Pagdating na pagdating sa bahay ni Emy ay agad na siyang nagkulong sa kanilang kuwarto dala ang mga librong hiniram sa library upang umpisahan na ang kanyang research paper.
Inabutan siya ng asawa na nagbabasa ng mga hiniram niyang libro.
“Sipag ah.”
“Kailangan eh. Hinahamon kasi ako ng Dra. De Castro na iyon.”
“Naiinggit lang sayo. Maganda ka kasing magbuntis.” At tinabihan nito ang asawa sa kama.
“Bola.”
Humiga si Nathan sa kama at hinihimig ang kantang “Happy Birthday”
“Nathan?”
“Oh.”
“Ang ingay mo naman eh, hindi ako makapagconcentrate sa binabasa ko.”
“Ito naman. Nagpaparinig lang naman ako. Ilang days na lang kasi birthday ko na at first time kong i-spend yung birthday ko na kasama ka. Excited lang naman ako.”
Napangiti si Emy sa sinabi ni Nathan, ‘Ano bang balak mo?”
Hinawakan ni Nathan ang kamay ng kabiyak, “Magdate naman tayo oh. Kumain tayo sa labas o di kaya manood ng sine. I want to spend that day with you.”
“Ang sweet naman. Okey sige pero… tatapusin ko muna itong research ko at saka ako makikipagdate sayo.”
“Sabi mo yan ha!’
Tumango si Emy.
“Sige.” Tumayo si Nathan, “Para hindi na kita maistorbo diyan at matapos mo na ang research mo, lalabas muna ako para makapag-aral ka ng mabuti. Magkita na lang tayo mamaya ha.” At hinalikan niya sa noo ang asawa, “Galingan mo ha!”
Ngumiti si Emy at masayang-masaya na lumabas ng kuwarto nila si Nathan.
“Anak ng tokwa naman, Nathan. Kanina pa tayo paikot-ikot dito sa department store ha, wala ka pa ring mapili.” Reklamo ng kaibigan ni Nathan habang namimili sila ng damit sa department store, “Kung makapaghanda ka sa birthday mo para kang magdedebut ha.”
“Ano ka ba? Kailangan ko talagang paghandaan ito. May date kami ni Misis.”
“Teka.. may date kamo kayo ni Misis? So we will not expect you in your birthday?”
“Correct. Saka na lang ako gigimik kasama ninyo, dahil first time kong magbirthday ng may asawa. I think I have to spend that special day with my special wife.” Pagmamalaki sinabi niya sa kanyang mga kaibigan.
“Special wife ha….”
Kinuha ni Nathan ang isang polo shirt, “I think I will get this. Kukunin ko na ito then doon naman tayo sa perfume section.”
“Pati perfume? Ano bay an? Honeymoon bay an. Hoy Nathan six months ng buntis ang asawa mo hindi na pwede yun.”
“Shut up. Okey.” Ang sabi niya sa mga kaibigan.
Nong gabi ng birthday ni Nathan ay maagang umuwi ang mag-asawa upang tuparin ang pangako nilang magdate.
![](https://img.wattpad.com/cover/1990606-288-k674826.jpg)
BINABASA MO ANG
NINE MONTHS
Romance9 MONTHS Kaya mo bang magmahal ng isang taong hindi mo talaga kilala? Hindi nila akalain na ang kanilang unang pagkikita ang magpapabago ng lahat sa kanila. Naging mapusok sina Emy at Nathan sa kanilang unang pagkikita at di nila akalain na magb...