"Zarrah Christine Verceles and Blake Kevin Fajarillo." tawag ni miss sa susunod na magpepresent.
Tumayo kami ni Blake at pumunta sa harapan.
Tiningnan ko ang mga kaklase ko habang inaayos ni Blake yung powerpoint.
Kinakabahan ako habang si Blake ay walang bahid ng kaba.
Wala akong hinandang sasabihin!
Hays. Bahala na!
Pinakita namin ang unang litrato, Nakasandal kami sa puno habang may hawak na libro at nakangiti sa isa't isa.
Sinabi ko na lang ang mga simpleng bagay na nalaman ko sakanya.
"Unang una..magaling siya sa Math." panimula ko. Hindi ko alam kung tama ba yung mga pinagsasabi ko pero bahala na.
Pinakita ang sunod na pic, Kumakain kami ng streetfood.
"Mahilig siyang kumain at favorite niya ang streetfood."
Tumango tango ang mga kaklase ko habang nakangiting nakatingin sa picture.
"Ang takaw takaw hindi tumataba?" bulong ko.
"Ano?" mahinang tawa ni Blake sa gilid ko.
Totoo naman kasi eh. Lalo na nung nagbeach kami, kahit nakasando siya ay halata namang maganda ang katawan niya.
Umiling ako.
Next picture, yung bracelets namin.
"Mahilig din siyang..maggitara.." sabi ko habang inaalala yung mga kantang tinugtog niya.
Next picture, sa beach.
"Magaling din siyang kumanta."
Shiz! Naalala ko nanaman yung mga kinanta niya!
Tumili ang ibang babae. Sumulyap ako kay Blake at nakitang nakatitig nanaman siya sakin.
"At panghuli..hindi halata..pero marunong siyang ngumiti..at..masaya siyang kasama.." nakangiti kong sinabi.
Naabutan ko nanaman siyang nakatitig sakin kaya hindi ko maiwasang tumitig pabalik.
Naputol lang ang titigan namin nung nagsalita ang teacher.
"Ok. Good. Next five facts please..Mr. Fajarillo?"
Tumango si Blake.
Kinakabahan na ako dahil wala na kaming pictures.
BINABASA MO ANG
Destiny Will Take Place
Teen FictionZarrah Christine Verceles is a simple girl who focuses on nothing but studying. Siya ay kilala bilang pinakamatalino at pinakamaganda sa kanyang batch. Pero saan kaya mababaling ang atensyon niya pag dumating ang isang lalaki na gugulo sa utak niya...
