Chapter 2: Garden

11 2 0
                                    

2nd week na at naghahanda na ang lahat sa pagtitake ng pictures.
Wala ang mga teachers dahil may meeting sila kaya free time namin ngayon.

Pumunta kami ng kapartner ko sa likod ng senior highschool building kung saan may garden.

"So..um..Zarrine." awkward na pagpapakilala ko.

"What's your name?" tanong ko.
Hindi ko na kaya to.

"Blake." tipid na sagot niya.

"Dun nalang sa puno yung first picture?" tanong ko.
Tumango siya.

Niready na namin ang camera at pumwesto sa puno.
Katabi ko siya at pareho kaming nakasandal sa puno at nakatingin sa isa't isa.

May hawak kaming libro at ngumiti ako sakanya. At for the first time in forever nakita kong ngumiti ang cold guy na ito habang nakatitig sakin.

Halos mabingi ako sa lakas ng tibok ng puso ko. Bakit ganito?
Nakatitig lang naman siya pero grabe na ako kung makareact!

Pagclick nung camera ay agad akong pumunta dun para icheck kung maganda. Nakita kong maayos naman yun.

Niligpit ko na ang mga gamit para makapunta na kami sa sunod na place pero hindi siya tumatayo.

"Blake.." tawag ko.
Hindi siya sumagot pero tinapik niya ang tabi niya.

"20 minutes."
"Mabilis lang ah? May gagawin pa ko."

Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.

Nagising ako sa balikat niya.
Nag angat ako ng tingin at nakita kong tulog din siya.

Di ko maiwasang puriin ang kagwapuhan niya. Gwapo rin pala ang isang toh ah? Masungit nga lang.

Pinilig ko ang ulo ko.
Pati ba naman lalaking natutulog pagpapantasyahan ko?

Narinig kong tumunog ang bell.

Dun ko lang napansin na ang tagal ko na palang nakatitig sakanya.

Nagising na siya at niyaya ko na siyang umalis.

"Ah..lika na. Lunch na." yaya ko.

Tumango siya at tumayo.

Naglahad siya ng kamay na tinanggap ko.

Bigla ko nalang nabitawan ang kamay niya dahil sa naramdaman kong kuryente.

Kumunot ang noo niya.

Nag iwas nalang ako ng tingin at sabay na kaming bumalik sa room.

Destiny Will Take PlaceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon