CHAPTER 15

25.1K 224 43
                                    

“Siya ba ang baby ko?” tanong ni Emy sa kanyang ina habang tinitignan nila sa glass window ng ang bata, “Ang cute niya. Tama nga si Nathan, mana nga sa kanya ang anak niya.”

            Natigilan si Emy nang may napansin siya na nakakabit sa dibdib ng kanyang anak, “Inang ano yun?”

            “Ano yun?”

            “Ano yung nakakabit sa dibdib ng baby ko?”

            “Ay oo nga noh. Ano nga yun?”

            “Inang, parang may hindi magandang nangyayari sa anak ko.” Di na napigilan ni Emy ang maiyak sa pag-aalala, “Nang anong nangyayari sa anak ko?!”

            Halos mawala sa sarili niya si Nathan sa nalaman niya. Hindi niya alam nag anon pala kasakit sa isang magulang ang malaman nag anon ang lagay ng kanyang anak.

            “Nathan…” tinatawag siya ng kanyang ama habang naglalakad sila sa lobby ng hospital na iyon pero tila wala siyang naririnig.

            We also thought that the baby is healthy pero when we did check him up we have found out na, may butas sa puso ang anak niyo. Tatapatin ko na kayo… the baby is in delicate condition. We will do everything para makasurvive siya pero we cannot guarantee you that he will going to be okey. Pwedeng maging maayos ang condition niya one of these days pero ang sakit niya sa puso, buong buhay niyang dadalhin yun at pwede rin niyang ikamatay.”

            Dahan-dahang binuksan ni Nathan ang pintuang yun. Bumungad sa kanya ang kanyang asawa akap-akap ang ina nito at umiiyak.

            “Andiyan na si Nathan…”

            Tumingin sa kanya si Emy, “Nathan, bat ganon? Bat may nakakabit na kung ano sa dibdib ng anak natin? May problema ba?”

            Lumapit sa kanya si Nathan at umiyak ito sa harapan niya.

            “Nathan…”

            At niyakap ni Nathan ang kanyang asawa ng mahigpit.

            Sa isang ICU sa hospital na iyon ay sinamahan ng nurse ang mag-asawa upang malapitan nila ang kanilang anak.

            Napaiyak si Emy nang makita ang mga tubong nakakabit sa kanyang anak. Hinawakan niya ang kamay ng kanyang sanggol at nilaro-laro yun, “Ang cute niya noh…”

            Hinawakan din ni Nathan ang isa pang kamay ng bata, “Kamukha ko…”

            “Angelo” ang sabi ni Emy sa anak, “Palakas ka ha. Magpakatatag ka. kasi ako, ang mama mo, nagpakatatag ako noong dinadala pa lang kita rito sa tiyan ko. Anak wag kang bibitaw ha.”

            Hinawakan ni Emy ang ulo ng bata, “ Anak wag mo kaming iwan ng Daddy mo ha. Mahal na mahal ka namin.”

            Hindi na napigilan pa ni Nathan ang maiyak dahil sa pagkaawa sa sinasapit ng kanyang anak kaya tumalikod siya rito habang patuloy pa rin na kinakausap ni Emy ang walang malay na sanggol.

            “Siguro hindi ka naging bunga ng pagmamahalan namin ng daddy mo pero naging daan ka upang mahalin namin ang isa’t isa. Blessing ka sa amin, anak, kaya magpagaling ka anak. Kaya mo yan. Susuportahan ka namin ng daddy mo. Wag kang susuko ha…” at hinalikan niya sa noo ang kanyang anak.

NINE MONTHSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon