Chapter 13: Brother is back

4 1 0
                                    


Paglingon ko gulat na gulat ako.
Anong ginagawa ni Kuya dito?!

Kumindat siya sakin.

"Ah guys..Kuya ko pala." pakilala ko.
"Hi guys! Zield!" naglahad siya ng kamay.

Tinanggap nila maliban kay Blake na nasa ibang direksyon ang tingin.

"Jace." "Vanessa." "Allison."

Hindi siya pinansin ni Blake pero hindi din naman nag react si kuya.

"Guys..una na ko ah?" ngumiti ako sakanila.

"Paano yung klase mo?" tanong ni Allison.

"Maaga pa naman eh..babalik ako before lunch..kakain kang kami." sagot ko.

Tumango sila at ngumiti.

"Blake." pagpapaalam ko.
Tumango siya.

Habang naglalakad kami kinausap ako ni Kuya.

"Ano mo yung lalaking yun?" tanong niya.

"Si Blake?" tanong ko.
"Kaibigan?" tanong niya ulit.

"Oo. Wait. Bakit ka nga pala nandito?" tanong ko.

"Birthday ng prinsesa ko eh." Kinindatan niya ako.

"Prinsesa lang?" ngumuso ako.

Tumigil siya sa paglalakad at kinurot ang pisngi ko.

"Di ko na kukunin yung salitang 'reyna'..Dahil kuya mo ko..prinsesa kita..Sa tamang lalaki..ikaw ang reyna." ngumiti siya.

"Aww! Love you Kuya!" niyakap ko siya.

Humiwalay ako.

"Pero seryoso kuya..umuwi ka para lang dun?" tanong ko.
Sa ibang bansa kasi nagtatrabaho si kuya.

"Anong lang? Importante yun. Baka may manligaw na sayo..You're turning 18 next week sis."

Pumunta kami sa cafeteria at bumili siya ng pagkain.

Inabot niya agad sakin yun.

"Thanks kuya!" ngumiti ako.

Nung naglunch time ay nakababa na ang lahat maliban sakin.

Paglabas ko ng classroom may humawak sakin at dinala ako sa vacant room.

"Bakit?" tanong ko.
"Pwede ka next week? After your party?" tanong ni Ryle.

Ngumiti ako. "Sure."
"Okay. I'll fetch you." ngumiti din siya.

Habang naglalakad ako may humawak sa kamay ko.

"Tss. Pwede itigil mo yun?" tanong ni Blake.

"Ang alin?" litong tanong ko din.

"Akala ko ba boyfriend mo lang pwedeng umakbay sayo?"sabi niya at nag iwas ng tingin.

Inisip ko pa kung anong ibig niyang sabihin. Isa lang naman ang umakbay sakin ngayon ah? He's talking about ny brother!

"What? Kuya ko yun eh!"

"Tss. Kahit na." sagot niya sabay akbay sakin.

"Eh bakit ngayon umaakbay ka?"

Hindi siya sumagot at hindi niya rin inalis ang pagkakaakbay niya sakin.


Destiny Will Take PlaceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon