. Nang matapos na ang buong klase ay umuwi na kami ni bell. Sabay kaming umuwi dahil magkapit bahay lang naman kami! Kulang na nga lang tumira kami sa iisang bahay ehh! Para na kaming magkapatid!
Habang pauwi ay may naramdaman akong parang may sumusunod samin kaya naman. Tumigil ako sa paglalakad ganun rin si bell at kunwari'y nagkwentuhan kami at pinakiramdaman ang paligid.
Lima! Limang babae ang sumusunod saamin. Ano kayang pakay nito? Papabugbog? Naghahanap ng sakit ng katawan? Magyayabang na gangster sila? Hayy sanay na ko sa ganyan.
Sumenyas ako kay bell na may kalaban kaya naman kumuha kami ng panyo at itinakip sa kalahati ng mukha namin. Mula sa ilong pababa sa leeg.
HAHAMUNIN sana nila ng away ang dalawang babaeng nakasalubong nila na mukhang mga manang nang bigla itong nawala ng parang isang bula kaya naman hinanap nila ang dalawang babae. Subalit ang nakita lang nila ay ang reyna ng underground hindi ang dalawang manang.
Natigalgal ang mga babae nang makita ang reyna. 'Looking for something or someone?' napakalamig ng boses na iyon! Mas lalo silang natakot! Ito ang pinakamalakas! Pinakakinatatakutan! Nirerespeto! Wala pang nakakatalo rito! Nakakatakot ito dahil once na nasaktan mo ang isa sa kanyang mahal sa buhay ay walang habas ka niyang papatayin! Wala siyang pakealam kung sino ka man kaya naman kinatatakutan ito.
'Gusto niyong maglaro??' nakangising tanong ng kasama nito.
Ang isang ito naman ay may pagkaisip bata! Mapaglaro! Natutuwa itong pumatay! Hindi lang simpleng pagpatay ang gagawin nila sayo!'W-w-wala po queen' nauutal nitong sagot. Napangiti naman ang dalaga kaya naman natakot lalo ang mga babae. Para itong demonyo na handa nang pumatay. Ang mga mata nito ay nakakatakot! Pula ang mata nito at ang isang babae ay kulay lilac ang mata kaya naman mas nakakatakot! Nakakatakot na nga yung presensiya pati ba naman mata? Shet! Feeling ko hindi pa niya ako ginagalaw mamamatay na ako! Isip nang babae
Naglakad naman papalapit ang dalaga sa mga babae habang ang mga babae ay umaatras kaya naman nainis ang reyna! 'Stop right there or I'll kill you! All of you!' huminto naman ito sa sobrang takot. Napangiti naman ang dalaga nagugustuhan niya ang mga nangyayari ngayon!
Lumapit naman ang dalaga sa mga babae at bumulong. 'Once na may ginawa kayong masama at nalaman ko ay papatayin ko kayo! Hihiwain ko ang mga lalamunan ninyo! Ibibitin ko kayo patiwarik! Tatanggalin ko ang mata niyo! Ang tenga niyo!-- did she just cut me off? Fvck! You will pay!
'Tama na po' pagmamakaawa nito
'Don't you dare cut me off my sentence bit*h!' sabay sampal rito. Umiyak naman ang babae. Weaklings. Magyayabang na gangster sila pero isang sampal palang eh kung makaiyak ay wagas! Tsk. Boring.
Napangiti naman siya at tinalikuran ang mga babae pero napahinto siya nang 'Demonyo ka' bulong nito mas lalong lumawak ang ngiti niya at 'Yess i know' habang may ngiti sa labi. Ngiting mala demonyo.
..........
:)
BINABASA MO ANG
My Husband is a Mafia boss
Action'Whether you like it or not you are mine! Mine! Mine! And mine alone! No one can change that' -xavier