Chapter 19: Relationship

5 2 0
                                    


"Hindi ka naman ganyan dati diba? Gusto mo ba ako? Kasi ako? Gustong gusto kita."

"Zarrine. I'm sorry. Gusto kita. Gusto kita. Wala na akong pakealam kay Belle." pagpapaliwanag niya.

"Really? Kasi sa tingin ko wala ka na ding pakealam sakin eh. I was waiting for your message nung birthday ko. Pero wala eh..Nakalimutan mo siguro." sobrang hapdi na ng mata ko.

"I'm sorry Zarrine.."

"Nililigawan mo ko diba? Inisip kong nililigawan mo na ko simula nung umamin kang gusto mo ko..Now I'm already eighteen. Pero hindi mo pa rin naman ako girlfriend..Hindi ko sinusumbat sayo na hindi mo napakita sakin na gusto mo ako ha? Napakita mo yun..Sobra pa..Siguro masyado lang akong nadala dahil hindi ka nakapunta nung birthday ko.

Pero please wag mo na gawin ulit yun? Ang hirap kasi eh. Yung mga ginagawa natin parang tayo..pero hindi. Eighteen na ako pero..hindi parin. Hindi kita minamadali ah? Pero kung ayaw mo na sabihin mo agad para hindi ako masyadong masaktan." That's a lie. Nasasaktan na ako ngayon. Sobra.

Pinalis ko ang luha ko.

"Tama na..Wag mo na ko paasahin pa Blake." tumalikod ako para umalis na.

Pero bigla niya akong niyakap galing sa likod.

"I'm sorry. Hindi ko inisip yung mararamdaman mo nung hindi ako pumunta nung party mo. I'm sorry. Hindi ko sinasadya. I'm sorry. Please. Patawarin mo ko. Hindi ko sinasadyang saktan ka." naramdaman ko ang luha niya sa aking leeg.

Hinarap ko siya.

"Blake. Just give me time okay? Babalikan kita." niyakap ko siya.

"I love you." bulong niya.

"I love you too." hinigpitan niya ang yakap niya sakin dahil sa sagot ko.

Destiny Will Take PlaceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon