"Honestly Congressman de Silva, youre baby is..."
"My baby is..."
"Youre baby is a bouncing and healthy baby boy!"
Napahawak sa ulo niya si Nathan at natawa sa sinabi ng Doc, "Wow Doc, pinakaba mo ako ron. Pero salamat talaga doc."
"As of now wala naman akong nakikitang abnormalities diyan sa anak mo. Youre son is good and actually he looks like you."
Biglang napatalon sa tuwa si Nathan, "Yes, Nathan ang galing mo!"
"Pwede ko na ho bang makita ang anak ko?"
"Sure yes you can."
Unti-unting idinilat ni Emy ang mga mata niya. Napangiti siya nang makita niya si Nathan at may kasamang nurse na bitbit ang anak nila.
"Ayan nab a siya?"
Lumapit ang nurse kay Emy at ipinakita ang bata, "Ang cute niya, nagmana sa tatay."
"Kasing pogi ka ba?'
Tumango si Emy.
"Pero alam mo ba kung anong mas nakakapogi sa kanya?"
"Ano yun?"
"Tignan mo yung mga mata niya, nakuha niya yun sayo. The most beautiful eyes that I ever seen in my whole life."
Napangiti si Emy nang makitang magkasing mata nga sila ng kanyang anak.
"Teka, nakapag-isip ka na ba ng pwede nating ipangalan sa kanya?" ang tanong ni Emy sa kanyang asawa.
"Wala pa nga eh, Angelo yung pangalan ng panganay natin so then why don't we call him Angelo Gabriel. Our another angel."
Ngumiti si Emy, "For sure matutuwa si Baby Angelo kapag nalaman niyang isinunod natin sa pangalan niya ang pangalan ng kapatid niya."
"For sure yun. Saka nga pala okey lang ba sayo kung after five months na lang natin pabinyagan si Angelo Gabriel?"
"After five months pa? Bakit naman?"
Ngumiti si Nathan sa kanya, "Malalaman mo kung bakit pagkalabas mo dito sa hospital."
Sinundo ni Nathan ang kanyang mag-ina pagkalabas nito sa hospital. Nagulat si Emy nang biglang hininto ni Nathan ang sasakyan niya sa isang bakanteng commercial building.
"Oh bakit tayo huminto rito?" ang tanong ni Emy sa kanya.
Ngumiti si Nathan sa kanya, lumabas ito ng sasakyan at pinagbuksan ng pinto ang kanyang mag-ina.
"Oh anong gagawin dito?"
"Anong gagawin natin dito?" at itinuro ni Nathan ang commercial building na iyon, "Ito ang gagawin natin. Itatayo mo sa building na ito ang dream restaurant mo."
"A-anong ibig mong sabihin? Ang building na ito..."
"Binili ko... para sayo. dahil gusto ko sa susunod na magtatayo ka ng dream restaurant mo dito sa Manila, yung malapit sa aming mag-ama mo."
"N-nathan... akala ko ba..."
"Ginawa ko lang naman yun non dahil concern ako sa maselang kalagayan mo. Pero napag-isip-isip ko importante rin naman sayo ang mga pangarap mo kaya para hindi ka na magkaroon ng problema tungkol sa dream restaurant mo at sa family mo... ginawan ko na lang ng paraan.. kaya ito, I bought this for you." Ang sabi ni Nathan, "Siguro after five months marerenovate na tong lugar nito, ang target ko nga is dito na natin gawin ang reception ng binyag ni Angelo Gabriel, okey bay un sayo?"
Hindi mapigilan ni Emy ang maiyak sa supresang binigay sa kanya ng kanyang asawa. Now she realized, that her husband is not unfair katulad ng iniisip niya non... her husband loved him so much... so much na higit pa sa nalalaman niya.
"Oh, Emy, bakit ka umiiyak? Tinatanong ko lang naman kung okey ba to sayo?"
"Nathan... napakasuwerte ko talaga sayo noh." Ang sabi ni Emy, "Masyadong mabait ang Diyos para ibigay ka niya sa akin."
Hinaplos ni Nathan ang buhok ng kanyang asawa, "Mabait talaga ng Diyos dahil pinaglapit niya ang puso nating dalawa." At hinalikan niya ang noo ng kanyang asawa.
"Na-email mo nab a yung mga iinvite mo sa binyagan at opening ng bago mon restaurant?" tanong ni Nathan kay Emy habang nag-iemail ito sa computer.
"Heto, ginagawa ko na." biglang napahinto si Emy, "Nathan... merong isang taong gusto kong imbitahin sana... kaya lang I don't know kung pupunta siya."
"Eh di i-email mo na rin. Dumating man siya o hindi ang importante di mo siya nakalimutan."
Ngumiti si Emy kay Nathan, "Tama, ang importante ay malaman niyang di ko siya nakalimutan."
Tumabi si Nathan sa kinauupuan ng kanyang asawa, "Emy..."
"Ohh..."
"Wala ka bang namimiss?"
"Ano namang mamimi..." napahinto si Emy at napangiti, "Hay naku Nathan alam ko na yang ibig mong sabihin."
"Naisip ko kasi naging masyado tayong busy sa work, sa restaurant at sa pag-aalaga kay Baby Angelo Gabriel kaya baka naman this time pwedeng..." at hinalikan ni Nathan ang balikat ng kanyang Misis.
Napangiti si Emy hinayaan niya lang ang kaniyang asawa na halikan siya sa parteng iyon ng kanyang katawan.
Napahawak si Nathan sa bewang ni Emy at sinimulan niyang halikan ang gilid ng leeg ng kanyang asawa.
Emy closed her eyes habang dinadama ang maiinit na dampi ng labi ni Nathan sa kanyang leeg.
Huminto sa paghalik si Nathan sa leeg ni Emy at hinarap niya ang kanyang asawa, "I love you Emy."
"I love you too Nathan." At saka niya binigyan ng mariin na halik ang kanyang kabiyak sa labi nito.
BINABASA MO ANG
NINE MONTHS
Romance9 MONTHS Kaya mo bang magmahal ng isang taong hindi mo talaga kilala? Hindi nila akalain na ang kanilang unang pagkikita ang magpapabago ng lahat sa kanila. Naging mapusok sina Emy at Nathan sa kanilang unang pagkikita at di nila akalain na magb...