-Maine-
I watch Yyo crawling on his playpen laid out in my living room. Happily throwing his toys everywhere. He turned 8 months today.
Yyo is a wonderful baby. He is everything that Rj wished for to be. Jolly, malambing and very charming. Just like him. Nung una ko syang mahawakan parang nakakatakot, kasi andami kong nararamdaman ng sabay sabay. Masaya, malungkot at masakit.
" Amy!"
I was pulled out of my thought bubble when Yyo crawl infront of me and held out his arms to be carried.
" Yes, Yyo? Hungry again? "
I gave him his milk bottle and sway him in my arms. But even before he fall asleep, the door bell rang.
Karga padin si Yyo ay lumapit ako sa pinto para iyon buksan.
" Hi! Sorry mejo naging buong araw ung half day."
Bungad agad ni Rj pagbukas ko ng pinto. Galing sya sa meeting kasama ang mga Restaurant Manager ng mga restaurant business nya.
Agad at maingat na kinuha nya sa mga bisig ko si Yyo. Niyakap yakap at hinalik-halikan. Naiiling na hinila ko silang mag-ama papasok sa condo. Nakasunod naman agad ang Yaya ni Yyo na agad na niligpit at inayos ang mga gamit ni Yyo habang niyaya ko sa kusina si Rj para kumain.
Tama nga sila when they said that Rj will be a good father. Because I get to see how a great father he had become to Yyo.
" Kamusta naman ang meeting?"
Nag- uusap kami habang sinusubuan ko sya dahil alam kong hindi nya bibitawan si Yyo.
" Okay naman! pero ayun, hindi pa pwedeng mag franchise ulit kasi komplikado pa. Kamusta naman si Yyo?"
And again, I saw the same love I used to see whenever we talked about children before.
" Okay naman. Lumabas kami kanina kasi kailangan ko kitain si Ate. Pero sandali lang naman kami."
" Behave naman sya?"
" Yep! always."
I was just about to ask more about his day when, Ate Gina, Yyo's Nanny came.
" Sir, okay na po ang gamit ni Yyo."
" Ah, sige pakibaba na sa sasakyan,susunod na kame."
" Dito nalang kaya kayo magpalipas? Kawawa naman si Yyo, gabing gabi na."
" Naku, hahanapin to ng Lolo nya bukas ng umaga. Weekend pa, siguradong bahay lang sila Rizza bukas."
" Ganun ba?"
" Hay, malungkot nanaman si Amy ni Yyo. Gusto mo sunduin kita bukas?"
" Baliw! uuwi din ako bukas."
" Tignan mo to.."
" Okay lang. Weekend is family day di ba?"
" Menggay, you're a family. Ikaw and Amy ni Yyo."
Tipid akong ngumiti at tinignan lang silang dalawa. Hanggang oras na para umalis sila.
" Mag- iingat. Wag kalimutan ilagay si Yyo sa car seat."
" Eh, mas gusto kong karga sya eh."
" Rj, pagod ka. Baka makatulog ka nanaman at mahulog ulit si Yyo. "
Isang beses na isinama ni Rj si Yyo sa Bulaga at ginabi ng uwi ang mga ito, aksidenteng nakatulog si Rj sa sasakyan habang nasa byahe pauwi at nahulog si Yyo sa sahifg ng sasakyan dahil ayaw nya itong iupo sa carseat nito.
" Oo na. Ikaw, matulog agad. Wag ng magpupuyat. Wag ka ng bumaba. Mag lock kang mabuti."
" Oo na. Sige na. Its getting late."
I gave him a buss in the cheek while he gave me a gentle kiss on the forehead. I kiss Yyo's hair and cheek before they go.
After that, as I lay down my bed, alone, cold and lonely, I got to ask myself again why it had to be like this before I realize the chances that I had missed.
As I stare at my mobile fone, scrolling my gallery with Rj, Yyo and me in every picture, ramdam ko yung mga maling desisyong nagawa ko noon, yung mga pagkakataon na sana, naghintay pa ko. Sana umintindi pako. Sana mas nagmahal pa ko. Habang tinititigan ko ang mga larawan ni Rj na masayang masaya habang karga si Yyo. Ito ang buhay na sana meron ako, kung hindi ako nagmadali, masayang buhay kasama si Rj. At siguro, kasama si Yyo na sana ay anak ko din.
Ang daming sana pero alam kong malabo ng mangyari kasi, hindi naman ako yung bumuo kay Rj. Ako pa nga yung nangwasak sa kanya eh. Ako pa nga yung dahilan kung bakit sya nasaktan. Ako ang dahilan kung bakit nakakita sya ng ibang taong bumuo sa kanya. Yung taong hindi tinignan yung oras na hindi naibibigay ni Rj sa kanya. Yung taong mas piniling nasa likod nya habang pinapalakpakan sya ng mga tao. At ang taong nagbigay sa kanya nang bagong direksyon.
Si Nia. Ang nagbigay sa kanya kay Yyo.
She was his sunrise during his days of unending sunset.