2.4

17.1K 169 18
                                    

Pinatay ni Nathan ang ilaw sa loob ng kuwartong iyon at tanging lamp shade lang ang iniwan niyang bukas.

                Napangiti si Emy nang makitang hinubad ng kanyang asawa ang suot nitong pangtaas at pantalon at saka lumapit kay Emy na may suot na manipis na night tees at nakaupo sa kanilang kama.

                Hinawakan ni Nathan ang pisngi ng kanyang misis at hinawi ang buhok na nasa mukha nito.

                Napapikit si Emy habang dinadama ang warm na touch ni Nathan sa kanyang pisngi.

                Napangiti si Nathan nang maramdaman niyang parang gusto-gusto ng kanyang kabiyak ang simpleng haplos na iyon.

                Mula pisngi ay ibinaybay niya ang kamay niyang iyon sa baba ni Emy at saka hinaplos ang batok ng babae.

                “Nathan…”

                Pinagmasdang mabuti ni Nathan ang labi ng kanyang asawa… nakaawang ito at parang hinihintay siya…

                Hindi niya na pinatagal pa ang paghihintay ni Emy he pressed his lips in hers at pinagbigyan ang hiling na ito.

                Madaling tumugon si Emy sa matamis na halik ng kanyang asawa. She answered it with thirst… na parang bang pagkatagal-tagal niya ng hindi nakakatikim nito. Napahawak pa nang mahigpit si Emy sa buhok ng kanyang asawa upang maslalo pa niyang maramdaman ang passionate kiss nito.

                Nathan lay her in bed nang hindi pinapakawalan ang labi ng kanyang asawa. Maslalo pa niyang hinigpitan ang pagkakapit kay Emy as he move his lips sa leeg ni Emy.

                Maslalong napakapit si Emy kay Nathan and she can’t help herself to moan and call Nathan… asking him to love her more.

                Napamulat ng mga mata ni Emy nang may narinig siyang nagriring, “Nathan, may tumatawag.”

                Pero hindi siya sinagot ni Nathan pinagpatuloy pa rin nito ang pangroromansang ginagawa sa kanya.

                Napatingin si Emy sa sidetable at tinignan ang celphone niya na patuloy sa pagriring, “Nathan, may tumatawag sa restaurant.”

                “Bukas na lang yan Emy. Sabihin mo na lang sa kanila busy ka today kaya hindi mo sinasagot ang phone.” Ang payo sa kanya ni Nathan.

                “P-pero baka importante…” inalis ni Emy ang kamay ni Nathan na nasa loob ng nightees niya at inabot ang kanyang telepono at sinagot ito, “Hello…”

                Umupo na lang sa kama si Nathan at napailing na lang ito.

                “Kamusta ang sales… good… talaga, sige… sorry hindi ako makadalaw diyan, sinasamahan ko kasi si Nathan for the election campaign. Alam niyo naman campaign period na.” Ang sabi niya sa kausap nito sa phone, “Sige Ill try, magpapaalam lang ako kay Nathan.. sige bye.” At ibinaba na ni Emy ang telepono.

                Lumapit si Emy kay Nathan at niyakap ang likuran nito, “Im sorry, Nathan… Ituloy na natin.”

                Inalis ni Nathan ang braso ni Emy na nakapalupot sa kanya at tumayo sa kama, “Magsashower na lang ako.”

                Pinagmasdan ni Emy si Nathan hanggang sa makapasok ito sa CR nila. Aminado siyang nadisappoint ang lalaking yun sa kanya.

NINE MONTHSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon