2.6

16.4K 157 10
                                    

“Were ba..” napahinto si Nathan nang makita sa salas nila ang isang lalaki na may dalang bulaklak.

                “Sino ka?” ang tanong niya sa lalaki at napatingin din si Emy sa lalaking yun.

                “Hey Kuya, Ate Emy, andiyan nap ala kayo.” Ang sabi ni Myleen na kababa lang ng hagdanan.

                Tumayo ang lalaki at nag-bow sa mag-asawa, “Magandang gabi po.”

                “Sino ba to?” ang tanong ni Nathan sa kanyang kapatid.

                “Am si JB Kuya, classmate ko sa isang subject.”

                “Classmate mo sa isang subject eh may dalang bulaklak, don’t tell na sa dala niyang yan group study ang pakay niya rito.” Ang sabat uli ni Nathan.

                “Congressman, ang totoo  po niyan…”

                “Ang advanced mo naman iho.” Ang sabi ni Emy, “Hindi pa Congressman ang asawa ko.”

                “Am, para po kasi sa akin panalo na kayo Kuya Nathan.” Ang sagot ng JB.

                “Uy Kumu- Kuya Nathan ka talaga ha.. Dude basketball player ka ba? Binibola mo ba ako ha?”    

                “Okey Kuya, JB is courting me.” Ang sabi ni Myleen.

                “Courting what? Ang ibig mong sabihin nililigawan ka ng kumag na ito?!”

                Pinagmasdan ni Nathan si JB mula ulo hanggang paa. Payat ang lalaking ito, hindi lang payat kundi patpatin pa, medyo kulang din sa height at may kaitiman.

                Ngumiti sa kanya si JB, “Pasado ba ako sa inyo Kuya Congressman?” at nagthumbs up si JB sa kanya.

                “Ano nakain mo at nagpaligaw ka ron ha Myleen?” ang tanong ni Nathan sa kanyang kapatid habang kumukuha ito ng pagkain sa kusina.

                “Kuya mabait naman si JB, may sense of humor, masarap kasama.”

                “So naiinlove ka na sa kumag na yun?” isa pang tanong ni Nathan sa kapatid.

                “Am… hindi naman siya mahirap mahalin Kuya, I love his company.” Ang sagot ni Myleen.

                “Tinamaan na! So balak mo ng sagutin yung Patpatin mong manliligaw nay un?”

                Ngumiti si Myleen sa kanya, “I do like JB kuya… pero… sa tuwing naalala ko ang naging sitwasyon niyo noon ni Ate Emy… siguro dapat isantabi ko muna ang nararamdaman ko for JB. I decide to finished my studies first, have a stable job before getting into a relationship.”

                “Good…”

                “Kuya sa totoo lang I learned a lot from you, kayo ni Ate Emy, mahirap pumasok sa isang relasyon na wala sa tamang oras. Di ba kuya, kung love naman ako ni JB he will still wait for me?”

                “Yah, that’s right katulad ng ginawa ko sa Ate Emy mo. I wait for her, hinintay ko yung kahandaan niyang sumama sa akin ulit.”

                “Kuya I believe that true love waits at kung talagang kami ni JB for each other… kahit gaano katagal, kahit na anong mangyari our love will still remain.” Ang sabi ni Myleen.

NINE MONTHSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon