“Ayos nab a yung function room? Ayos nab a yung decorations?” ang tanong ni Emy sa mga kasamahan niya sa restaurant.
‘Ayos na po Mam.” Ang sagot ng tauhan nito.
“Okey good.”
Napansin ni Inang Rosa na parang namumutla ang kanyang anak.
“Masama ba ang pakiramdam mo iha?”
“Medyo po eh. Nahihilo po ako baka po dahil galing ako sa mahabang biyahe.” Ang sagot niya sa kanyang ina.
“Pero lagi sanay ka naman talaga sa mahabang biyahe anak.”
Napahawak si Emy sa bibig niya. Agad siyang tumayo sa kanyang kinauupuan at nagtungo sa CR.
Sa lababo ng CR ay don siya nagsususuka makatapos non ay agad naghilamos. Napatingin siya sa salamin ng CR, hindi na ito ang unang pagkakataon na naranasan niyang ang ganong pakiramdam.
Napahawak siya sa kanyang tiyan.
“Hindi kaya…”
“Congratulations Mr. and Mrs de Silva!” ang sabi ng doctor sa kanila, “Mrs de Silva your three weeks pregnant.”
Napatalon sa tuwa si Nathan nang marinig ito mula sa doctor.
“Emy narinig mo yun, buntis ka raw, kitam sabi ko sayo magkakaroon din ng kapatid si Baby Angelo basta maghintay lang tayo.”
Pilit na ngumiti si Emy at tumango lang sa kanyang asawa.
“Hindi ka ba Masaya na magkakaroon na ng kapatid si Angelo?” ang tanong ni Nathan nang inihinto nito ang sasakyan sa tapat ng bahay nila.
“Masaya.”
“Eh bakit hindi ko nakikita sa mukha mo?”
Napayuko si Emy, “Nathan, natatakot kasi ako eh, naalala ko kasi yung nangyari kay Baby Angelo. Paano kung ganon uli? Paano kung umaasa lang tayo?”
“Sshhhh… don’t say that.” At hinawakan ni Nathan ang kamay ni Emy, “Dahil ngayon hindi na natin hahayaang may mangyari pang masama sa magiging anak natin. Magtutulungan tayong dalawa Emy, magtutulungan tayong alagaan ang bata sa sinapupunan mo. kung may pagkukulang tayo nong pinagbubuntis mo pa si Baby Angelo, aayusin na natin yun ngayon.”
Tumango si Emy, kahit papano ay napakalma siya sa mga encouraging words ng asawa.
“Emy just hold my hand at matatanggal lahat ng takot na nararamdaman mo.” at niyakap ni Nathan ang asawa.
“I have a good news for all of you!” ang sabi ni Nathan nang nasa dining table sila kasama ang kanyang mga magulang at ang kapatid niya si Myleen.
“My wife is three weeks pregnant!”
“Wow Congrats Ate, Kuya!” at niyakap ni Myleen ang mga kapatid niya.
BINABASA MO ANG
NINE MONTHS
Romance9 MONTHS Kaya mo bang magmahal ng isang taong hindi mo talaga kilala? Hindi nila akalain na ang kanilang unang pagkikita ang magpapabago ng lahat sa kanila. Naging mapusok sina Emy at Nathan sa kanilang unang pagkikita at di nila akalain na magb...