chapter 21

3.7K 77 11
                                    

Mama!

Agad akong tumakbo palapit kay mama! Pero nagulat ako ng bigla itong mawala. Mawala ng parang bula. Hindi ko alam kung saan siya napunta. Mama.

Miss na miss na kita.

Isinawalang bahala ko nalang iyon dahil kapag inaalala ko pa si mama ay alam kong hindi ko na mapipigilan ang pag-iyak. At kapag nakita ako ng mga kalaban ko ay malalaman nila ang kahinaan ko. At hindi maaari iyon. Hindi pwede.

Sumakay na ako sa sasakyan ko at nagdrive. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Basta nagdrive lang ako ng nagdrive hanggang sa napadpad ako sa dati naming bahay. Ang bahay kung saan ako lumaki. Nagkaisip. Dyan ko nakapiling ang pamilyang dapat ngayon ay mayroon pa kung hindj lang dahil sakanya. Kung hindi dahil sakanya eh di' sana magkakasama pa kami. Wala sana ako dito. Wala sana ako sa kung saan ako nakalagay nakapwesto ngayon.

Nang makapasok sa bahay ay agad kong nakita ang mga maid na naglilinis. General cleaning yata nila ngayon. Nang makita nila ako ay agad silang yumuko at bumati. Kung dati ay yayakapin ko pa sila isa isa at batiin, ngayon ay nilagpasan ko lang sila.

Umakyat ako sa taas at dumiretso sa kwarto ko kung saan palagi kaming magkatabing matulog ni mama or minsan ay kasama pa si papa.

Pagkapasok. Sari-saring memorya ang pumasok sa utak ko. Fuck! I miss this. I miss this house. I miss my mama. I miss my family. I miss my home. Mama. I miss you so much.

Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako. I miss them. How i wish i can bring back the past. I miss it.

Hindi ko namalayan nakatulog pala ako. Nagising na lang ako nang may naramdaman akong may nakatingin saakin.

Agad akong bumangon at niyakap ang taong nakatayo malapit sa bintana ngunit habang palapit ako ng palapit ay palayo naman ito ng palayo. Hindi ko alam kung anong dapat gawin.

Basta tumakbo lang ako ng tumakbo hanggang sa bumalik nanaman ako sa kinahihigaan ko habang ang taong iyon ay nakatingin saakin.

Mama.

Napabalikwas ako ng bangon at agad na tumingin malapit sa bintana ngunit bigo akong makita ang inaasahan kong tao na naroon.

Sinandal ko ang likod ko sa headboard ng kama. Maya maya ay naisipan kong unalis nalang at umuwi. Kahit wala akong masyadong ginagawa ay pakiramdam ko ay pagod na pagod ako.

Pagkauwi sa bahay ko ay agad akong pumasok sa kusina at nagluto ng makakain. Ayokong pumunta sa bahay ni ama dahil ayoko lang mas gusto ko sa bahay ko. Tahimik. Payapa. Makakapag isip ka ng maayos.

Pagkatapos kumain ay hinugasan ko ang pinagkainan ko at nanood nalang ng tv. Hanggang sa maburyo ako at naghanap ng cd. Nakahanap naman ako at ang tema noon ay revenge.

Isang babaeng nawalan ng mahal sa buhay. Ang akala ng lahat ay pawang aksidente lang ang nangyari sa magulang ng babae ngunit alam ng babae na hindi iyon simpleng aksidente. Alam niyang sinadya ang pagkamatay nito. Paano niya nalaman? Hindi niya din alam. Instinct kung baga. Kaya pinairal niya ang kanyang 'instinct' at nagpalakas upang hanapin ang pumatay sa kanyang mahal sa buhay. Buong buhay niya ay nilaan niya iyon sa pag-iinsayo at the same time nangangalap ng impormasyon tungkol sa pumatay sa mahal niya sa buhay. At nagawa niya. Nagawa niyang mahanap kung sino ang pumatay rito at nalaman niya din ang dahilan. Iyon ay dahil obsess ang lalaking iyon sa kanyang mahal sa buhay kaya ng malaman ng lalaking iyon na may asawa't anak na ang babae ay tinakot niya ito na papatayin ang pamilya kapag hindi ito nagtanan kasama siya kaya naman ganun nalang ang galit niya sa lalaking pumatay sa kanyang mahal sa buhay. Pagtapos niyang malaman ang salarin ay pumunta siyang bar at uminom hanggang sa hindi niya na kinayanan at noon ding oras na iyon ay nakilala nito ang lalaking magpapatibok sa puso niya at sa hindi inaasahang pangyayari ay may nangyari sakanila. At ang mas masahol pa ay nalaman niyang kamag anak ng lalaking iyon ang pumatay sa kanyang mahal sa buhay. Agad niya itong hiniwalayan at lumayo rito. Sinimulan noyang maghiganti hanggang sa isang araw narealise niya kung bakit ganun nalang ang pagkadisgusto niya sa lalaki gayong nalaman lang naman niyang magkamag-anak ang mga ito. Hindj naman ito ang pumatay sa kanyang mahal sa buhay kaya naman bumalik siya sa lalaki at sinabi ang tungkol sa pagpatay ng kamag anak nito sa kamag anak ko. At sinabing papatayin ko ang kamag anak nito at nagukat siya ng mabilis itong pumayag naguguluhan man ay gumawa kami ng plano at pinatay namin ang kanyang mahal sa buhay na pinatay ang mahal sa buhay ko. At sa wakas pagtapos ng maraming taon naisakatuparan ko ang paghihiganti ko. Pagtapos ng lahat ay nagpakasal sila ng lalaki at namuhay ng matiwasay.

Parang ako lang naghihiganti para sa aking mahal sa buhay na pinaslang ng mga walang modong siraulong antipatiko! Mga hangal! Matitikman nila ang galit ko. Maghintay lang kayo. Ihanda niya ang sarili niyo. Darating ang bagyong magpapabagsak sainyo sa lupa. Kung sana kayo nararapat. Mga hangal.

...........

:)

My Husband is a Mafia bossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon