CHAPTER 11

25.7K 218 29
                                    

Habang sumusubo ng pagkain sina Nathan at Emy ay napansin ni Nathan na parang maputla ang kanyang misis at wala itong ganang kumain.

            “Emy, okey ka lang? Nahihilo ka ba?”

            Umiling si Emy, “Nathan, natatakot ako?”

            “Natatakot saan?”

            Tinignan ni Emy si Janica na kasalukuyang kausap pa rin si Patrick, “Natatakot ako sa pwedeng gawin sa akin ni Janica.”

            “Iniisip mo ba na baka pahiyain ka uli niya?” hinawakan ni Nathan ang kamay ng asawa, “Don’t worry hindi ko hahayaan na pahiyain ka niya sa mga tao.”

            Napangiti si Emy, kahit papano ay sa mga salita ng kanyang mister ay nakaramdam siya comfort at security dito.

            Lumabas ng Ladies CR si Emy nang makasalubong niya si Janica sa lobby nito.

            “Hi!”

            “J-janica.” Nakaramdam ng takot si Emy parang gusto niyang tumakbo at hanapin ang asawa.

            “Oh ba’t parang takot ka yata? Hindi naman ako nangangain ha?”

            Hindi ka nga nangangain, namamahiya nga lang.

            “Ano bang kailangan mo?”

            “Wala naman, parang may kulang lang kasi sa attire mo ngayon.”

            “Anong kulang?”

            Kinuha ni Janica ang isang baso ng wine at akmang ibubuhos yun kay Emy ngunit bago pa mangyari yun ay may isang kamay ang biglang umagaw sa isang baso ng wine na iyon.

            “Excuse me, miss.”

            Napangiti si Emy nang makita ang kanyang hipag na si Myleen na inagaw ang baso ng wine na iyon kay Janica, “Ang wine hindi tinatapon, kundi iniinom.” At saka ininom ni Myleen ang laman ng basong iyon, “Ang sarap pala. Sayang naman kung itatapon mo.” at binalik ni Myleen ang basong iyon kay Janica.

            “Ate halika na, mag-uumpisa na ang ball.” At hinila niya palayo kay Janica si Emy.

            “Myleen, salamat ha.”

            “Wag ka sa aking magpasalamat ate, kundi kay kuya. Naisip niyang pwede kang sundan ng babaeng yun sa CR kaya pinasunod niya ako sayo.”

            Napangiti si Emy. Grabe, maasahan ko talaga si Nathan.

            “Kuya!” at lumapit si Myleen sa kanyang kapatid, “You owe me a one pair of shoes kuya. Prinotektahan ko ang asawa mo laban sa malditang babaeng yun.”

            ‘Talaga?”

            “Oo kuya, kaya bigyan mo na ako ng pambili ng shoes.” At inabot ni Myleen ang kanyang palad sa kanyang kapatid.

            “Sige mamaya sa bahay na lang kita aabutan.”

            “Hoy promise yan ha!”

            “Sige na.”

            At masayang iniwan sila ni Myleen.

NINE MONTHSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon