“Congratulations!” ang bati sa kanya ng mga dumalo sa opening ng kanyang Filipino Cuisine Restaurant sa Isabela na “Kainan na!” at ang kanyang mismong biyenan na dating senador ang nagcut ng ribbon ng restaurant. Nagdatingan din sa nasabing okasyon ang ibang kilalang tao sa media at press people na gustong masaksihan ang sinasabi nilang “ The restaurant that reflects Filipino People.”
“Ms. Emy, we heard na manager ka na sa Singapore pero bakit mo mas piniling umuwi ng Pilipinas at itayo ang restaurant na ito?” ang tanong ng nagiinterview sa kanya na press.
Napangiti si Emy sa tanong na iyon. Wala rin sa pangarap niya non ang makapagtayo ng ganong klaseng restaurant, ang alam niya lang non ay kaya siya kumuha ng HRM ay upang makapagtrabaho sa ibang bansa.
“Alam niyo po kasi nong nasa Singapore ako, nong napapansin ng mga Singaporeans yung galing ko sa pagmamanage ng isang restaurant, naisip ko, bakit andito ako sa bansang ito? Bakit sa isang foreign country ko ginagamit yung talentong binigay sa akin ng Diyos? Nag-ipon ako sa Singapore at nang makaipon na ako ay ginamit ko yun bilang investment sa pagpapatayo sa restaurant na ito.”
“Emy, how do you come up with this kind of concept?”
“Ang lahat ng bagay ay may dahilan.” Ang sagot ni Emy sa interviewer, “Noong college ako, Filipino Cuisine Restaurant ang pinagawa sa aking research paper ng napakaistrikto kong prof na iyon. I still remember kung gaano ko pinaghirapan at pinagpuyatan yung project nay un, tapos na corrupt yung file ng term paper ko kaya ilang beses akong nagresearch at pinag-aralan ang Filipino Cuisine for two weeks hanggang sa na-inspire ako at naging interesado sa Filipino restaurant”
“Thanks for the interview, Emy.” At shinake hands siya ng interviewer.
“Thanks also for featuring us.” Ang sabi naman ni Emy sa kanya.
Nang matapos ang interview ay tinignan ni Emy ang paligid ng restaurant niya. Marami pa ring tao, mukhang marami ang nasiyahan sa event na iyon. Marami ang nabusog sa mga putaheng inihanda ng kanyang team at marami ang naka-appreciate sa kanyang ginawa.
Andon ang lahat, ang mga kaibigan niya, schoolmates, professors at teachers niya, mga kapitbahay niya, mga kamag-anak, si Berna na lumuwas pa mula Singapore, ang nanay niya, ang Mama Zeny niya, si Former Senator, Si Myleen… mukhang isa na lang ang kulang.
At sa dami pa naman ng pwedeng magkulang ay bakit siya pa…
Ang pinakamahalagang lalaki sa buhay niya.
“Emy, mauna na akong umuwi ha, sasabay na ako sa mga pinsan mo.” ang paalam ni Rosa makatapos nitong tulungan ang anak sa pagaasikaso ng event.
‘Sige po Nang, magpahinga na kayo, ako na po ang bahala dito. Kaya ko naman pong umuwing mag-isa.” Ang sagot niya rito habang nagcocompute ng mga kinita niya.
“Sige, ingat sa pag-uwi ha.” At lumabas ng restaurant na iyon ang kanyang ina kasama ang iba nilang kamag-anak.
Napatingin siya sa calculator na gamit-gamit niya. Parang ito rin yung calcu na binigay ko sa kanya non. Buo pa kaya yun? Napailing si Emy, “Baka hindi na. Wala na siguro yung pakialam sa akin, kung mahalaga pa ako sa kanya eh bakit pagpunta lang dito hindi niya magawa! Hindi talaga siya maasahan!”
Nagulat si Emy ng magring ang celphone niya at agad niyang sinagot yun, “Hello?”
‘Congrats!” pamilyar sa kanya ang boses nay un. Ang bwisit na ito!
BINABASA MO ANG
NINE MONTHS
Romance9 MONTHS Kaya mo bang magmahal ng isang taong hindi mo talaga kilala? Hindi nila akalain na ang kanilang unang pagkikita ang magpapabago ng lahat sa kanila. Naging mapusok sina Emy at Nathan sa kanilang unang pagkikita at di nila akalain na magb...