CHAPTER 16

23.9K 227 29
                                    

Nang gabing iyon ay di magawang matulog ni Emy katabi ang asawa dahil alam niyang galit pa ito sa kanya kaya doon muna siya sa kuwarto ng kanyang ina natulog.

            “Iniisip mo ba siya?” tanong ng kanyang ina sa kanya nang mapansin nitong parang may malalim na iniisip ang kanyang anak.

            “Anak, ilang hakbang lang ang layo mo sa kanya, pwede mo siyang puntahan.”

            “Tama rin siguro Nang na namatay ang anak namin.”

            “Bakit mo naman nasabi yan?”

            “Siguro ginusto rin yun ng Diyos, kasi pareho lang kaming hindi pa handa maging mabuting ina at ama.”

            “Nagsisi ka ba at nagpakasal ka kaya mo naisipang mag-training sa abroad?”

            “Nang, kung meron mang akong isang bagay na di ko kayang pagsisihan ay yun ang pagsasama namin ni Nathan dahil kahit naging mahirap sa amin ang lahat ay madami naman akong natutunan. Natuto akong mag-adjust, magpakatatag, humarap sa pagsubok at natuto rin akong magmahal.  Kaya lang hindi pala sapat ang pagmamahal upang mag-survive ang isang relasyon, pero kailangan ng isang relasyon ng pagmamahal para magsurvive siya.”

            “Pero anak… ang concern lang kasi ng asawa mo ay hindi ka nagpaalam sa kanya, nagdesisyon kang mag-isa.”

            “Dahil alam kong hindi siya papayag at baka sumunod lang ako sa kanya kapag pinigilan niya ako.” Ang sagot ni Emy sa kanyang ina, “Nang, mahal ko yung taong yun, inaamin ko hindi ko rin siya kayang tiisin. Alam ko, sa pag-alis ko, isa siya sa pinakamamimiss ko at hahanap-hanapin ko ron.”

            Pagpasok ni Nathan sa kanilang kuwarto ay naabutan niya ron si Emy na nag-aayos na ng kanyang gamit at maleta.

            “Tuloy na tuloy ka na noh.”

            Tumango si Emy.

            “Hindi ka na magpapapigil?”

            Ngiti lang ang isinagot niya kay Nathan.

            “Ihahatid kita sa airport dahil umaasa ako hanggang sa pag-paapak mo sa eroplano ay magbabago ang isip mo.  Emy, please stay.”

            Hindi iyon pinansin ni Emy, nagpatuloy lang siya sa pag-aayos ng kanyang maleta.

            “Hindi ka ba natatakot? Kapag nawala ka pwedeng maghanap ako ng iba, pwede akong makabuntis ng ibang babae, pwede akong magloko. Kung iniisip mong ikaw lang ang pwede kong maging babae sa mundong ito nagkakamali ka. Kayang-kaya kitang palitan… pero sayo ko lang kayang magmahal ng ganito.”

            Inihinto ni Emy ang pag-aayos, nilapitan niya ang kanyang asawa at hinawakan ang mukha nito, “May tiwala ako sayo at sa pagmamahal mo.”

            “Akala mo lang ba ikaw lang ang may pangarap? May pangarap din ako! Pangarap kong magkaroon ng sarili kong pamilya kasama ka.”

            Kinuha ni Emy ang bag niya at binitbit ito, “Nathan, aasahan ko yan.” At lumabas siya ng kuwartong yun dala ang mga gamit niya.

           

            “Hello? Kuya where are you na ba? akala ko ba susunod ka sa amin dito sa airport. Hinihintay ka pa naman ni Ate Emy dito.” Ang sabi ng kanyang kapatid na si Myleen sa telepono.

            “Im sorry. Bigla kasing nagpa-group project yung prof namin eh. May meeting kami ng grupo.” Ang sagot ni Nathan sa kapatid habang sakay siya ng kanyang motor.

            “Hmp.. mas inuna mo pa yan kesa sa asawa mo. Ewan ko sayo kuya!”

            Nagulat si Nathan nang biglang binaba ng kapatid niya ang  telepono. Napatingin siya sa di kalayuan ng kinapaparadahan ng kanyang motor. Andoon si Emy at niyakap ang kanyang inang niya na si Rosa, ang mama niyang si Zeny pati na rin ang kanyang kapatid. Halatang nag-iiyakan sina Rosa at Emy habang nagpapaalam sa isa’t isa. Nakita niyang tumingin sa relos niya si Emy, kumaway sa mga kasama at pumasok na ng airport.

            Napayuko siya nang makitang papasok na si Emy sa airport, “Im sorry Emy, hanggang dito na lang ako, kasi kung magpapakita pa ako sayo baka hindi ko mapigilan ang sarili ko na pigilan ka.”

After Five Years…

           

            Lumabas ng banyo si Nathan na bagong paligo. Napangiti siya nang mapatingin siya sa wedding pictures nila ni Emy na naka lagay sa side table ng kanilang kama. Ilang taon na rin ang nakakaraan nang maghiwalay sila ng landas, nanatili siya sa Maynila habang ang asawa naman ay nagpunta sa Singapore upang mag OJT at nang Makita ang magandang performance niya sa restaurant na pinagtratrabuhan niya ron ay inabsorb na siya bilang regular employee at na promote pa bilang manager.

            Siya naman ay nagpatuloy at pinagbutihan ang pag-aaral sa Maynila hanggang sa makatapos siya ng kolehiyo at ngayon nga, katulad ng kanyang ama na dating senador ay nag-aaral na rin siya ng law at kasalukuyang nagtritraining sa law firm ng kanilang pamilya.

            Nagbihis siya ng Polo barong upang maghanda sa pagpasok sa opisina. Kinuha niya ang kanyang bag na araw-araw niyang dinadala sa opisina at binuklat ito. Kinakabahan siya nang mapansing parang may nawawala sa bag niya. Dali-dali siyang lumabas ng kuwarto niya at kinatok ang kuwarto ni Myleen.

            “Myleen, will you open this?”

            Binuksan ni Myleen ang pintuan ng kanyang kuwarto, “Kuya, what’s your problem? Nagrereview ako para sa final exams ko.”

            Pumasok si Nathan sa loob ng kuwartong iyon at dinampot ang isang mahalagang bagay na nakalagay sa kama ng kanyang kapatid.

            “Kinuha mo ito sa bag ko na hindi ka man lang nagpapaalam sa akin?”

            Natawa si Myleen sa naging reaction ng kanyang kuya, “Hey kuya, calculator lang yan, hinihiram ko lang, exam kasi namin sa Logarithm bukas.”

            “Ah ganon ba?” kinuha ni Nathan ang calculator at itinago yun sa bag niya, “Magpabili ka na lang kay Papa ng bagong calcu. Wag mo na itong galawin, mahirap na at baka masira mo pa.”

            “Grabe! Ang damot nito!” ang sabi ni Myleen, “Hey naku kuya you are really sounds crazy! Ang hirap naman kasi sayo, alam mo naman kung nasaan siya eh ba’t hindi mo pa puntahan?”

            Napahinto si Nathan sa sinabing iyon ng kanyang kapatid. Bakit nga ba hindi pa niya puntahan ang asawa? Sa pagkakaalam naman niya ay wala na silang problema nito, okey naman sila, nagbabatian tuwing may okasyon at updated naman sila sa isa’t isa. Pareho naman silang wala pang nagiging ibang girlfriend o boyfriend.. eh bakit para siyang natotorpe at nagdadalawang isip siya na lapitan ito?

            Napabuntong hininga siya, “Pwede ba Myleen? Wag mo nga akong pakialamanan!” at tuluyan na siyang lumabas sa kuwarto ng kanyang kapatid.

NINE MONTHSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon