CHAPTER THREE

29K 241 9
                                    

Nanginginig na kinuha ni Emy ang pregnancy test. Kinakabahan siya sa kalalabasan nito. Di niya sinasadyang mabitawan ang instrumentong iyon ng makita niya ang resulta. Positive. Nagdadalang tao siya.

Para siyang nasa kawalan habang binabaybay ang lobby ng kanilang eskwelahan. Hindi niya alam ang kanyang gagawin, nalilito siya. Paano na ako nito? Paano na si Inang? Paano na ang mga pangarap namin? Paulit-ulit na sumagi sa isipan niya ang mga tanong na iyon, para na siyang mababaliw sa pagkalito. Ano na nga bang gagawin niya sa buhay niya?

Napahinto siya nang makita niyang lumabas ng kanyang sasakyan si Nathan, agad niya itong tinawag at nilapitan.

"Nathan? Pwede ba tayong mag-usap?"

"Tungkol saan?"

"Yung wala sanang makakarinig. Kahit siguro sa loob na lang ng kotse mo."

"What! Are you sure?" hindi maiwasan ni Nathan na mailakas ang boses niya pagkatapos niyang marinig kay Emy ang balita nito.

"Sabi sa pregnancy test, pero gusto ko na ring magpakonsulta sa doctor, kaya nga lang natatakot akong magpunta sa doctor ng mag-isa, baka naman pwede mo akong samahan... tutal naman... in case... ikaw naman talaga ang tatay ng dinadala ko."

Napasandal si Nathan sa kinauupuan niya at inuntog ang ulo sa ulunan ng kanyang upuan, "Nakakainis! At paano kung sabihin ng doctor na buntis ka nga?"

"Ah eh... ewan ko. Nathan hindi ko rin alam ang gagawin noh. Parehas lang tayong lagot sa mga pamilya natin. Kaya nga magpapadoctor na ako eh, para mapag-usapan na natin ito. Please naman Nathan samahan mo na ako."

Hindi mapakali si Nathan sa lobby ng clinic na iyon habang hinihintay ang resulta ng pagpapacheck up ni Emy. Panay ang lakad niya sa lobby at napansin iyon ng ilang pasyente na nakapila rin sa nasabing clinic.

"Sir, baka gusto niyo namang umupo muna, kanina pa kayo paikot-ikot diyan eh, nahihilo ako sa inyo." Sabi ng isang nagdadalang tao na pasyente.

Tumigil sa paglalakad si Nathan at sa kanyang paghinto ay maslalong bumibilis ang tibok ng kanyang dibdib. Napatingin siya sa isang poster na nakadikit sa pader ng clinic na iyon. Isang larawan ng isang masayang pamilya, isang ama na nakangiti at isang ina na mukhang masayang-masaya habang akay-akay nito ang bagong silang niyang sanggol. Isang masayang pamilya, kaya kaya nilang bumuo ni Emy ng isang larawan ng masayang pamilya sa sitwasyon nila ngayon? Parehas pa silang bata ni Emy, dise-nuwebe anyos lang silang dalawa, may sari-sariling pangarap at hindi pa sawa sa pagiging binata at dalaga. Kung sakaling totoo ngang buntis si Emy ay paniguradong magiging kalbaryo ito sa kanilang dalawa.

"Mr. de Silva, tawag po kayo ni Doktora sa loob."

Agad nagtungo sa loob ng clinic si Nathan kung saan sinalubong siya ng may edad na doktora.

Ngumiti sa kanya ang doktora, "Congratulations Mr. de Silva."

Napangiti si Nathan at nakaramdaman ng kapayapaan sa sinabi ng doctor, "Thank God its negative."

"Negative? No Mr. de Silva. Tama ang pregnancy test, your wife is almost three weeks pregnant!"

Lumabas sa berdeng kurtina kung saan kapapalit niya lang ng suot niyang damit si Emy, " Sabi ko na nga ba, totoong buntis ako."

" Kaya nga lang sa tingin ko sa itsura ni Emy, mukhang maselan siyang magbuntis, kaya dapat alagaan mo siyang mabuti. Reresetahan ko na lang kayo ng mga gamot na pwede niyang inumin, gatas at mga pagkain dapat niyang kainin at dapat niyang iwasan."

Nagsimulang isulat ng doctor ang kanyang reseta kay Emy at habang nagsusulat ito ay ramdam ng dalawa ang disappointment sa nakumpirmang balita.

"Ma'm Zeny, naplantsa ko na po yung mga polo ni Senator, may ipag-uutos pa po ba kayo?" ang tanong ni Rosa sa kanyang amo na si Zeny habang busy ito sa pag-papapedicure ng kanyang kuko.

NINE MONTHSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon