Bumaba ng kusina si Myleen upang kumuha ng tubig sa ref nang maabutan niya ang kanyang sister in law na nagbabasa ng libro sa kusina. Nabasang niyang parang naluluha ang mga mata nito habang nagbabasa.
“Nag-away kayo ni kuya noh. Narinig ko yung sigawan niyo kanina.” At tinabihan niya ang kanyang hipag.
“Nakakainis siya. Hirap na hirap na nga ako sa kondisyon ko at pag-aaral ko tapos aawayin niya pa ako ng ganon.” Pinupunasan ni Emy ng kanyang kamay ang tumutulong luha sa kanyang mga mata.
“Pagpasenyahan mo na yan. Madali lang talagang ma-bad trip yung taong yun. Careless siya kung magsalita. Masyado siyang nadadala ng emosyon niya na di niya naiisip yung mga sinasabi niya. Pero alam mo ba ate kung what’s good thing about him? Madali siyang makonsensya. For all you know, nagmumukmok na yun sa kuwarto niyo at sisingsisi sa ginawa niya.”
Tumingin si Emy kay Myleen, “Ganon ba talaga siya?”
Tumango si Myleen, “Kaya ate tumahan ka na. makakasira pa yan sa pag-aaral mo at remember sabi ng doctor mo masama sa buntis ang masyadong emotional.” Tumayo si Myleen, “Sige ate, maiwan na kita. Maistorbo pa kita sa pag-aaral mo.”
“Myleen, salamat ha.”
“Wala yun. Kapatid kita eh, kapatid ko kayo ni kuya kaya ganyan ako kaconcern sa inyo. Pareho ko kayong mahal. Sige na ‘te!” at lumabas ng kusina si Myleen.
Tahimik na binuksan ni Emy ang pintuan ng kanilang kuwartong mag-asawa. Nakapatay na ang ilaw nito at nakita niya si Nathan na natutulog na rin sa kama. Akala ko ba madali siyang makosensya? Eh parang wala naman siyang pakialam sa akin… tinulugan na lang niya makatapos akong umiyak at magalit sa kanya.
Inilapag niya ang kanyang mga gamit sa lamesa at tinabihan ang asawa sa kama. Ipinikit niya ang kanyang mga mata pero di pa rin niya maiwasan ang maiyak sa tuwing babalik sa isipan niya ang masasamang salita na binitawan ni Nathan sa kanya.
Nasaan na ba yung konsensya niya na sinasabi ni Myleen? Mukhang wala naman siya nun eh.
Ilang sandali pa ay nakaramdaman siya ng mahigpit na yakap sa likuran niya.
Natigilan siya.
“Im so sorry…” pabulong na sinabi sa kanya ni Nathan sa kanyang tainga.
Hindi na napigilan pa ni Emy na mapalakas ang kanyang iyak, “Ikaw naman kasi eh…”
“I know… kaya nga sorry na eh. Patawrin mo na ako please.”
“Ang sakit kaya ng mga sinabi mo… feeling ko napakalaki kong kamalasan sa buhay mo.”
“No that’s not true!” hinila ni Nathan si Emy paharap sa kanya at hinawakan ang pisngi nito, “Im sorry kung yun ang na-feel mo. Masyado lang talaga akong nabad trip kanina. Siguro napikon na lang talaga ako kasi alam kong talo ako… talo ako kasi hindi ako nag-aral ng mabuti at dumipende ako sa pandaraya. Napikon ako dahil mali ako at tama ka.” pinahid ni Nathan ng kanyang palad ang luha sa mga mata ng asawa, “Shh tahan na.”
“Akala ko kasi… ayaw mo sa akin eh.”
“Shhh…wag mong sabihin yan.” Dinala ni Nathan ang ulo ni Emy sa kanyang dibdin at niyakap ito.
BINABASA MO ANG
NINE MONTHS
Romance9 MONTHS Kaya mo bang magmahal ng isang taong hindi mo talaga kilala? Hindi nila akalain na ang kanilang unang pagkikita ang magpapabago ng lahat sa kanila. Naging mapusok sina Emy at Nathan sa kanilang unang pagkikita at di nila akalain na magb...