Walang pasok ngayong thursday dahil retreat ng teachers.
Kaya naisipan kong pumunta sa bahay ni Blake dahil siya lang naman daw ang nakatira doon.
Hindi pa kasi siya nagmemessage sakin mula kagabi.
Pinagbuksan ako ng isang..babae?
Akala ko ba mag isa lang siya?"Belle! Just go home! Ayoko na!" dinig kong sigaw ni Blake sa loob.
Hindi niya parin ba tinitigilan si Blake?
Lumabas siya at nanlaki ang mata niya.
"Ah. Babalik na lang ako." patalikod na sana ako pero hinila niya ako at nilagay sa likod niya.
"Belle! Just go!" sabi niya sa babae.
"Fine! I'll come back tomorrow!" sigaw nung babae at umalis.
Humarap sakin si Blake.
"I'm sorry. Happy birthday Zarrine."
Hinawakan niya ang pisngi ko.
Binaba ko yon."Bakit hindi ka nakapunta?" tanong ko. Hindi ko maiwasan ang lungkot sa boses ko.
"I'm sorry. Biglang dumating si Belle."
"Your ex girlfriend?" tanong ko.Pumikit siya at tumango.
Sumakit ang dibdib ko.
"Bakit hindi mo sinabi sakin na ex mo siya? Yung sumasayaw-No. Bakit ko ba to sinasabi? I sound like your girlfriend. Kahit hindi naman." bumaba ang tingin ko.
Naramdaman ko yung titig niya sakin.
"Ayaw kong lumala pa yung problema."
"Ano bang problema?" nangingilid na ang luha ko."Zarrine..She wants me back at ayokong magselos ka."
Tumulo na ang luha ko.
"Blake, kahit selos na selos na ako wala akong karapatan! Hindi tayo Blake! Hindi tayo.." humina ang boses ko."Pero bakit hindi mo sinabi? Maiintindihan ko naman eh. Marinig ko lang explanation mo maniniwala naman ako eh. Makikinig ako sayo." sabi ko.
"Importante pa ba siya sayo? Hindi ka nakapunta sa party ko dahil nandito siya? Hindi mo ba siya kayang iwan lang saglit para makadalo sa party ko? Tapos bumalik ka na dito..Pero hindi eh..napaalis mo lang nung dumating na ako." patuloy parin ang buhos ng lintek kong luha.
Hindi dapat. Pero ang sakit eh.
BINABASA MO ANG
Destiny Will Take Place
Teen FictionZarrah Christine Verceles is a simple girl who focuses on nothing but studying. Siya ay kilala bilang pinakamatalino at pinakamaganda sa kanyang batch. Pero saan kaya mababaling ang atensyon niya pag dumating ang isang lalaki na gugulo sa utak niya...