CHAPTER 2

32.3K 265 9
                                    

2

            “Aw!” mahinang nabigkas ni Emy nang tumagan sa kanya ang katawan ng lalaki.

            Tinignan niya ang itsura nilang dalawa ni Nathan, alam niyang hindi iyon magandang tignan, “Am… Sir?”

            Isang malalim na paghinga ang tinugon sa kanya ng lalaki. Parang hindi niya alam na may isang mahinang babae na pala ang kanyang nadadaganan.

            Dahan-dahang itinaas ni Emy ang katawan ng lalaki pero tila napakabigat ni Nathan kaya napapasuko na lang siya sa pagtulak dito.

            “Ang bigat naman nito…” sinubukang kalabitin ni Emy ang lalaki.

            “Ano ba talagang gusto mo ha?”

            “Ang bigat niyo po…”

            Bahagyang itinaas ng lalaki ang kanyang ulo at inihilig yun sa balikat ni Emy, “Ang bango mo naman.”

            “Ah, ano po kasi…”

            Hindi na magawa ni Emy na magsalita ng maramdaman ang dampi ng labi ng lalaki sa kanyang balikat.

            “Am… Sir…” napapikit si Emy, alam niyang hindi maganda ang kahahantunan nito at kailangan niyang manlaban. Pilit niyang itinulak ang balikat ni Nathan palayo sa kanya pero malakas si Nathan, kahit anong tulak ni Emy sa kanya ay pilit pa rin niyang hinahalikan ang balikat ng dalaga.

            “Sir…”

            Hindi na nakapalag pa si Emy nang kunin ni Nathan ang dalawang braso niya na parang pinako na siya ng lalaki sa pagkahihiga nito sa kama niya.

            Ramdam na ramdam niya ang maiinit na labi ng lalaki na nasa kanyang balikat pataas patungo ng kanyang leeg. Napapikit muli siya, parang napakahina niya na upang manlaban pa, hindi dahil sa mahina na ang kanyang katawan kundi dahil mahina na ang kanyang emosyon na tanggihan pa ang lalaki.

            Ang kaninang mabahong amoy ng alak ng lalaki ay tila isang malakas na pabango sa kanya na kanyang nilalanghap habang hinahagkan siya nito. Maslalo niyang naramdaman ang espiritu ng alak sa lalaki ng naglapat na ang kanilang mga labi, tila mapait ito ngunit hindi niya mapagkakaila ang tamis na kanyang nararamdaman. Hindi siya makapaniwalang nagagawa niyang tugunin ang bawat paghalik nito sa kanyang labi. Hanggang sa di na niya namalayan na kusa niya ng ipinalupot ang kanyang braso sa batok ng lalaking iyon. Tulad ng lalaki ay para na rin siyang nalalasing, nalalasing sa sensasyong na kanyang nararamdaman.

            Tila para siyang nawawala sa kanyang sarili, parang hindi niya na kilala ang kanyang sarili, parang nawala siya sa mundong ginagalawan niya. Halos nakalimutan niya na ang lahat, ang kanyang assignments, ang pressure sa eskwela, ang kanyang scholarship at ang kanilang pangarap na mag-ina habang kahagkan niya ang lalaking iyon. Ang tanging umiikot lang sa pagkatao niya ay ang kanyang emosyon, ang init na kanyang nararamdaman habang binabaybay ng lalaking iyon ang kanyang kabuuan.

NINE MONTHSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon