Napanganga si Emy nang makita niya ang malaking bahay na iyon. Sa buong buhay niya ay doon lang siya nakakita ng ganon kalaki na bahay at ang di pa niya mapaniwalaan ay simula sa araw na iyon ay doon na siya maninirahan sa marangyang bahay na iyon.
“ Emy? Ano pang tinatanga mo riyan? Halika na sa loob.” Ang sabi sa kanya ng kanyang ina na mag-isang nagpalaki sa kanya mula ng iwan sila ng kanyang ama.
Agad na sumunod si Emy sa kanyang ina pero patuloy pa rin ang paglinga-linga niya sa kabuuan ng bahay na iyon.
“Inang, ang ganda pala rito ano. Parang ganito yung mga napapanood ko sa TV eh. “
Napangiti ang kanyang ina sa kanyang sinabi, “Siyempre naman. Bahay ng Senador ito kaya maganda.”
“Inang ang babait siguro ng pamilya ni Senator.”
“Mababait talaga ang mag-asawang iyon. Tignan mo nga at pinalipat ka nila rito sa Maynila upang maging skolar nila.”
“Oo nga inang eh. Mababait din po ba yung mga anak nila?” tanong niya muli sa kanyang ina, tila tinitignan kung makakasundo niya ang mga nakatira sa loob ng mansion na iyon.
“Mabait si Myleen, sweet yung bata na iyon at napakabibo.”
“Ah yun ba yung highschool student? Eh yung kasing edad ko po?”
“Ah si Nathan…” nagkibit balikat ang kanyang ina, “Simula kasi ng tumuntong yun ng college ay nag-sarili na iyong batang yon.”
“Nagsarili? Eh di ba Nang pareho lang kami ng university na papasukan? Eh di naman kalayuan yung school na iyon dito ha, nagsarili pa siya?”
“Eh alam mo naman yung kabataan dito, gusto bang maging independence…”
Napangiti si Emy “ Independent Nang.”
“Oo yun nga, gusto niyang maging ganon, yun bang hindi sila pinakikialaman ng mga magulang nila.”
Napatango si Emy sa sinabi ng kanyang ina, “Sabagay, sabi nga nila iba na talaga ang mga kabataan dito sa Maynila.”
“Siya na ba si Emy?” isang magandang ngiti ang isinalubong sa kanya ng isang may-edad na babae ngunit sa kabila ng edad nito ay taglay pa rin nito ang tinatawag nilang youthful beauty. Lumapit sa kanya ang babae at agad siyang niyakap, “Ang ganda-ganda mo pala.”
Namula si Emy sa sinabi ng babae, “T-thank you po mam.”
“No, don’t call me, Ma’m, call me Tita, Tita Zeny.”
“Tita Zeny?” nahihiya niyang sinabi sa babae.
BINABASA MO ANG
NINE MONTHS
Romance9 MONTHS Kaya mo bang magmahal ng isang taong hindi mo talaga kilala? Hindi nila akalain na ang kanilang unang pagkikita ang magpapabago ng lahat sa kanila. Naging mapusok sina Emy at Nathan sa kanilang unang pagkikita at di nila akalain na magb...