2.
“Grabe, ang dami pala talagang gusto ng powers noh.” Ang sabi ni Nathan habang bumaba ng sasakyan nila.
“Nathan, si Governor Hermosa…”
“Oh what about him?”
“Di ba may pamilya yun?”
Tumango si Nathan, “Yah, pero madaming pamilya yun, ang dami kayang babae non, palibhasa kasi makapangyarihan talaga yun sa lugar nila, marami ngang takot kumalaban don kaya laging sila ng pamilya nila ang nanalo sa eleksyon.”
“Ah…”
“Oh bakit mo naman natanong si Governor Hermosa? Na-star struck ka ba sa kanya kanina?”
“H-hindi naman, naisip ko lang.”
Inakbayan ni Nathan ang asawa, “Wag ka ngang ma-star struck mas mukha naman akong artistahin kesa sa matandang yun.”
“Ganon?”
“Oo naman, buti nga kinasal tayo agad kundi baka tuluyan na akong nag-artista.” Ang ngumiti ito sa kanya.
“Artista talaga noh.” At biglang hinila ni Emy ang kuhelyo ng polo ni Nathan palapit sa kanya, “Buti na lang hindi ka natuloy na mag-artista, dahil kung hindi for sure madami akong magiging kahati sayo..”
“Emy, kahit pa pag-agawan ako ng mga babae ngayon… ikaw pa rin ang pipiliin ko.”
Ngumiti si Emy at binigyan ng smack si Nathan sa labi, “Hay halika na nga sa loob.”
“Ano sa tingin mo Manang mas masarap itong seasoning na ito?” ang tanong niya sa kanilang cook habang nagpapasama siya rito sa paggrogrocery.
“Naku Mam, masarap po yan.”
“Sige, try ko ito Manang, tapos kapag masarap ito baka kausapin ko yung manufacturer para makapagsupply sila sa restaurant.” Ang sabi niya rito.
Napahinto si Emy nang makita niya si Janica na naglalakad din sa grocery at may kasunod na mga bodyguards.
“Teka, Manang…” dali-daling lumapit si Emy kay Janica.
“Janica!”
Biglang humarang sa kanya ang mga bodyguards ni Janica.
Napailing si Janica, “Hay kahit kailan stress ka talaga babae ka. Hayaan niyo siya, kilala ko yan asawa yan ng anak ni Senator de Silva.”
At bumalik ang mga bodyguards sa likuran ni Janica.
Napahawak si Emy sa dibdib niya, “Grabe Janica, natakot ako sa mga galamay mo.”
“Kasi naman… sugudera ka kasi.”
“Natutuwa lang naman ako at nakita kita rito.”
“Pwes ako hindi.” Ang sabi ni Janica.
“Siya nga pala, paano ka nagkaroon ng madaming bodyguards?” ang tanong sa kanya ni Emy.
Inayos ni Janica ang suot niyang minidress, “Protective lang ang boyfriend ko sa akin. Alam mo na, natatakot lang siya na baka kung ano ang mangyari sa sweetheart niya. Maganda at…” tinoss ni Janica ang buhok niya, “Sexy kasi ako.” Sabay irap kay Emy.
Ngumiti sa kanya si EMy, “Wala ka pa rin talagang pinagbago Janica.”
“Teka, kumain na ba kayo, gusto niyo bang i-treat ko kayo sa isang high class na restaurant.”
Nagkatinginan si Emy at ang cook niya, “Oo naman, masarap kayang kumain ng libre sa isang high class na restaurant.”
Kahit mataas na ang estado sa buhay ni Emy ay di pa rin siya sanay kumain sag anon ka mahal at high class na restaurant. Naiilang siya sa mga ibang sosyal at kilalang tao na kumakain ng restaurant na iyon.
“Don’t tell me Emy na until now hindi ka pa rin sanay sa ganitong buhay.” Ang sabi ni Janica habang naninigarilyo ito.
“Am… hindi naman kasi kami madalas kumain sa labas ni Nathan. Sanay kasi kami sa pagkain ng restaurant ko at sa mga luto ni Manang.” Ang sagot ni Emy sa kanya.
“Poor you, kaya pala kahit ano na ang narating mo ganyan ka pa rin… you still the poor Emy na nabuntis na ni Nathan non.”
Ngumiti lang si Emy at tumango kay Janica.
“Am, teka Janica, maghuhugas lang ako ng kamay sa CR.” At tumayo si Emy at nagtungo ng CR.
Bago niya buksan ang pintuan ng CR ay may narinig siyang dalawang babaeng nag-uusap sa loob nito.
“Have you seen the girl in the another table, the one who is wearing red minidress.”
“Yah, yung malakas manigarilyo at ang kapal magmake up. Grabe noh, ang daming bodyguards.”
“Paano hindi magkakaroon ng bodyguards yun, eh mistress ni Governor Hermosa yun.”
“Oh really, he’s the mistress of that Dirty Old Man?!”
“Di ba.. that girl… she’s so kadiri, he makes patol with that DOM for money.”
Dahil sa mga naririnig niya sa loob ng CR ay naisipan na lang ni Emy na wag tumuloy don. Pagtalikod niya sa pintuan ay nagulat siya nang makitang nakatayo rin katabi niya si Janica, nangingiyak at narinig din ang pinag-uusapan ng dalawang babae sa loob ng CR.
“Janica…”
“Alam mo ba kung anong tawag sa mga tsismosang yan? Isang malalaking inggitera, naiinggit lang sila sa kalagayan ko ngayon kaya nagsa-sour grapes sila ng ganyan.” At naglakad si Janica pabalik ng table nila, sinundan naman siya ni Emy.
“Janica, wag mo na lang dibdibin ang mga sinabi nila.”
“Of course not, anong akala mo sa akin? Ganon kadaling magpadala sa mga tsismosang yan.”
Napayuko si Emy, “Janica, alam kong may galit ka pa rin sa akin ng dahil kay Nathan, pero kahit na ganon concern pa rin naman ako sayo, hindi ka pwede kumawala kay…”
Napasuntok si Janica sa mesa, ‘Shet Emy, you can say that easily dahil wala ka sa posisyon ko. Alam mo ba kung bakit bad trip na bad trip ako sayo, dahil ikaw, madali mong makuha ang mga bagay na gusto ko. Napakasuwerte mo nga naman Emy noh, imagine natabihan mo lang si Nathan sa kama after that asawa ka niya na. Samantalang ako, kung kani-kanino ko na binigay ang sarili ko pero wala pa rin.”
“Janica oo nga, nakuha ko agad si Nathan pero sa akala mo ba naging madali ang lahat sa aming dalawa? Ilang taon pa ang hinintay naming bago naayos ang lahat sa amin.”
Tumayo si Janica at nilapitan siya ng mga bodyguards niya, “Ay naku, ang tigas din kasi ng ulo ko eh, bad trip na nga ako sayo niyaya pa kitang kumain dito, nagregret tuloy ako, sana pala hindi na lang.” tinawag niya ang kanyang mga bodyguards at lumabas sila ng restaurant na iyon.
BINABASA MO ANG
NINE MONTHS
Romance9 MONTHS Kaya mo bang magmahal ng isang taong hindi mo talaga kilala? Hindi nila akalain na ang kanilang unang pagkikita ang magpapabago ng lahat sa kanila. Naging mapusok sina Emy at Nathan sa kanilang unang pagkikita at di nila akalain na magb...
