Nalalapit na ang finals kaya todo sa paghahanda sa exam ang mag-asawa. Dahil sa kabiguan sa ginawang leakage noong midterm ay napilitan si Nathan na mag-aral para sa final exam.
“Log… sin… co-sin… x. Emy pwedeng magpaturo ako sayo sa logarithm?” sabi ni Nathan sa asawa habang nakadapa ito sa kanilang kama at nagcocompute ng logarithmic problems.
Binaba muna ni Emy ang binabasa niyang libro at saka tinabihan ang asawa, ‘Anong problema mo riyan?”
“Turuan mo naman ako kung paano yan gawin sa calculator.”
Kinuha ni Emy ang calculator ng asawa, “Parang ang hirap ngang gamitin nito.” Sinubukan ni Emy na sagutin ang mga problems sa libro at gawin yun sa calculator at laking tuwa ni Nathan nang makitang tama ang mga sagot nito.
“Wow ang galing ng misis ko!” at hinalikan niya ang asawa sa buhok nito.
“Subukan ko nga uli.” Humiga si Nathan sa kama niya hawak ang calculator, “Log 10…”
“Ano nakuha mo na?”
Ngumiti sa kanya si Nathan. Patayo na si Emy sa kama nang bigla siyang hinila ng asawa at mapahiga rin sa tabi nito, “Nathan ano ba?”
Pagkahiga ni Emy ay pumamibabaw sa kanya si Nathan at saka siya hinagkan sa kanyang labi. Isang matagal at banayad na halik ang natanggap niya mula sa kanyang asawa. Hindi maipaliwanag ni Emy ang sayang kanyang nararamdaman sa tuwing maglalapat ang kanilang labi, parang ayaw niya ng matapos yun, kung pwede lang sana. Feeling niya ay parang kaya niya ng mabuhay sa bawat halik ng kanyang asawa, napakasaya niya, napakuntento, totally satisfied.
“I love you…”
Napanganga siya ng marinig niya iyon sa kanyang asawa, “Huh?”
“Hindi mo ba narinig? Ang sabi ko mahal kita. Mahal na mahal.” Hindi niya mapigilang kiligin sa malambing na tinig na iyon ni Nathan. Halos natatawa na siya sa sobrang kakiligan.
“Why are you laughing?”
“W-wala. Hindi lang ako makapaniwala.”
“Bakit hindi ka makapaniwala? You don’t think that you are that lovable.”
“Well, siguro kasi, hindi naman tayo nagsimula na type ang isa’t isa di ba?”
Muling inilapit ni Nathan ang kanyang mukha sa asawa, “Kailangan bang magsimula tayo na gusto ang isa’t isa para mahalin kita ngayon?”
Umiling si Emy.
“So then, kapag sinabi kong mahal kita, maniwala kang mahal kita, and don’t ask any questions about it, okey?”
Tumango si Emy sa kanya.
“Eh ikaw ba? Mahal mo na ba ako?”
Hinawakan niya ang pisngi ni Nathan, “Mahal. Mahal na mahal din at hindi ako makapaniwalang magiging Masaya ako ng ganito sayo.”
Ngumiti si Nathan, “Im happy for that.” Hinawakan niya ang baba ni Emy, “Don’t worry, study break lang ito. Kukuha lang ako ng inspirasyon sa pag-aaral ko.” At muli niyang hinagkan ang labi ng kanyang pinakamamahal na asawa.
BINABASA MO ANG
NINE MONTHS
Storie d'amore9 MONTHS Kaya mo bang magmahal ng isang taong hindi mo talaga kilala? Hindi nila akalain na ang kanilang unang pagkikita ang magpapabago ng lahat sa kanila. Naging mapusok sina Emy at Nathan sa kanilang unang pagkikita at di nila akalain na magb...