1
“Were back!” ang sabi ni Nathan habang dala-dala ang mga gamit nila ni Emy galing sa kanilang Honeymoon.
“Oh may nabuo nab a?” ang tanong ng ina Nathan sa kanya.
“We still don’t know…” niyakap ni Nathan ang likuran ni Emy at hinaplos ang tiyan nito, “Pero malay natin.”
“Hay ikaw talaga Nathan.” At umiling si Emy.
“Malay natin ilang beses din..”
Biglang tinakpan ni Emy ang bibig ng asawa at binulungan ito, “Ang daldal mo.”
Napapangiti si Zeny sa dalawa na alam kung ano ang ibig sabihin ng kanyang anak.
“I know you both are already tired kaya nagpahanda na ako ng pagkain sa inyo.”
Agad na napatakbo si Nathan sa dining room, ‘Wow, na-miss ko yung luto ni Manang.” Umupo agad siya sa dining table at kumuha ng paborito niyang Lengua at Kare-kare.”
“Hindi mo na ako hinintay…” at umupo si Emy sa tabi niya.
Ngumiti si Nathan sa kanya at kinurot ang pisngi nito, “Sorry, gutom na kasi ako at na-miss ko talaga ang luto ni Manang.” Bilang bawi ay kinuha agad ni Nathan ang isang plato ng kanin at nilagyan ng kanin ang plato ng asawa niya, “Oh anong gusto mong ulam?”
“Kahit na ano diyan.” Ang sagot ni Emy sa kanya.
Parehong kumuha ng Kare-kare at Lengua si Nathan at inilagay so plato ni Emy, “Enjoy your food.” At saka nagpatuloy sa pagkain si Nathan.
Napangiti si Emy sa kanya, “Para ka pa rin talagang bata Nathan.” Pero infairness sensitive na siya…
“Ready ka na? Alam ko na miss mo na ito…” ang bulong ni Nathan sa kanya.
Ngumiti si Emy sa kanya, “Sira..”
Pinihit ni Nathan ang pintuan ng kuwartong iyon at napangiti si Emy nang makita ang ayis ng kuwarto. Noon, dahil biglaan ang pagsasama nila ni Nathan ay para paring kuwarto ng lalaki ang kuwarto na iyon at ngayon sa kanyang pagbabalik sa kuwartong yun ay di siya makapaniwala sa bagong itsura non.
Nagmukha na itong kuwarto ng tunay na mag-asawa! May kurtinang kulay peach ang mga bintana na dati nama’y wala. Ang dating panglalaking kulay ng kobre kama ay ngayo’y napalita na ng kulay peach at white at nadagdagan pa ang mga unan.
“And Emy, this is my surprise for you…” inalis ni Nathan ang talukbong na kumot sa isang bagay na iyon.
Napanganga si Emy nang makita ang supresa ng kanyang asawa… isang tokador (dresser) para sa kanya. Umupo si Emy sa harap ng dresser at pinagmasdan ang itsura niya sa salamin.
“Wow ang ganda naman nito Nathan.”
“Naisip ko talagang maglagay ng ganyan dito sa kuwarto ko para araw-araw ay makikita ng asawa ko kung gaano siya kaganda.”
BINABASA MO ANG
NINE MONTHS
Roman d'amour9 MONTHS Kaya mo bang magmahal ng isang taong hindi mo talaga kilala? Hindi nila akalain na ang kanilang unang pagkikita ang magpapabago ng lahat sa kanila. Naging mapusok sina Emy at Nathan sa kanilang unang pagkikita at di nila akalain na magb...