Bumaba siya at naiwan akong nanonood parin.Lumipas ang ilang minuto at tapos na ang performance ngunit hindi pa siya nakakabalik.
Naisipan ko ng bumaba para hanapin siya.
Pababa na sana ako para pumuntang cafeteria pero may narinig akong nag-uusap sa hallway.
Nag-aaway ba sila?
"Stop it! We are done! Nay nililigawan na ako! Masaya ako sakanya kaya tumigil ka na!" sigaw ni...
Blake?
Nakita ko siyang nakikipagsagutan sa isang estudyanteng taga ibang school.
Naka itim siya at..siya ba yung performer kanina? Kaya ayaw manood ni Blake?"No! I can't live without you! Come on! Kev.." sabi nung babae.
Kev? Kevin? Bakit tinawag niya si Blake gamit ang second name niya?
'I can't live without you!'
Dahil sa linya niyang iyon ay napagtanto kong ang babaeng iyon ay dating kanya.
That girl..is his ex girlfriend.
"Please. Stop it. I'm sorry." mahinahon nang sabi ni Blake.
Nanikip ang dibdib ko kaya umalis nalang ako dun.
Wala namang dahilan para magselos ako pero ang laki kasi ng epekto sakin eh.
Iniisip ko pa lang na mundo niya dati ang babaeng iyon ay nasasaktan na ako. Lalo na at mahal siya dati ni Blake.
Bumaba ako at umupo sa bench.
Maya maya ay nakita ko si Blake na pababa na..Tumabi siya sakin.
"Why are you here?" tanong niya.
"Uhh. Tapos na yung performance..
Saan ka galing?" tanong ko."Uh. May kinausap lang akong kakilala."
Tumango ako. "Lalaki?" tanong ko ulit.
Tumango siya.
Bakit ka nagsisinungaling sakin Blake?
May tinatago ka ba sakin?
Ano kayo na ba ulit ng ex mo?Gusto kong itanong lahat yan sakanya pero inisip kong manahimik nalang.
Hinatid niya ako sa bahay.
"Thank you." sabi ko at bumaba na agad.
Hindi pa ako nakakapagbihis ay nakatanggap na agad ako ng mensahe galing sakanya.
Blake:
"Zarrine..Hindi ako makakaattend sa party mo..I have something to do. I'm really sorry. Babawi ako sayo. I miss you."Hindi ko namalayan na tumulo na pala ang luha ko.
Bakit sa importanteng araw ka pa mawawala?
I'm turning eighteen. Pwede mo na akong ligawan..Oh baka ayaw mo na? Nagbago na ba ang isip mo?
Umiling ako.
Gusto niya ako at may tiwala ako sakanya. Sapat na ang mga ipinakita niya para iparamdam niya saakin iyon.
Kahit iniisip kong ganun nga ay hindi parin mawala ang kalungkutan ko.
Humiga ako at niyakap ang unan habang patuloy na tumutulo ang luha ko.
BINABASA MO ANG
Destiny Will Take Place
Teen FictionZarrah Christine Verceles is a simple girl who focuses on nothing but studying. Siya ay kilala bilang pinakamatalino at pinakamaganda sa kanyang batch. Pero saan kaya mababaling ang atensyon niya pag dumating ang isang lalaki na gugulo sa utak niya...