Dumating nanaman ang monday at ang dami naming gagawin.Lunch time ay wala akong panahong kumain dahil gumagawa ako ng requirements sa math.
Argh! Sobrang hirap!
Yumuko ako sa table dahil sa hilo.
Ang hirap na nga nung math tapos hindi pa ako nakakain.
Bakit ba kasi hindi ako kumain?Nakalapat padin ang ulo ko sa table nang naramdaman kong may humawak sa kamay kong may hawak ng ballpen.
Inangat ko ang ulo ko at nakitang siya na ang nagsagot nito.
Lumingon ako ng natapos siya at nakita ko si Blake.
"Wag ka masyadong magpakastress..Let's go out." ngiti niya.
Napangiti ako at pumayag sa gusto niya.
Nang dismissal na ay sinundo niya ako sa classroom at sabay kaming pumunta sa kotse niya para pumunta ng mall.
Wala kaming ibang pinagkwentuhan sa kotse kundi ang hindi ko pagkain.
"Dapat kumain ka. Kung kailangan mo ng tulong sa ibang subjects mo you can always ask me. Wag ka na ulit papalipas ng gutom okay?" pangaral niya sakin.
Napangiti nanaman ako dahil sa kasungitan niya. Habang sinasabi niya kasi ito ay nakasimangot siya.
Bumaba ako sa sasakyan nang nakarating na at dumiretso na kami sa cinema.
"Another pic?" ngumiti siya.
Hawak namin ang popcorn at drinks habang nakangiti sa camera.
Matapos ang movie ay niyaya ko siyang mamili ng kung ano ano.
"OMG! Doon!" turo ko sa forever 21.
Kumuha ako ng maraming damit dahil sale.
"Saan pa?" tanong niya maya maya.
Napuntahan na namin halos lahat ng pwedeng bilhan ng damit at ang dami na niyang dala kaya tumigil na ko at tumawa.
"Uhmm..Gusto ko ng milk tea!" excited kong sinabi.
"Pumunta ka na sa ibang shops na gusto mo pang puntahan. Bibilhan lang kita ng milk tea." sabi niya.
"Sure ka?" medyo malakas kong sinabi dahil malayo na siya.
Lumingon siya sakin at ngumisi.
Naglakad ulit siya palayo.Nag iintay ako ngayon dito sa tapat ng adidas.
Binilhan ko nalang siya ng damit dahil ang dami ko ng nabili para sa sarili ko habang siya ay wala pa tapos nilibre niya pa ako ng pagkain kanina.
Ang tagal!
Itetext ko na sana siya nang bigla ko siyang nakita na papalapit na sakin.
Agad kong kinuha ang milk tea sa kamay niya at ininom.
"Thanks!" ngumisi ako.
Naglakad na kami papuntang parking dahil kailangan na rin naming umuwi.
Bago ako sumakay ay may kinuha siya sa likod ng kotse at may inabot siya saking paperbag.
Tiningnan ko muna iyon bago tanggapin.
"Anong gagawin ko dito?" tanong ko.
"Wala..Regalo ko lang sayo." sagot niya."Ha? Di ko naman birthday ah?" nagtatakang sagot ko.
"Basta. Tanggapin mo na lang.""Yieee! Thank you!" sigaw ko.
Isang adidas na shorts at jacket! Damn Blake!
"Teka, kailan ka bumili nito?" tanong ko.
Dun din naman kasi ako bumili kanina eh hindi naman kami nagkita.
Ngumiti nalang siya at dun ko naalala na umalis nga pala siya kanina habang kumakain ako.
"Thanks for today! Nag enjoy ako!" ngumiti ako sakanya pagbaba ko sa tapat ng bahay namin.
"Mas masaya ako...Kahit kaunting oras lang yun.." bulong niyang narinig ko naman.
"Ha?"
"Ah..Wala. Sabi ko ako nalang gagawa nung powerpoint presentation natin.." hinawakan niya ang batok niya.
"Hmm. Sige!" ngumiti ako.
Oh yes! HAHAHAHA!
Bago siya umalis ay inabot ko na rin ang regalo kong damit na adidas din.
Nakita ko ang gulat sa mukha niya kaya ngumiti ako.
"Thank you gift lang. Dahil kakakilala palang natin ay ang dami mo ng nagawa para sakin."
Umiling siya at ngumisi.
Bumaba pa siya ng sasakyan niya para sabihin saking..
"Expect more gifts from me then. Masyado ka palang sweet mag thank you."
Umiling ako at ngumisi din.
Kinabukasan ng breaktime ay magkasama kami ni Ryle.
"Sorry ah..Busy ako kaya ngayon lang ulit tayo nakapagbonding.." sabi ko.
"Ok lang." ngumiti siya.
Pagdating ng lunch ay nakita kong nakaupo sa isa sa mga table si Blake at mukhang problemado.
Halatang stress na rin siya..parang ako lang nung isang araw.
Natatawa akong lumapit sakanya.
BINABASA MO ANG
Destiny Will Take Place
Teen FictionZarrah Christine Verceles is a simple girl who focuses on nothing but studying. Siya ay kilala bilang pinakamatalino at pinakamaganda sa kanyang batch. Pero saan kaya mababaling ang atensyon niya pag dumating ang isang lalaki na gugulo sa utak niya...