CHAPTER 7

26.9K 274 24
                                    

“Kamusta naman ang first night niyo ng misis mo?” tanong ng isang kaibigan ni Nathan sa kanya.

            “Okey naman.” Ang tanging sinabi ni Nathan. Alam niya ang iniexpect ng kanyang mga kaibigan at alam di niyang madidisappoint ang mga ito once na malaman nilang hindi nangyari ang inaasahan nila.

            “Okey naman? Ano ba yun? Parang hindi ka naman nag-enjoy.”

            “Buntis ang asawa ko. Hindi pwede.” At uminom ng softdrink si Nathan.

            “Wow, that’s the corniest thing I heard.” Ang sabi ng iba pa niyang barkada, “At kailan ka pa naging KJ pagdating sa bagay na yan dude.”

            “Alangan namang pilitin ko yung tao, eh hindi nga raw pwede. Pero…” napangiti si Nathan naalala niya ang mahigpit na pagyakap niya kay Emy at ang pagganti rin ng babae sa pagkayap sa kanya, “It’s a sweet, peaceful and romantic night.”

            “Romantic? Paano kaya naging romantic yun eh wala ngang nangyari. Ang labo mo dude.”

            Ngumiti si Nathan sa kanila, “Basta mahirap i-explain. Teka, kayo ha, hindi kayo umattend sa salo-salo nong kasal ko.”

            “Sensya na Dude, ito kasing ex mo eh, pinilit kaming sumamang gumimik sa kanya. Talagang pinapaboycott yung kasal mo.”

            “Hay, ang babae talaga na yun.”

            “Grabe! Para siyang baliw kagabi, sobrang lasing. Hindi pa rin matanggap ang pagpapakasal mo sa iba.”

            Napailing si Nathan, “Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko sa kanya.”

            “Kamusta ang buhay may asawa?” tanong ni Brena sa kaibigan.

            Ngumiti si Emy, “Heto, okey naman. Maganda naman yung wedding kahit medyo simple lang at civil wedding lang.”

            “Emy, may gusto pala akong tanungin sayo.”

            “Ano yun?”

            “Anong feeling?”

            “Feeling ng ano? Ng mabuntis, ay Berna, sobrang hirap, maslalo na ako na sobrang selan ko talagang magbuntis, masyado akong hiluhin, antukin, at lagi…”

            “Hindi yun ang ibig kong sabihin.” Ang sabi ni Berna.

            “Hindi yun?’

            “Anong feeling ng ano…”

            “Anong ano?”

            “Na- ano, naaano…”

            Biglang natawa si Emy nang mahulaan niya ang ibig sabihin ng kaibigan, “Ah yun!” natatawa siya dahil hindi siya makapaniwalang curious si Berna sa bagay nay un. Hay hindi naman niya masisisi ang kaibigan, siya rin naman ay na curious kaya nga siya nabuntis.

            “Alam mo Berna, isipin mo na lang na para tayong bangkang papel na inaagos ng malakas na tubig. Nahihirapan tayong magcontrol sa sarili natin dahil nadadala tayo at nag-eenjoy sa malakas na agos. Pero Berna sa nangyari sa akin, narealize ko, kapag ginawa mo yun, may kalakip yun na matinding responsibility after. Kaya kung hindi mo pa naman kaya yung responsibility na haharapin mo ay mas maganda sigurong wag mo munang gawin. Maghintay ka ng tamang panahon na kaya mo ng harapin yung responsibility. Berna, mag-aral ka muna, wag kang tumulad sa akin na nagpadala sa agos kaya heto nag-asawa ng maaga. Mahirap mabuntis habang tinutupad mo ang pangarap mo, maniwala ka sa akin.”

NINE MONTHSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon