2.5

16.7K 154 11
                                        

Dahil sa dalawang dosenang bisita ang biglang kumain sa restaurant at kulang sa tauhan sa restaurant ay pati si Emy ay napilitang tumulong sa restaurant sa pamamagitan nang paghuhugas ng pinggan.

                “Ako na ang bahala rito.” Ang sabi ni Emy sa manager.

                “Madam, sigurado ho ba kayo?”

                Pinagmasdan nila Emy at Nathan ang tambak na hugasin sa lababong yun. Greasy na kaldero’t mga kawali, ilang maduduming pinggan, platito, kutsara’t tinidor at iba pa.

                “O-oo naman, sige basta pagbutihan niyo na lang ang trabaho niyo, ako na ang bahala rito.”

                “Naku, madam nakakahiya naman, ang pinaghugas pa namin ng pinggan yung may-ari nitong restaurant.”

                Kinuha ni Emy ang mga baso at simulang pahiran ito ng sponge na may sabon, “Ayo slang yun, nong nagtratrabaho ako sa Singapore higit pa rito ang mga hinuhugasan ko. Ganon talaga kapag gusto mong umasenso, hindi pwede ang maarte at maselan, kung kailan mong gumawa nang katulad ng ganito, eh di gawin. Ay wag niyo na akong alalahanin kaya ko na to.” Ang sabi niya sa manager.

                “S-sige po Mam, kayo pong ang bahala, aasikasuhin ko lang po yung mga bisita sa labas.”

                “Sige, mabuti pa yan.”

                Nang lumabas na sa kusina ang manager ay nagpatuloy sa paghuhugas ng pinggan si Emy. Tumabi sa kanya sa may lababo si Nathan at sinabunan din ang iba pang mga baso.

                “Uy, Nathan, ano yang ginagawa mo?” nagulat si Emy nang humawak ng spongha si Nathan, alam niyang hindi nito Gawain ang magtrabaho sa bahay.

                “Tinutulungan ko ang misis ko.”

                “Pero hindi ka naman marunong nito eh.”

                “Eh anong ginagawa mo riyan? Eh di turuan mo ako.” Ang sabi ni Nathan.

                “Sigurado ka ba?”

                “Oo naman, dib a kaya ako andito para suportahan ka? Kaya heto tinutulungan ko rin kayo rito sa restaurant.”

                Napangiti si Emy sa sinabi ng kanyang asawa.

                “Oh anong ningingiti-ngiti mo pa riyan? Nasabunan ko na itong mga to, ano nang next step?”

                Biglang ini-smack ni Emy si Nathan, “Wala lang, natutuwa lang ako sayo. Ang sweet mo kasi eh.”

                ‘Ikaw talaga… mamaya mo na akong akitin pwede ba? Kailangan na nating madaliin ito, o paano ba natin ito babanlawan na.”

                Kumuha si Emy ng isa pang batyang may tubig upang banlawaan ang mga hinugasan nila.

                “Yes sir, what’s your order?” ang tanong ni Nathan sa isang Hapon na guest sa restaurant.

                “Want a, Sushi!” ang sagot ng hapon.

                Napakamot sa ulo niya si Nathan, “Sir, Im sorry sir but this is not a Japanese restaurant, we are not serving Sushi here.”

                “Oh…” at napailing ang Hapon, “What foods I can eat here?”

                “Sir you can try are Suman.” Ang sagot ni Nathan.

NINE MONTHSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon