Special Chapter

14 2 1
                                    

Blake's POV

"Verceles, Zarrah Christine F. Rank 1."
Tumayo ako at pumalakpak.

"Mahal na mahal ka namin!" narinig kong sigaw ni Jace.

"Ano?!" inis na tanong ko.

"Ay. Ni Blake lang pala! Mahal na mahal ka ni Blake!" bawi niya.

Hinawakan ko ang kamay niya.
"Saan tayo pupunta?" tanong niya.

Pinagbuksan ko siya ng pinto at pumasok agad siya doon.

Hinalikan ko ang labi niya bago ko isara ang pinto.

Nakita ko ang pagtataka sa mata niya habang tinitingnan ang lugar kung nasaan kami ngayon.

"May susunduin ka?" tanong niya.

Hindi ko pa siya nasasagot may marinig kaming bumukas na pintuan sa kasunod na kotse. Lumabas ang mga magulang niya doon.

"Ma? Dy? Anong ginagawa niyo dito?"

Nilabas nila galing sa kotse ang mga bagahe ni Zarrine at agad yung kinuha ng mga bodyguards nila.

"Ingat ka nak ha.." niyakap nila si Zarrine.

"Blake.." tumingin sakin ang tatay niya.
Tumango ako.

"Huy saan ba talaga tayo?" tanong ni Zarrine habang papasok kami ng airport.

"Diba mahilig kang magbasa?" tanong ko.
"Huh? Oo." sagot niya.

"Nabanggit sakin ni Allison na baliw na baliw ka daw sa isang libro..at may gusto ka daw puntahan.."

"Siargao?" tanong niya.
"Yeah."

"Oh. Okay. So ano namang ginagawa natin dito?" tanong niya ulit.

"Dadalhin kita dun..kahit hindi sila yung kasama mo."

Napangiti siya.
"Seryoso?"

Tumango ako.

"Wooh!" sigaw niya ay niyakap ako.

Tumawa ako at hinila na siya papasok sa eroplano.

Destiny Will Take PlaceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon