"Oh, well, sa pagkakaalam ko pinakasalan ka ni Nathan because nabuntis ka niya. Nabuntis niya ang anak ng katulong nila." at ngumiti sa kanya si Margot, "Yun lang naman ang ugong-ugong na tsismis non. Pero siguro its not real naman di ba? Hindi ka naman kasi mukhang anak ng katulong eh."
"Actually, totoo lahat yun."
Nagulat si Margot sa sinabi ni Emy.
"Nineteen years old kami non ni Nathan nang napilitan kaming magpakasal dahil buntis ako at totoo ring anak ako ng kasambahay nila. Pero our baby died after I gave birth to him."
"Oh, Im sorry for that." Ang sabi ni Margot.
"Naghintay kami ni Nathan nang higit sa anim na taon upang magbalikan ulit. And here we are acting like a newly wed in this island." Ang sabi ni Emy.
"Good for you." Ang sabi ni Margot.
Tumayo si Emy sa beach chair nay un, "Sige Margot, I have to go. May pupuntahan pa kami ng asawa, anyway nice meeting you here."
"Same to you." Ang sabi ni Margot sa kanya.
Nagcheck out na sina Nathan at Emy sa Villa. Paglabas nila sa Villa ay dumating si Margot.
"Hi, babalik na kayo ng Manila."
Nagkatinginan sina Emy at Nathan sa pagdating ni Margot.
"Oo, kailan ko na kasing makabalik agad sa kongreso eh."
"Wow ang sipag naman." Ang sabi ni Margot, "Ako naman baka bukas ako lumuwas ng Manila."
Napatango lang ang dalawa.
"So magkita na lang tayo sa Manila, Nathan?"
Nagkatinginan sina Nathan at Emy.
Napatingin si Margot kay Emy, "And siyempre ikaw din Emy, see you in Manila. Have a nice trip." At umalis na si Margot.
"Nathan, pipirmahan mo ba yung bagong law na gusto nilang ipatupad?" ang tanong ng isang kapwa niya Kongresista habang naglalakad sila sa lobby ng Kongreso.
"Pag-aaralan ko munang mabuti Pare, tapos saka ako magdedecide."
Napahinto sa paglalakad si Nathan nang biglang nagring ang celphone niya.
"Oh si Kumander pare, mukhang hinahanap ka na."
Tinignan ni Nathan ang celphone, hindi registered sa phone book ng celphone niya ang number ng tumatawag sa kanya.
"Sige Pare, mauna na kami ha."
"Sige." Ang sabi ni Nathan, "Sino kaya ito?"
"Hello?"
"Hello, Congressman Handsome..."
"Sino to?"
"Ano bay an ang dali mo naman akong makalimutan?"
"Eh sino ka ba?"
"Its M-A-R-G-O-T."
"Margot? Uy Margot! Paano mo nakuha ang number ko?!"
"Congressman Nathan de Silva, alam mo bang Im good in research? Napakadali lang sa akin para makuha ang celphone number mo. Siyanga pala kamusta naman ang bagong congressman ng Pilipinas?"
"Im doing fine." Sabi ni Nathan.
"Teka Nathan, why don't we meet somewhere, dib a mas Masaya yun?"
"Para saan?"
"Am... para makipagkuwentuhan, magkamustahan, you know..."
"Sorry Margot ha, pero busy kasi ako."
"Ah ganon ba? How about next time?"
Umiling si Nathan, "No next time. Busy kasi ako sa kongreso ang the rest I have to spend it with my family. Sige na Margot, I have to go ahead, my wife is waiting for me." At binaba na ni Nathan ang kanyang telepono.
"Kailangan mo ba ng kasama this weekend?" ang tanong ni Nathan nang magpaalam si Emy na magpunta sa Isabela para puntahan ang restaurant.
"No thanks, andiyan naman yung driver, magrest ka muna rito baka kapag nasa resto mapilitan kang pagurin ang sarili mo."
Humiga si Nathan sa kama, "Sabagay, nakakapagod naman talaga saka madami din akong kailangang pag-aralan."
Humiga din si Emy katabi ni Nathan sa kama at inakbayan siya ng kanyang asawa, "Ganon talaga..."
Ilang sandali pa ay nagring ang telepono ni Nathan kaya kinuha niya ito at tinignan kung sino ang tumatawag.
"Oh sino yan?"
"Its Margot Filler, hindi ko nga alam kung paano niya nakuha yung numero ko eh."
"Hindi mo ba sasagutin?" ang tanong ni Emy sa asawa, "Hindi ka tatantanan niya."
"Eh ano namang sasabihin ko sa kanya?"
"Akin nay an..."
At ibinigay ni Nathan ang phone niya sa asawa at sinagot ito.
"Hello? Si Margot Filler ba ito?"
Natulala sa kabilang linya si Margot nang marinig ang boses ni Emy.
"Naikuwento sa akin kasi ng asawa ko na tinatawagan mo raw siya. Miss Margot Filler, kung binabalak mong akitin ang asawa ko ay nagkakamali ka. Hoy! Nagkakandarapa sa akin si Nathan kaya hindi na siya interesado say o kahit maghubad ka pa riyan sa harapan niya." Ang sabi ni Emy.
"At pwede ba.... Maghanap ka ng lalaki na para sayo at masasabi mong sayo hindi yung nakikihati ka sa iba... mahirap ang may kahati... talo ka." dagdag pa ni Emy.
"Tantanan mo na ang asawa ko kundi hindi ako magdadalawang isip na sugurin ka, sabunutan ka, kalmutin ka at ang pinakanakakatakot sa lahat baka kalbuhin kita sige ka pati career maimbyerna dahil sa kakirehan mong yan." Ang sabi ni Emy, "Wag mo na kaming guluhin!" sabay pindot ni Emy sa End of call ng celphone niya.
Napabuntong hininga si Emy nang inaabot ang celphone kay Nathan, "Hoy ikaw ha, kapag ginulo ka pa ng babaeng yan i-report mo sa akin! Hmp! Nakakainit siya ng ulo."
Natawa si Nathan sa naging reaction ni Emy.
"Oh anong nakakatawa ron?"
"Naaalala ko lang... nagkakandarapa pala ako sayo noh..."
"B-bakit hindi ba? Totoo naman yun ha." At natatawa-tawa si Emy kay Nathan.
Kinuha ni Nathan ang kumot, "Okey sige na, ipakita mo na sa akin kung paano ako magkandarapa sayo." at bigla niyang tinalukbong yun sa kanilang dalawang ni EMy.
Hindi naman mapigilan ni Emy ang mapatili habang nasa ilalim sila ni Nathan sa kumot nay un.
BINABASA MO ANG
NINE MONTHS
Romance9 MONTHS Kaya mo bang magmahal ng isang taong hindi mo talaga kilala? Hindi nila akalain na ang kanilang unang pagkikita ang magpapabago ng lahat sa kanila. Naging mapusok sina Emy at Nathan sa kanilang unang pagkikita at di nila akalain na magb...