CHAPTER 8

27K 259 23
                                    

            Nagmamadaling kumain si Emy at pumanik agad ito ng kanyang kuwarto upang maghanda sa midterms exam nila.

            Umupo siya study table ng kuwarto nilang mag-asawa, binuklat ang laptop at ang libro niya upang magreview. Ilang sandali pa ay sumunod sa kanya sa kuwarto ni Nathan, “Ang sipag naman ng misis ko.”

            Ngumiti si Emy, “Kailangan eh. hindi ko na pwedeng gawing excuse ang pagbubuntis ko para di makapag-aral ng mabuti.”

            Binuksan ni Nathan ang kanyang 32” LED TV at naglagay ng bala ng video game sa kanyang playstation. Isang car race ang sinumulang laruin nito, kinuha niya ang kanyang gadget na manebela at nagsimula ng makipagkarera sa video game.

            “Nathan, hindi ka ba mag-aaral para sa midterms bukas?” tanong niya sa asawa.

            “No. madali lang siguro yun. Ikaw na lang ang mag-aral ng mabuti, mas kailangan mo yan sa scholarship mo.”

            Tinignan niya ang kanyang mga libro. Paano siya makakapag-aral ng mabuti kung panay ang hiyaw ni Nathan sa harap ng video game niya? Iniligpit niya ang kanyang mga libro, isinara at itiniklop ang laptop, “Nathan, sa labas na lang ako mag-aaral baka kasi maistorbo pa kita sa paglalaro mo.” Sarkastikong sinabi ni Emy sa asawa.

            Nagthumbs up sa kanya si Nathan, “Study Hard!”

            Napailing na lang si Emy at lumabas ng kuwartong iyon dala ang mga gamit niya sa pag-aaral.

            Saan na nga ba ako pwedeng mag-aral?

            Tinungo ni Emy ang kusina andon ang iba pang katulong na masayang nagkukuwentuhan. Nahinto sa pagkuwekuwentuhan ang mga katulong ng makita nila si Emy na nakasilip sa kanila.

            “Mam, may kailangan po kayo?”

            Umiling si Emy, “W-wala. Sige, ipagpatuloy niyo lang.” malungkot na tumalikod si Emy.

            Paano ba ako papasa sa midterms nito? Hindi ako makapgconcentrate sa pag-aaral.

            “Anak?”

            “Inang…”

            “Akala ko ba magrereview ka para sa midterms niyo bukas.”

            “Am… oo nga po kaya nga lang po…” biglang may naisip si Emy, “Inang, pwede po ba akong sa kuwarto niyo muna magreview?”

            Pumasok si Emy sa loob ng dati niyang kuwarto. Inaayos ng kanyang ina ang kanyang kama upang makapag-aral siya ron. “Ayos lang ba sayo na dito ka mag-aral?”

            “Oo naman Nang, sanay naman po akong mag-aral dito.”

            “Sige, magreview ka lang diyan ha. Wag mo akong intindihin. Matutulog na lang ako ng tahimik para makapag-aral ka ng mabuti.”

            “Salamat po Inang.”

            Nahiga na ang kanyang ina sa kama nito at saka tumalikod sa kanya.

            Napatingin si Emy sa ilaw ng kuwartong iyon, alam niyang nahihirapan ang kanyang ina na matulog na bukas ang ilaw, “Inang, sigurado po ba kayong okey lang akong magreview dito? Hindi po kayo nakakatulog ng bukas ang ilaw.”

NINE MONTHSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon