"Oh my gosh, look, they look like newly weds!." ang reaction ng ibang nakasaksi sa pag-alalay ni Nathan kay Emy.
"Teka, Nats, where are you going?" pahabol na tinanong ni Janica sa kanya.
"Am, I will just bring her home. Guys, ipagpaalam niyo muna ako sa ibang prof natin, iuuwi ko muna siya."
"Okey dude!" ang sabi ng kanyang mga kaibigan.
Mabilis na bumaba ng hagdanan si Nathan habang buhat-buhat si Emy.
"Nathan nakakahiya..." pabulong na sinabi ni Emy kay Nathan habang bumaba sila ng hagdanan.
"Mas nakakahiya kung tuluyan kang hihimatayin sa lobby."
"Sorry ha. Mabigat ba ako?"
"Medyo... pero kayang-kaya ko pa naman."
Biglang inalis ni Emy ang bulak na iyon nang hindi niya magustuhan ang amoy nito, "Nathan ilayo mo nga sa akin yan."
"Amonia ito noh, inaamoy talaga ito ng mga nahihilo."
"Ayoko, ayoko niyan ang sangsang. Ilayo mo yan sa akin, maslalo akong nahihilo sa amoy niyan."
"Okey." Inilagay ni Nathan ang bulak na iyon sa center table ng kanyang salas sa condo unit niya at umupo sa paanan ni Emy kung saan nakahiga ang dalaga sa sofa.
"Ayos ka na?"
"Ang hirap pa lang magbuntis."
"Mahirap kang magbuntis. Sabi ng doctor natural lang yun sa mga early days of pregnancy."
"Nathan, kailan natin ipagtatapat ito sa kanila?" tanong ni Emy sa lalaki.
"Bakit? Napapansin na ba nila ang kalagayan mo?"
"Si Inang, sa tingin ko nag-aalala na siya sa akin. Nathan nakokonsensya ako, alam kong masisira ko ang mga pangarap namin ng nanay ko."
"Hay naku, ikaw rin kasi, sana pala tinadyakan mo na lang ako non para hindi na nangyari ito."
Napaupo si Emy sa sinabi ni Nathan, "Ano? At ako pa ang sinisisi mo ngayon, for your information nanlaban talaga ako sayo pero masyado kang malakas, pinilit mo ako!"
"Pinilit kita! Teka, sobra naman yang sinabi mo Emy, kulang na lang sabihin mo ni-rape kita."
"Halos ganon na nga!"
"Ano! Emy wag ka ngang sinungaling diyan, ramdam na ramdam ko ng mga oras na ginusto mo rin ang mga nangyari, ikaw pa nga yung yumakap sa akin ng mahigpit diyan saka wag mong ideny, you kissed me back at madaming beses yun!."
Napanganga si Emy sa sinabi ni Nathan, "Kasi nga tinukso mo ako non saka dinaan mo talaga ako sa pwersa. Hinawakan mo pa nga yung dalawang braso ko para di ako makapalag sayo eh."
Napakamot ng ulo si Nathan, "Tama na nga yan at baka kung saan pa mapunta ang usapan natin. Baka maisipan mo pa akong kasuhan ng rape."
"Nathan anong gagawin natin?"
"Hindi ko alam. Emy hindi naman ako tulad ng iba riyan na sasabihin ko agad sayo na ipalaglag mo yang dinadala mo. Emy alam kong gago ako pero may konsensya naman ako. Alam kong kahit ilang araw pa lang yang nasa tiyan mo ay itinakda pa rin yan ng Diyos na maging tao. Hindi ako murderer Emy. Gusto kong buhayin ang magiging anak natin sa abot ng makakaya ko. Pero yung ipagtapat sa kanila, Emy ayoko silang biglain, siguro bahala na, bahala na kung kailan nila tayo mabibisto. Basta as of now, ang intindihin muna natin ay ang kalagayan mo at ang magiging baby natin. Okey ba yun sayo?"
"Ewan ko. Siguro nga tama ka. Bahala na." ang sagot ni Emy sa kanya.
Napansin ni Berna na panay ang tingin ng kanyang kaibigan sa salamin ng ladies CR at panay ang tingin nito sa kanyang tiyan.
BINABASA MO ANG
NINE MONTHS
Romance9 MONTHS Kaya mo bang magmahal ng isang taong hindi mo talaga kilala? Hindi nila akalain na ang kanilang unang pagkikita ang magpapabago ng lahat sa kanila. Naging mapusok sina Emy at Nathan sa kanilang unang pagkikita at di nila akalain na magb...