“That’s all for my report. Do you have any questions, comments and additional information?” tanong ni Emy sa kanyang mga kaklase nang magreport na siya regarding sa kanyang research.
“Is that all, de Silva?” mataray na tanong sa kanya ng kanyang terror prof.
“Opo, ma’m.”
Tumingin ang professor sa kanyang klase, “Class, do you have any comments regarding in Mrs. De Silva’s report?”
Kinabahan si Emy. Walang sumagot sa kanyang guro, marahil ay di nila maintindihan ang report niya o di kaya hindi sila interesado sa ginawa niyang research.
“Class, do you understand the presentation of Mrs. De Silva?”
Walang umimik sa klase.
Patay na…
“Emy? Ikaw ang matanong ko, sa tingin mo ba ay interesado ang mga kaklase mo sa ginawa mong research?”
“Actually po. Hindi ko po alam. Pero if will they just get interested in this research they will realized yung significance nito not only in our career but also in ourselves .” Napabuntong hininga si Emy, “The Filipino Cuisine, it will not only offer great taste and stomach satisfaction but also it reflects the culture and the morals of the Filipinos. Ang isang Putaheng Filipino, madami itong sahog, mabusising iluto at minsan ay kailangan mo pa ng lakas at tiyaga upang mailuto ito. Sa probinsya namin, kapag may handaan sa amin ay umaakyat pa sa puno ng niyog ang mga tiyuhin ko upang may ipang-gata sa lulutuin nilang Caldereta, Pinakbet o di kaya Laing at tulong-tulong din sila sa pagkatay ng baboy, manok o di kaya baka. Tapos yung mga babae naman sa pamilya namin sama-sama silang naghihiwa ng mga gulay, naghahalo ng mga lutuin na may kasama pang kuwentuhan sa harap ng mga niluluto nila.”
Sa pintuan ng classroom na iyon ay nakasilip si Nathan at pinagmamasdaan ang asawa.
“Siguro, kayong mga taga-Maynila, natatawa na lang kayo sa ugali naming iyon mga taga probinsya. Mahirap siguro kaming intindihin maslalo na sa mundong ito na puro instant at ready to go. Ang hindi kasi natin maisip ay ang nagiging epekto ng mabusising paghahanda ng mga Filipino recipes na ito, maslalo na sa isang pamilya, sa isang barangay o di kaya sa isang bayan. Family relationships are keep intact in preparing this foods, imagine niyo ang isang pamilyang nagsasamang magluto ng isang Kare-kare, habang naghihiwa ng gulay si Ate, nagdidik-dik ng mani si tatay at kuya at nagbabantay na makulo ang baboy si nanay ay may kasama itong masayang kuwentuhan that will preserve the closeness of the family. See guys what’s missing of having instant foods in front of our dining tables, it’s a relationship, closeness and family ties.”
“Filipino recipes, it will not ony reflect how the Filipinos cook but how the Filipinos give value in its fellowmen and its family.”
Tumahimik ang buong klase.
“Mrs. De Silva…”
“Yes Mam.”
“You report is…”
Lumakas ang tibok ng puso ni Emy.
“Is definitely impressive. Congratulations! You really did a good work!”
At nagpalakpakan ang buong klase sa kanya.
Paglabas ng room na iyon ni Emy ay sinalubong siya ng kanyang asawa, “ I saw that… ang galing talaga ng misis ko.” Niyakap ng mahigpit ni Nathan si Emy at hinalikan ito sa noo, sa pisngi at sa labi.
“Mr. De Silva, that’s too much Public Display of Affection!” ang paalala sa kanya ni Dra de Castro nang Makita siya nito.
Inakbayan ni Nathan si Emy, “Mam, ang galing ng asawa ko!”
“Well, maswerte ka sa kanya.” At umalis na ang professor nila.
Pinalo ni Emy ang braso ng asawa, “Ikaw talaga, PDA ka noh.”
“Hayaan mo na yun, naiinggit lang yun sa atin. Oh saan na ang date natin ngayon?”
“Ahmmm… bahala ka.” ang sagot ni Emy sa kanya na tuwang-tuwa dahil matutuloy na ang naunsaming birthday date nila ng asawa.
“Emy, may sasabihin ako sayo.” Ang sabi ni Berna sa kaibigan niya habang nasa loob sila ng classroom sabay labas nito ng isang papel mula sa brown envelope na dala-dala niya.
“Wow!” ang sabi ni Emy pagkabasa sa papel na iyon, “Mag-oOJT ka sa Singapore!”
Bumakas ang magandang ngiti sa labi ni Berna at niyakap niya ang kaibigan.
“Congrats!!! Nakakatuwa naman yan. Sana ako rin pala noh.” At hinawakan niya ang magpipitong buwan niyang tiyan, “Kaya nga lang hindi na pwede.”
“Ano ka ba okey lang yun noh! Blessing din naman yang baby mo.”
“Sabagay totoo yan.”
“Totoo talaga yun noh, kaya wag ka ng manghinayang diyan. Ako nga itong nanghihinayang eh, hindi ako makakarating sa binyag niya.”
“Okey lang yun. Kahit nasa Singapore ka, ikaw pa rin ang Ninang nito noh. Kaya ireserve mo na yung mga regalo mo sa kanya ha.”
“Okey lang yun, Emy. Okey lang yun.” Paulit-ulit niyang sinasabi sa kanyang sarili habang nasa loob siya ng kanyang kuwarto at nagbabasa ng libro.
Kahit sa kalagitnaan ng kanyang pag-aaral ay di pa rin maiwasan ni Emy na isipin ang kinahinatnan ni Berna. Pangarap din niya yun, isa nga iyon sa gusto niyang mangyari sa buhay niya, ang makapunta sa ibang bansa at magpractice doon ng profession niya. Kahit ilang beses niyang sabihin sa kanyang sarili na okey lang at wag na siyang manghinayang ay di pa rin maalis sa kanya ang salitang “What if?” What if nga kung hindi siya nabuntis agad, siguro ay pareho na sila ngayon ni Berna na pupuntang Singapore upang mag-OJT. Siguro ay madali niyang matutupad ang pangarap niya, ang maging matagumpay sa ibang bansa.
“Oh bakit parang ang lalim ng iniisip mo?” tanong sa kanya ni Nathan nang lumabas ito ng banyo upang magshower.
“Amm… naisip ko lang… what if kung di ako nabuntis? Mamahalin mo kaya ako?”
Nagkibit balikat si Nathan, “Ewan ko. Basta ang alam ko, kung hindi ka nabuntis, malamang sa condo pa rin ako nakatira at inienjoy ang pagiging independent ko, malamang wala tayong masyadong chance na makilala ang isa’t isa kasi hindi tayo nakatira sa iisang bahay at natutulog sa iisang kuwarto di ba? Kaya I think its fate. “
“Fate?”
“Itinakda talaga ng Diyos na mabuntis ka, kasi itinakda rin Niya ang mahalin natin ang isa’t isa. Bakit nagsisi ka ba sa mga nangyari sayo?”
“Honestly, nanghihinayang din ako sa opportunity na pwedeng dumating sa akin kung sakaling hindi ako preggy ngayon, pero…”
“Pero…”
Ngumiti si Emy at kinurot ang pisngi ni Nathan, “Mahal na kasi kita eh at ang magiging baby natin.”
“Nakakakilig naman yun.” Ang sabi ni Nathan, “Halika na nga matulog na tayo at may schedule pa tayo sa doctor bukas.”
Tumango si Emy, inilapag niya ang librong hawak sa side table at saka yumakap sa asawa upang matulog.
Malaki rin pala ang mawawala sa akin kung sakaling hindi dumating sa amin ang baby na ito.

BINABASA MO ANG
NINE MONTHS
Romance9 MONTHS Kaya mo bang magmahal ng isang taong hindi mo talaga kilala? Hindi nila akalain na ang kanilang unang pagkikita ang magpapabago ng lahat sa kanila. Naging mapusok sina Emy at Nathan sa kanilang unang pagkikita at di nila akalain na magb...